Chapter 48

880 29 1
                                    

3rd POV

"Letse ka Wonwoo bakit tinawagan mo si Minghao? Alam mo bang nerbyoso yun at takot sa mga dugo?"

"Eh natataranta na ako. Saka asawa mo iyon natural tatawagan ko para malaman niya."

Napapatakip nalang sa mga tenga nila yung mga nurse na umaalalay kay Junhui sa emergency room. Isipin mo ba naman dalawang buntis, yung isa naglalabor ang nagsisigawan dahil lang sa pagtawag ng isa sa asawa ng isa.

"Ahmmm sir," atubiling kalabit ng isang nurse kay Wonwoo na walang tigil pa rin sa kakatalak. "Kailangan na ninyong lumabas papaanakin na namin si Mr. Wen.

Na narinig naman ni Junhui kaya naman bigla itong nagsisigaw. "HUWAG NYO SIYANG PAPALABASIN HINDI PWEDENG LUMABAS ANG BESTFRIEND KO. MAGWAWALA AKO KAPAG PINALABAS NYO YAN."

Kaya in the end kakamot kamot nalang ang mga nurse sa pag aantay na tuluyan nang manganak si Junhui.

"B-beshy," agad namang hinawakan ni Wonwoo ang kamay ng kaibigan ng bigla itong umiyak. "N-natatakot ako. N-natatakot akong manganak."

Naaawa namang tiningnan ni Wonwoo ang kaibigan. Naiintindihan niya ang struggle nito dahil kagaya niya isa ding bottom si Jun. Pero magkaiba sila dahil sa sobrang pagmamahal ni Jun sa asawa kaya mas pinili nitong siya ang magdala ng kanilang magiging anak.

Hayst! Struggle is real talaga para sa Team Bottom.

Medyo napayapa naman ang mga nurse ng biglang tumahimik ang emergency room dahil sa mahinang paghikbi ng magbestfriend na parang nakalunok ng pakwan.

"NASAAN? NASAAN ANG ASAWA KO? WEN JUNHUI, SHUAI ASAN KA NA?"

Napafacepalm nalang ang mga nurse ng tila torong bumulusok papasok sa ER si Minghao kasunod ang nag aalala ring mukha ni Mingyu.

"Minghao, andito ako," tawag ni Jun sa kasintahan. Yayakapin niya sana ito ng biglang sumigaw si Jun.

"MINGHAO MANGANGANAK NA AKO!!! AAAAAAHHHHHH!!!"

Nataranta na ang mga nurse at sina Mingyu at Wonwoo nang sumigaw si Junhui na manganganak kasunod niyon ay ang pagbagsak ni Minghao na hinimatay na pala. Mabuti nalang at maagap si Mingyu na nasalo ito.

Nang mailabas ni Mingyu si Minghao dali dali niyang binalikan si Wonwoo para ilabas na rin ng ER. Ngunit bigla na namang nagwala si Jun. "LINTEK KA MINGYU WAG MONG ILALABAS ANG BESTFRIEND KO. AYOKONG MAIWAN MAG ISA DITONG MANGANAK."

Tututol pa sana si Mingyu pero maagap na siyang hinawakan ni Wonwoo sa kamay at humihingi ng pang unawa ang mga tingin nito.

"Fine sasamahan ka ni Wonwoo pero kasama din ako." he said firmly.

Agad namang inabutan sila ng isang nurse ng lab gown at sinuutan ng hairnet dahil icecesarian si Junhui at hindi ito dapat mapasukan ng mga dumi.

"Bestfriend promise me na hindi mo ako iiwan dito ha. Si Minghao kasi ayokong natatakot yung asawa ko na un." naiiyak iyak na sabi ni Junhui kay Wonwoo habang inaantay nilang tumalab dito ang anesthesia na itinurok dito.

"Promise di kita iiwan. Bestfriend tayo di ba."

"Kung... Kung sakaling h-hindi na ako magising ikaw na bahala sa baby ko at kay Minghao ha. Alagaan mo sila."

Naluluha namang tinapik ni Wonwoo ang kamay ng kaibigan. Si Mingyu naman ay tahimik lang na nakikinig.

"Para kang sira. Bakit ka mamamatay? Fighter ka, makakaya mong makasurvive para kay Minghao at para sa baby ninyo." pagpapalakas ni Wonwoo sa loob ng kaibigan. Sasagot pa sana ito pero napikit pikit na ang mata nito, mukhang tumalab na dito ang pampatulog.

"P-pakisabi kay Minghao. Mei Li ang ipangalan sa baby girl namin ha." ayun lang at tuluyan nang napikit ang mata ni Junhui.

Samantala sinimulan na ang pagpapaanak kay Junhui thru caesarian. Tahimik lang silang dalawa magkahawak kamay ngunit ramdam ni Wonwoo ang panlalamig ng kamay ni Mingyu.

"Gyu, ayos ka lang ba?"

Nang mag angat siya ng tingin nakita niyang pinagpapawisan si Mingyu habang nakatingin kay Junhui na kasalukuyang hinihiwa ang tiyan upang makuha ang bata sa sinapupunan nito.

"Dapat mas alagaan pa kita baby. Di pala biro ang hirap na pagdadaanan mo para sa baby natin. Natatakot ako b-baka m-mawala ka ulit sa akin." at tuluyan na itong napaluha.

Wonwoo cupped Mingyu's chin, he tiptoed to reach Mingyu's lips na natatakpan ng surgical mask and kiss it. Napangiti si Mingyu sa sweet gestures ng asawa at siya naman ang yumuko para halikan ulit ang labi nito.

Sandaling natigil sa pagpapaanak ang mga nurses ng makita ang landian ng dalawa.

"Mga mister kung pwede lang po bawal maglandian ito sa ER nakamamatay. Kinikilig kami sa inyo eh." mataray na sabat ng midwife na mukhang bitter sa lovelife.

Napahiya namang itinago ni Wonwoo ang mukha kaya naman niyakap niya si Mingyu at itinago ang mukha sa dibdib nito.

Ilang sandali pa narinig na sa apat na sulok ng ospital na iyon ang malakas na pag iyak ng baby girl nila Minghao at Junhui.

My Daughter's Dad (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon