Chapter 36

971 48 8
                                    

Wonwoo POV

Masayang masaya ako ngayon dahil sa wakas nagkaayos na rin kami ni Mingyu. Ramdam ko naman na mahal niya ako at hindi na importante sa akin kung hindi man niya naikukuwento sa akin ang nakaraan niya. Ang mahalaga sa kin ipinapakita at ipinaparamdam niya ang kanyang pagmamahal.

"This is the best day of my life

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"This is the best day of my life. I love you papu and papa,"

It softened my heart by seeing my daughter smiling so genuinely.

Nasa gitna namin si Mina at magkabilaang kamay kami ni Mingyu sa paghawak ng kamay ni Mina. Kaya naman hindi ko napansin ang papasalubong na lalaki at huli na dahil nabangga ko na siya.

"S-sorry po mister," paghingi ko ng paumanhin sa kanya matapos ko siyang maalalayang makatayo mula sa pagkakatumba. Nakakapagtaka namang mas malaki ang pangangatawan niya sa akin ngunit natumba siya sa halip na ako.

Si Mingyu naman ay nag aalalang lalapit sana sa akin ngunit sinenyasan ko na lang siyang 'ayos lang ako'. Hinawakan nalang niya ng mahigpit ang kamay ni Mina habang nakamasid sa amin.

"May.....t-tanong ako sayo?" garagal ang boses nito. Pero mukhang pinepeke niya lang. Di ko lang sigurado. "Kaano ano mo.....ang.....lalaking iyon?" sabay turo nito kay Mingyu na kasalukuyan pa rin namang nakasuot ng mask niya.

On instinct ayaw kong sagutin ang tanong niya. Feeling ko may mangyayaring masama kung sasabihin ko ang totoo. Kaya naman nagpanggap akong walang narinig at nagpatuloy lang sa pag alalay sa kanyang tumayo. Mukhang nainis siya sa hindi ko pag imik kaya naman idiniin niya ang hawak sa braso ko dahilan upang mapaaray ako.

"Bakit ayaw mong sumagot? Boyfriend mo ba ang lalaking iyan?" at sa isang iglap nakita kong nanlisik ang mga mata niya. Agad naman akong nakaramdam ng takot. Babawiin ko na sana ang kamay ko ngunit ayaw ko namang makagawa ng gulo dahil oras na makita ni Mingyu malamang mabugbog ang lalaking ito. At mapapahamak na naman si Mingyu.

"Excuse me. Why are you gripping my boyfriends arm?" pareho kaming nagulat sa biglang pagsulpot niya sa harapan namin.

"At sino ka namang epal ka?" maangas nitong tanong at tila nanghahamong lumapit sa kanya. Dahil doon nabitawan niya ang braso ko.

"Well he's my boyfriend. So back off he's mine." madilim ang mukha nitong sabi dahilan para matulala din ako.

Anong pinagsasabi niya?

"Sa tingin mo magagago mo ako?" nakangisi nitong sagot. "Ayun ang boyfriend niya oh," sabay nguso kay Mingyu na punong puno ng pagtataka ang mukha.

Walang ekspresyon ang mukha niyang tumingin sa lalaking nabangga ko. Hinigit niya ang kaliwang braso ko at hindi ko napaghandaan ang mga sumunod niyang ginawa.

Nang tumingin ako kay Mingyu, kitang kita ko ang sakit sa kanyang mga mata dali dali niyang kinarga si Mina at tumakbo.

Naiinis namang umalis ang lalaki. Samantalang kaming dalawa ay magkaharapan. Nang maalala ko ang sakit sa mga mata ni Mingyu, ubod lakas kong sinampal ang kaliwa niyang pisngi bago magsalita sa malamig na tinig.

"Bakit mo ako hinalikan sa harap ni Mingyu, Minghao?"

My Daughter's Dad (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon