Chapter 30

1K 49 3
                                    

3rd POV

"Beshy napasugod ka?" gulat na gulat na sambit ni Jun ng makitang si Wonwoo ang napagbuksan ng pinto. "T-teka umiiyak ka ba?"

Maingat munang ibinaba ni Wonwoo ang natutulog na anak sa sofa ng kaibigan bago nito pasimpleng punasan ang luha sa kanyang mga mata.

"Pwede bang dito muna si Mina besh? May kailangan lang akong puntahan," saka niya ipinaskil ang isang pilit na ngiti.

"Besh," naaawang sabi ni Jun sa kaibigan saka masuyong niyakap ito.

"Besh, ang sakit na nakita ko si Mingyu na masaya na sa piling ng iba. Sobrang nasasaktan ako. Pinalayo ko siya kasi gusto ko lang namang mahalin niya ako dahil ako ang mahal niya at hindi dahil gagawin niya lang akong panakip butas."

At dahil doon humagulgol ng iyak si Wonwoo. Sobrang sakit sa kanya na makitang nakamove on na yung taong hindi niya kailanman kinalimutan.

Bakit ba ang hirap mong mahalin Mingyu? Piping sambit ni Wonwoo.

"Salamat besh," saka humiwalay si Wonwoo mula sa pagkakayakap ng kaibigan. "Aalis lang ako pakibantayan muna si Mina,"

Tango lang ang sinagot ni Jun. Malungkot siyang nakatanaw sa kaibigan na kalalabas lamang ng kanilang pintuan.

Hindi niya napansing nasa kusina lamang pala ang asawang si Minghao na kanina pa nakikinig sa kanila.

Wonwoo POV

Kasalukuyan akong nandito sa isang bar na malapit lang sa bahay nila Jun. Nilulunod ang sarili sa alak baka sakaling lunurin na rin ang puso kong patuloy na nasasaktan.

I was drinking while my tears were continouosly flowing in my eyes. Ramdam ko din ang naaawang tingin sa akin ng bartender habang nagpupunas ito.

Maybe its all my fault. Its my fault why I am in pain right now. Ako ang nagpalayo sa kanya. Ako ang lumayo.

Pero mali ba ang hangarin kong mahalin niya ako dahil sa kung ano ako at hindi dahil ama ako ni Mina? May pangako siya sa akin noong una kaming nagkita? At dahil ako nakikita niyang panakip butas sa sakit na naramdaman niya?

Maybe Im being a hopeless romantic. Hoping na may prinsipeng magmamahal sa kagaya kong single dad at wala man lang maipagmamalaki sa sarili.

Siguro nabulag ako sa ideya na mamahalin ako ng isang Kim Mingyu, isa sa mga sikat na artista at tinitingalang bituin. Sobrang taas niya at sobrang baba ko, at nagiging masakit sa akin dahil pilit ko siyang inaabot.

Napapapikit na ako habang tumutungga ng alak sa mismong bote na. Nang may kamay na pumigil sa pag inom ko at hinatak ang boteng hawak hawak ko.

"Wag mo namang pahirapan ang sarili mo Wonwoo," nang tingnan ko si Aile pala ang nasa harapan ko.

"Wala kang pakialam kung ako man ang nahihirapan," walang emosyon kong sagot saka pilit na inaagaw ang bote mula sa kamay ni Aile.

"Wonwoo, naghiwalay man tayo but we can still be friends like the old times, pwede mo akong paglabasan ng mga sama ng loob mo." malambing na sabi ni Aile habang masuyong hinihimas ang likod ko.

Sa sobrang bigat na at dahil sa comfort ni Aile napaiyak na ako ng malakas habang nakayakap sa kanya. Ang bakla ko nang tingnan ngunit alam ko namang hindi ako huhusgahan ni Aile.

Ilang minuto din akong nakayakap sa kanya bago ako nahihiyang bumitaw ng yakap sa kanya. Nang mapatingin ako sa gawing kaliwa ko. Doon ay nakatayo si Mingyu na blangko ang ekspresyon ng mukha.

"Pumunta ako dito para sana makipag ayos," tiim bagang nitong sagot. "Ngunit mukhang nahuli na ako. Pasensya na sa istorbo," iyon lang at dali dali siyang lumabas ng bar na iyon.

Nahulasan ako ng lasing ng marinig ang mga sinabi ni Mingyu kaya naman nagpaalam agad ako kay Aile at hinabol si Mingyu.


Angel's Note

Hi mga co Meanie shippers ko. Namiss ko kayo at ang update na ito. Namiss nyo ba ito?

Sorry for not updating medyo naging busy lang sa school, katatapos lang ng exams at ang daming school activities, plus nablangko pa ang utak ko dahil wala akong maidagdag na update sa next chapter nito.

Btw. Nakita nyo ba ang mga ganap sa ideal cut the final scene. Andaming Meanie moments kotang kota tayo dahil nagbabalik na ang ship na muntik ng lumubog.

Favorite ko yung umiyak si Mingyu sa balikat ni Wonwoo habang kumakanta sila. So precious ng moment na yun for me.

Oh siya sobrang ingay ko na

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oh siya sobrang ingay ko na. Enjoy reading this. Di na tatagal ang hiatus nito since may outline na ako ng mga mangyayari sa meanie natin.

Love you all mga beshie na meanie shipper. 😘😘😘😘😘😍😍😍

My Daughter's Dad (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon