Chapter 8

1.7K 84 0
                                    

Angel's Note

Dedicate ko po itong chapter kay  Ayslyk69 kakakilig lang na inaabangan niya pala itong story ko na ito. Super big deal sa akin dahil isa yung stories ninyo na inaabangan ko. (Please visit her profile at marami siyang magagandang story about SVT ships) 😊😊😊😊 I love you gaya ng pagmamahal natin sa Meanie couple.

Wonwoo POV

"Kakakilig naman ni Mingyu, imagine nasabi niya yun," parang kiti kiting sabi ni Jun. Dahil buntis nagmukha tuloy siyang butete habang kumikiwal kiwal. Habang ako naman natatawa nalang sa pag iinarte niya.

But I admit habang kinukwento ko iyon hindi ko maiwasang kiligin. Pero hindi rin naman siguro siya seryoso sa sinabi niyang iyon, napakabata pa ni Mingyu nung time na iyon. Baka natuwa lang siya sa anak ko kaya naman nasabi niya ang bagay na iyon.


Ipinilig ko na lang ang ulo ko at inalis ang mga nakakakilig na ideya sa isipan ko. Mahirap nang umasa para sa huli ay masaktan lang.

Mingyu's POV

"Hi baby Mina," nakangiti kong sinalubong ang batang nakilala ko kahapon sa kaparehong convenience store na ito.


"Hello Papa Mingyu," tumatakbo itong sumalubong sa akin at nang makalapit ay mahigpit akong niyakap habang ako naman ay iniikot ikot siya.


"How's my baby? Nagbebehave ka ba sa bahay ninyo?" tumango tango naman ito kaya naman pumasok na kami sa loob ng store para umorder.


I felt a familiar warmth upon seeing this child. Kaya naman sa kabila ng nakakastress kong schedule sa trabaho at kahit na napakachildish na tumupad sa isang promise sa isang bata, pinuntahan ko pa rin siya.


Nakamask pa rin ako sakaling may makakilala sa akin. Mukhang ayos lang naman ito sa 'anak' ko at kampante lang siyang nakaakap sa akin.


"Here's your ice cream my little princess,"


"Thanks Papa,"  sinimulan na nitong kainin ang ice cream. I just watched her. Ang kyut ng batang ito. Nakatirintas ang magkabilang side ng buhok nito at nakasuot ng isang yellow dress.


"Baby, bakit pala Mina ang name mo? Si Mama mo ba nagpangalan sayo?"


Napatigil ang bata sa pagkain at napatingin sa akin. "Papa you already forgot, ikaw kaya nagbigay sa akin ng name na Mina. Sabi ni Papu nung nasa bus daw kayo noon nagrequest daw po ikaw na Mina Byul ang pangalan ko at dahil love na love kayo ni Papu pumayag na rin siya kahit na medyo weird," mahabang paliwanag nito saka muling bumalik sa pagkain.


Isang alaala ang bumalik sa isip ko 4 years ago sa isang bus na sinakyan ko papuntang Anyang. Malabo na sa isipan ko ang mukha ng lalaking may dala dalang baby na nakausap ko noon.


"But did you like that name?"

"Of course ikaw po nagbigay nun sa akin at kahit sabihin nilang panget ang name ko, for me ang name ko ang pinakamaganda. I love you Papa," then her little arms hugs my neck and kiss my right cheeks.


I find it heartwarming na yakapin ako ng isang bata at sabihan ako na she loves me. I really wish na sana ako nalang ang ama ng batang ito.



Wonwoo's POV


"Beshy andyan na yung bebe mo," kinikilig na tukso ni Junhui kay Wonwoo habang nakasilip kung saan naroon si Mingyu.


Inaasar asar na siya kay Mingyu dahil nga sa nakwento ni Wonwoo kay Junhui kanina. Pilit niya namang pinapormal ang ekspresyon kahit na may kaba pa rin na baka makilala siya ni Mingyu.


Come to think of it Kim Mingyu ang pangalan niya at Mina ang ipinangalan niya sa anak ko. Bakit ko ba siya sinunod noon, dahil umasa akong babalikan niya ako?

Lutang lang ako ng mga panahong iyon. Tama ganun nga siguro iyon.

Nakamasid lang siya habang masaya itong nakikipag usap sa kung sinuman ang nasa kabilang linya ng kanyang cellphone.

Ngunit nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na lungkot na makita itong lumaglag ang balikat at malungkot ng matapos ang pag uusap nila ng nasa kabilang linya.


“Ahmmm, excuse me ikaw ba yung make up artist?”


Muntik na siyang mapatalon ng marinig ang malalim nitong boses at ngayon ay nasa harapan na niya ito. Nawala na rin ang malungkot nitong ekspresyon kanina lang at ngayon ay nakangiti na ito. Napatango na lamang siya bilang sagot.


“Ikaw yung nag-ayos sa akin kahapon di ba? By the way Im Kim Mingyu,”


“Jeon Wonwoo,” naiilang naman niyang inabot ang kamay nito.

Nang magdikit ang kamay nila, tila siya napaso kaya naman agad agad niyang binawi ang kamay mula kay Mingyu at agad agad na tumalikod papuntang make up room.


Naiwan niya namang naguguluhan si Mingyu sa kanyang naging reaksyon.

My Daughter's Dad (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon