Chapter 34

1K 44 2
                                    

Wonwoo POV

Marahan akong humiwalay sa pagkakayakap ni Mingyu. Dahan dahan akong umalis ng kama para hindi siya magising.

Napagod ang loko. Nangingiti kong sabi sa sarili habang pinagmamasdan ang pagtulog ni Mingyu. Kontento at masaya lang akong nakamasid sa kanya ng marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko.

Junhui calling.....

Dali dali kong sinagot ang cellphone sa pag aakalang may masamang nangyari kay Mina. Ngunit hindi si Jun ang narinig ko sa halip ang matinis na boses ni Mina.

"Hello papu, nasaan ka na po? Nagwoworry na ako sayo, iniwan mo ako dito kay 'nang 'nang Jun."

Inayos ko muna ang cellphone sa tenga ko para mas marinig si Mina bago sumagot.

"May pinuntahan lang si papu Mina ko. Sorry ah di na nakapagpaalam sayo si papu,"

Napansin ko namang gising na si Mingyu at ngayon ay nakikinig sa pag uusap namin ni Mina.

"Sino pong pinuntahan ninyo? Si Papa Mingyu? Uuwi na po ba siya dito? Miss na ba niya po ako?"

Hindi na ako sumagot sa halip iniabot ko kay Mingyu ang cellphone na siyang ikinakunot ng noo niya.

"Gusto kang makausap ni Mina, miss na miss ka niyan." sagot ko at tumabi kay Mingyu saka ipinatong ang baba ko sa balikat niya para marinig ang pag uusap nila ni Mina.

"Hello my pretty angel Mina. Kamusta na?" silence. "Oo naman mas namimiss ka ni Papa." silence. "Sorry kung iniwan ka ni papu mo dyan kay ninang mo. Nag usap lang kami." silence. "Hahahaha, of course baby love na love ko si Papu Wonwoo mo, di na siya paiiyakin ni Papa." silence. "Yup, susunduin ka namin dyan and we're going to have a bonding you like that? Hahahahha"

Sabay kaming napalayo sa cellphone ng marinig ang matinis na tili ni Mina sa kabilang linya.

"I love you papa Mingyu. Bilisan nyo na pong pumunta dito miss na miss ko na kayo eh."

"Okay baby pupunta na kami dyan. Love you also." iyon lang at nakarinig na kami ng end call.

"Halika na. Masamang pag antayin ang bata na iyan nagtatampo," natatawa kong sabi ng hilahin ko patayo si Mingyu.

"Saglit lang Wonwoo ko namiss kita eh," pacute pa nitong saka nagpout.

"Heh, anong miss? Parang koala na nga tayo buong maghapon sa sobrang pagkakadikit." hinila ko ulit siya patayo pero ako ang bumagsak sa ibabaw niya.

Mingyu crossed the small distance and placed a gentle kiss on the tip of my nose before he goes up.

----

"PAPA!!!!"

Masayang sinalubong ni Mingyu si Mina na ngayon ay patakbong papalapit sa kanya. Sa likod naman nito ay si Junhui na may kalakihan na ang tiyan na nakangiti ding nakamasid sa amin.

"How's my baby girl?" Mingyu fondly looked at Mina after he hugs her. Napangiti ako sa nakita, akala mo talaga mag-ama ang dalawa sa sobrang closeness. Hindi ko pa pala nasasabi kay Mina ang totoo. Sana naman wag siyang magalit.

"Im fine papa. Bati na po ba kayo ni Papu?"

"Yes baby, pinatawad na ako ni papu mo at dahil dyan mamamasyal tayo."

Tumalon talon naman si Mina saka hinila ang kamay para magpatulong magbihis. Sinulyapan ko pa si Mingyu na nakangiti rin habang nakatanaw sa amin.

Nang magflying kiss ako sa kanya, para siyang sira na hinabol ang kiss ko.

Natatawa nalang si Junhui habang nakamasid sa amin. Ngunit nagtaka ako sa seryosong ekspresyon ni Minghao.



My Daughter's Dad (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon