Chapter 7

1.9K 99 0
                                    

Angel's Note

This is the continuation of Wonwoo's flashback. Please bare with me kung mahaba.

Wonwoo's POV

Three months na si Aiwoo nang maging sakitin siya. Kaya naman todo kayod ako sa pagtatrabaho. Bukod sa pagiging make up artist ng Cube entertainment nagtatrabaho na rin ako sa convenience store minsan nagpapartime din bilang gasoline boy.

Kasalukuyan akong nagbabantay sa convenience store na pinagpapartime an ko nang tumunog ang cp ko. Agad agad kong sinagot ito ng makitang si Aile ang tumatawag.

[ Wonwoo, si Aiwoo nagdedeliryo. Nandito kami ngayon sa ospital]

Lumipad lahat ng antok ko ng marinig ang sinabi ni Aile.

[Wonwoo, natatakot na ako, nangingitim na si baby natin] umiiyak nitong sabi sa kabilang linya.

"Pupunta na ako dyan Aile. Magpakatatag ka para sa baby natin ha,"

Dali dali akong nagpaalam sa amo ko at mabuti naman pinayagan ako.

---

"Wonwoo," agad kong sinalubong ang umiiyak na si Aile sa hallway ng ER. Tinanong ko agad kung kamusta na ang anak namin.

"Kailangan natin ng 50,000 para maipagamot si Aiwoo pati na rin yung hospital bills kailangan nang mabayaran,"

Rumirehistro sa utak ko ang sinasabi ni Aile pero umiikot ang ulo ko sa pinagsama samang pagod, puyat at pag aalala para sa anak namin at sa gastusin nito.

Bago tuluyang nang nagdilim ang paningin ko narinig ko pa ang sigaw ni Aile sa pangalan ko.

Puting kisame ang bumungad sa akin ng imulat ko ang mga mata ko. Disoriented pa ako sa paligid kaya di ko maisip kung nasaan ako.

"Gising ka na pala," nakangiting sabi ni Aile. Sa kabilang kama nandun si baby Aiwoo na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin. At doon bumalik sa akin ang nangyari.

"Okay na si baby Aiwoo, nabayaran na rin ang mga hospital bills,"

Nakamasid lang ako sa kanya at napansin kong bihis na bihis siya.

"Saan ka pupunta?" napamaang naman siya ng makita marinig ang boses ko.

"Aalis muna ako, kailangan kong makabayad dun sa pinagkautangan natin para sa mga bills ni baby. Ikaw munang bahala sa kanya ah. Saka magpahinga ka lang dito wag ka munang pumasok sa part time at sa Cube," mahaba nitong saad saka hinalikan ang noo ko. Lumipat siya at ganun din ang ginawa sa baby namin.

"Mahal na mahal ko kayong dalawa," huling sabi niya bago tuluyang lumabas ng pinto.

---

Mahigit isang buwan na simula nung magtrabaho si Aile. Ako naman ang naiwan sa bahay at nag aalaga sa anak namin. Nalaman ko na rin kung kanino nakahiram si Aile ng pera.

Sa CEO pala namin siya humiram ng pang opera ng anak namin. Bilang kabayaran naging isa sa mga trainee ng Cube si Aile dahil narinig ito noong kumanta ng aming CEO. Madalas na rin siyang di umuuwi at madalang na kaming magkausap.

Matapos ang 5 buwan nakapagdebut siya bilang singer at ngayon nga ay nakilala na siya sa showbiz industry.

Dahil sa busy niyang schedule at dahil sa pagiging artista. Hindi kami pwedeng ilantad sa publiko lalo na si Aiwoo, dahil big deal kapag nalamang may anak na ang kanilang idolo. At dahil doon hindi napabinyagan hanggang ngayong isang taon na si Aiwoo.

Isang gabi inaantay kong dumating si Aile. Nakatulog na rin naman yung bata. Maya maya narinig ko ang tunog ng pintong nagbukas at muling nagsara.

My Daughter's Dad (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon