Chapter 51

841 25 5
                                    

Wonwoo's POV

"Mina! Baby ko, you take your medicine na,"

Katahimikan ang sumagot sa akin sa pagtawag ko sa anak ko. Kaya naman kahit hirap na, lumakad ako papunta sa kwarto niya para silipin. Ngunit wala siya doon. Bigla akong dinunggol ng kaba ng makitang wala ang panganay ko.

"B-baby are you alright?" namalayan ko nalang na nakaalalay na sa akin si Mingyu at iginiya niya ako paupo sa sofa.

"Gyu, si Mina nawawala."

"HA!!! Baka naman nasa room lang niya."

"Chineck ko na pero wala siya doon." nag aalala ko nang sabi sa kanya.

He stand up and walk to the direction of bathroom. "Just rest baby, ako nalang hahanap kay Mina." hinayaan ko nalang siyang maghanap sa kabuuan ng bahay namin habang himas himas ko ang aking tiyan.

"Baby tingnan ko lang sa labas. Baka nag ikot lang."

Nang makalabas si Mingyu, bigla nalang akong napaiyak. Hindi ko maipaliwanag ang kaba ko. Something is wrong, never nawala sa paningin ko si Mina and this is the first time it happened lalo pa at nandito lang ako sa bahay.

Dali dali kong dinial ang number ni besh Jun. Ilang sandali pa sumagot din.

"Besh ang aga aga mong mambulabog
Di na nga kami pinatulog ni baby Minju."

"Besh.....n-nawawala s-si M-Mina." naiiyak kong sabi sa kanya.

"WHAT!!!! Nacheck nyo na ba ung nga pwede niyang puntahan. Sa lobby ng condo ni Mingyu baka nandoon lang at naglalaro."

"Lumabas na si Mingyu para icheck sa lobby at sa park. Besh i-m....."

Natigil ako sa pagsasalita ng marinig ang pagtunog ng telepono. Agad agad akong nagpaalam muna kay Junhui bago sagutin ang tawag. Something urgent is pushing me to answer the phone right away.

"Papu help me please. Bad siya kinidnap niya po ako."

Tila ako tinadyakan sa dibdib ng marinig ang boses ng anak ko na umiiyak sa kabilang linya.

"M-Mina, baby where are you?"

"Im scared papu. Ang dilim po dito sa place na ito."

"Hello Mr. Jeon Wonwoo," a deep familiar voice cut my daughter from talking. "If you want to see your daugther alive go to this place alone."

Napapahigpit na ang hawak ko sa telepono habang nakikinig sa sinasabi ng kumidnap sa anak ko. Naririnig ko sa background ang anak ko na patuloy na umiiyak.

"What do you need to my daughter? Money? How m-"

"No, no darling." his voice was very familiar parang narinig ko.na iyon. "I dont need your money. I need YOU!!!"

His laugh scared the hell out of me. But I still remain my composure.

"Okay I will go to that place alone." determinado kong sabi. Nasa panganib ang anak ko kaya dapat ko siyang iligtas. Naririnig ko naman sa kabilang linya ang boses ni Junhui.

"Besh wag mong itutuloy yan. Delikado sa kalagayan mo ngayon."

"Nasa panganib ang anak ko, hindi ko siya hahayaang mapahamak."

"P-pero.."

"I have to go. Ikaw nalang bahalang magsabi kay Mingyu." pagkatapos kong ibaba ang tawag, naghanda na akong umalis ngunit bago iyon kumuha muna ako ng piraso ng papel.

My Daughter's Dad (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon