One month later
Mingyu POV
I was staring at him as he carry our baby. Mukha siyang takot na takot pero amaze na amaze din habang nakatingin sa aming baby Wongyu.
I never imagine na makikita ko ang mag ama ko sa ganitong eksena. Akala ko may mawawala sa kanilang dalawa mabuti na lamang at tama ang desisyon kong unahing iligtas ang anak namin ni Wonwoo. Isang linggo pa ang lumipas bago ang himala niyang pagkakagising mula sa pagkakacomatose. At isang buwan na ang lumipas ng makarecover siya.
"Mingyu?" his deep voice wake me up from my thoughts.
"Yes baby?"
"Ahmmm...Anak ko ba talaga siya?" sabay tingin sa anak naming karga karga niya.
I hold his hand as I nod my head as an answer. He look to our son cluelessly but can feel the fondness in his eyes. Ganun siguro ang instinct na kahit di niya nakikilala ang anak, ramdam naman niyang galing ito sa kanya.
Wonwoo lost his memory. But the doctor said its temporary kailangan lang siyang paligiran ng mga bagay na magpapaalala sa kanya ng mga nakaraan to gain his memory back.
"At.....i-ikaw ang tatay ni baby Wongyu? I nodded as an answer.
"Ikaw din ang asawa ko?" again I nodded as an answer, dahilan para manlaki ang kanyang mga mata. Ang kyut niyang tingnan kasi mukha siyang inosenteng tingnan.
"Meaning tayong dalawa gumawa sa kanya?" gulat niyang tanong. Natawa naman ako habang tumatango sa kanya.
"Ang gwapo ng nabuo natin," nangingiti nitong sabi saka muling pinagmasdan ang anak namin.
Wongyu is a mix features of me and Wonwoo. Nakuha niya ang kulay ng balat ni Wonwoo, mata at ilong sa akin at mapulang labi kay Wonwoo. Napagkakamalan ngang babae si Wongyu dahil sa maamong features ng mukha nito. Kaya naman madalas na kargahin ng mga nurses ang baby namin.
"Baby Wonwoo ko, aalis muna ako ah I have a fansign for today. Babalik din ako." then I kissed his forehead.
"Aalis ka? Iiwan mo ako? Wag ka nang umalis?" he was about to cry while clinging to me.
Simula ng magising siya naging clingy si Wonwoo sa akin, siguro dahil sa ako ang unang namulatan niya paggising. Ayaw niyang nawawala ko sa paningin niya at kapag umaalis ako ng tulog siya, pagbalik ko umiiyak siya. At kapag darating ako yayakap na siya ng mahigpit sa akin habang sinasabi na sobrang namimiss na niya ako.
"Baby ko, need kong magwork para sa atin saka kay baby Wongyu natin," i gently said to him. "Pramis baby babalik ako, mabilis lang ako."
"P-promise?"
"Promise."
"Pinky swear tayo para tuparin mo yung promise mo." he aimed his pinky finger while looking at me with his big round eyes.
Nangingiti kong pinagsalikop ang mga hinliliit namin for a promise. After that I kissed his lips and Wongyu's chubby cheeks.
"Ingat ka baby Gyu ko," he cheerfully said while waving his right hand and I smiled as I look at him for the last time before closing the door.
Ang sarap naman niyon tinawag niya akong baby Gyu. Kinikilig kong bulong sa isip.
-----
"Welcome home baby Gyu,"
Automatic akong napangiti ng pagbukas ko ng pinto ng bahay ay ang nakangiti at masayang mukha ng Wonwoo ko ang nakita ko. Nawala lahat ang pagod ko mula sa buong araw na shooting at recordings ng yakapin niya ako.
Hindi na siya ganun kaputla at unti unti nang bumabalik ang dati niyang katawan. Palagi na rin siyang nakangiti dahilan para mas gumanda pa lalo siya sa paningin ko.
"How's my Wonwoo?" tanong ko sa kanya habang hawak hawak niya ang kamay ko at iginiya ako papunta sa dining table kung saan may nakahain nang masasarap na pagkain.
"Ayos naman ako. Palagi kong kasama sina Mina at baby Wongyu sa pamamasyal dyan sa park, kanina pala pumunta kami kay beshy Jun, ang kyut kyut nung baby girl nila na si Minju." masaya nitong pagkukwento habang sinasandukan ako ng pagkain.
Good thing sa pagkakaroon ng amnesia ni Wonwoo ay yung naging domestic siya, gusto niyang palagi gumagawa ng mga gawaing bahay, mag aalaga sa dalawang bata, at naghahanda ng pagkain namin at mga gagamitin ko kapag aalis ako. Isa pa yung pagiging malambing niya at mas naging kyut siya sa paningin ko.
"Alam mo Mingyu parang gusto ko nang sundan natin agad si baby Wongyu. Gusto ko naman baby girl."
Nabilaukan ako sa sinabi niyang iyon kaya naman napabuga ako. Ramdam ko rin ang pagpasok ng kanin sa ilong ko. Inabutan naman niya agad ako ng tubig.
"Wonwoo one month ka palang nanganganak gusto mo na agad ng baby." di ako makapaniwala sa mga naririnig ko kay Wonwoo.
"Eyyy kasi naiinggit ako kay Jun. Ang ganda ng baby niya. At kapag nagkaanak tayo paniguradong mas maganda pa sa anak nila." nagmamaktol nitong sabi. Napabuntonghininga ako saka siya hinapit at iniupo sa hita ko.
"Baby gusto ko rin namang magkababy ulit tayo, pero kung mabubuntis ka kaagad paano naman si Wongyu? Hindi natin siya matututukan. Saka si Mina hindi na natin siya masyadong naaasikaso. At gusto ko kapag nagkababy ulit tayo kailangan kasal na tayo at...... At sana bumalik na yung alaala mo."
Halata namang nakikinig siyang mabuti sa sinabi ko at nakangiti siyang sumang ayon sa akin.
"Hindi ko man naaalala ang lahat Mingyu nararamdaman naman ng puso ko na mahal na mahal kita."
Those words made me cry and I hug him tight that make him laugh.
"I love you forever and always Wonwoo ko."
BINABASA MO ANG
My Daughter's Dad (Completed)
Fanfiction" Papu kelan babalik si Papa?" "Malapit na siyang umuwi baby, nag iipon lang siya para may pasalubong siya sa baby Mina namin." "Papu, nakita ko na si Papa. May kotse siya, at sabi niya sa akin babalikan niya raw ako doon sa convenience store." T...