Chapter 27

1.1K 52 9
                                    

3rd POV

"Wonwoo shi?"

Napalingon si Wonwoo ng marinig ang pagtawag na iyon sa kanya. Laking tuwa niya ng makilala ang tumawag. Kaya naman dali dali siyang bumitaw sa pagkakahawak ni Mingyu sa kamay niya.

At dahil doon nanghahaba na ang nguso ni Mingyu.

"Soonyoung," masaya niyang niyakap ang lalaking tumawag sa kanya. "Kamusta ka na? Miss na miss na kita bebe ko,"

"Ako din bebe ko, namiss na din kita," masayang gumanti ng yakap si Soonyoung kay Wonwoo.

Tila nasa sariling mundo na ang dalawa at nakalimutan na ni Wonwoo na kasama niya ngayon si Mingyu.

Hindi naman na maipinta ang mukha ni Mingyu sa pinaghalo halong inis, asar at SELOS

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Hindi naman na maipinta ang mukha ni Mingyu sa pinaghalo halong inis, asar at SELOS....

Oo nagseselos siya dahil nagtatawagan sila ng bebe at grabe makayakap si Wonwoo sa lalaking nasa harapan niya.

Gusto niya siya lang ang yayakap at tatawag na bebe kay Wonwoo.

Napansin ni Soonyoung ang nakasimangot na mukha ni Mingyu.
"Mukhang nakakaistorbo yata ako sa inyo Wonwoo bebe. Baka may lakad kayo sige mauuna na ako."

Akmang aalis na si Soonyoung nang pigilan siya ni Wonwoo at napasinghap si Mingyu nang iakbay ni Wonwoo ang braso sa braso ni Soonyoung.

Grrrr!!! Nakakapanginig ng abs ah.

"Mingyu next time nalang tayo kumain. Minsan lang kasi kami magkita nitong si bebe Soonyoung baka ma out of place ka, byeeee."

"Oyyy! Teka! Teka! Sasama ako," dali dali namang humabol si Mingyu.

"Baka kasi may gagawin ka pa di kita masyadong maentertain,"

Ouch!!! Sakit nun sapol na sapol ang abs ko.

"Hindi ako busy at isa pa nagugutom din ako. Wala na akong pakialam kung mag-usap kayo. Pramis di ako magseselos,"

Parang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya si Wonwoo habang si Soonyoung naman ay natatawa lang.

"S-sigurado ka di ka maiilang sa amin?"

Syempre naiilang ako at naiinis na rin, plus nagseselos.

Pero hindi niya pwedeng sabihin iyon sa harapan ng dalawa. At para mapaniwala si Wonwoo pumwesto siya sa gitna nina Wonwoo at Soonyoung at ipinulupot ang braso sa braso ng mga ito.

"Tara na," at plastik na hinila ni Mingyu ang dalawa palabas ng building na iyon.

Angel's Note

Thanks for reading naka 1k na ang reads ng story ko na ito. Ang kwentong walang matinong plot.

Thank you din sa nagfollow at nag add ng story ko sa storylist nila. Thank you @woongyu_meanie

Well pumasok na si bebe Soonyoung ko, ang third wheel sa labstory ng meanie. Pero akin lang siya, joke kay Jihoon lang si Hoshi.

My Daughter's Dad (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon