Chapter 15

1.3K 66 17
                                    


Wonwoo POV

Kanina pa ako naaasiwa habang inaayusan si Mingyu. Paano ba naman habang inaayusan ko siya panay ang tingin niya sa akin.

At kinikilig ako sa paraan ng tingin niya. Yung tinginan ng mga pa fall.

"Papu bakit ka po nahihiya kay Papa tumingin?"

Hayst! Sumabat pa ang anak kong ito na ngayon ay nakakandong kay Mingyu habang inaayusan ko.

"Oo nga baby ko, ayaw akong pansinin ni papu mo. Sad tuloy si papa," saka ito umaktong umiiyak.

Agad namang niyakap ito ni Mina at nagsimula na ring umiyak. Natataranta naman akong inaalo siya dahil hihikain ito kapag nasobrahan sa iyak.

"Don't cry na baby girl ko." pagpapatigil ko rito. Ngunit tuloy pa rin ito sa pag iyak.

"Bad ka papu, pinapaiyak mo si papa,"

"Ano bang gusto ng baby ko para di na siya umiyak?" pambobola ko tumigil naman ito sa pag iyak saka ngumiti ng matamis.

"Kiss mo po si papa Mingyu, tapos tawagin mo siyang honey. Sabi mo po yun ang tawagan ninyo di ba."

Shock naman akong napatingin sa anak ko tapos kay Mingyu na ngayon ay malawak ang ngisi sa mukha.

Tuwang tuwa ka sa nangyayari ha
..

"Pero baby..."

"Ayy!!! Baby ayaw ni papu mo eh. Naku sad na ako."

Nang aktong iiyak na si Mina. Agad agad akong yumakap kay Mingyu. Dahil nakaupo siya nakayuko at binaon ko ang mukha ko sa kanyang leeg.

In fairness ang bango bango ah.

"Wag ka nang magtampo sa akin honey ko," sabi ko habang nakabaon pa rin ang mukha sa kanyang leeg. Napansin ko namang napahinga siya ng malalim at hindi na nakaimik.

"Ayan happy family na talaga tayo," masayang sabi ni Mina na ngayon ay nakaipit sa aming dalawa.

Bibitaw na sana ako ng hapitin ako ni Mingyu at dahil doon napayakap na ako ng mahigpit sa kanya.

"Pinapatawad na kita honey ko,"

Lihim naman akong kinikilig sa kanyang sinabi. Para tuloy kaming totoong mag asawa na nagkatampuhan.

"Ahem, excuse me beshy. May aayusan ka pa."

Si Jun ang kumatok na ngayon ay sobrang lawak ang ngisi. Dali dali naman akong bumalikwas at napakamot sa ulo ko.

"Sige beshy sabay na ako sayo. Mina dyan ka lang kay papa mo ah wag kang hihiwalay,"

Dire-diretso at walang lingon lingon na sumunod ako kay Junhui na ngayon ay nakangisi habang kasabay kong naglalakad.

"Wag kang malisyosa," pairap kong sagot.

"Wala naman akong sinasabi ah,"

"Sino nga pala ang aayusan ko?"

Nang itanong ko iyon, biglang sumeryoso ang ekspresyon ng mukha niya.

"Si Aile,"

Angel's Note:

JeonSloth17 dedicate ko sayong chappie na ito. Natuwa ako sa comment mo. Our meanie hearteuu. 😆😆😆😆😆😆

My Daughter's Dad (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon