3rd POV
Puti....
Iyon ang unang sumalubong kay Mingyu ng imulat niya ang mga mata.
Iginala niya pa ang kanyang tingin at doon nga nakita niya si Tzuyu na nag aalalang nakatingin.
"Ayos ka lang ba Mingyu shi?"
Umayos muna sa pagkakaupo si Mingyu bago sagutin ang tanong niya.
"Ayos naman ako, ano bang nangyari?"
"Nahimatay ka lang naman dahil sa sobrang kilig sa kausap mo sa cp," si Joshua na biglang lumitaw sa isang iglap.
Narealize ni Mingyu na tama ang sinabi ni Manager Hong sa kanya. Dahil naalala na niya ang kaharutang naganap sa kanila ni Wonwoo sa cp.
Parang ang sagwa ng meaning......
Tatayo sana si Mingyu ng matumba siya. Mabuti nalang at maagap si Tzuyu sa pagsalo.
At dahil may kabigatan si Mingyu at di kinaya ni Tzuyu. Mistulang nakayakap na sila ng mahigpit sa isat isa.
"Siya nga pala Mingyu tinawagan ko na si Wonwoo tungkol sa nangyari sa iyo. Any time darating na iyon,"
Ngunit wala sa sinasabi ni Joshua ang paningin niya kundi sa pinto ng kanyang kwarto sa hospital.
Kung saan nandun si Wonwoo na seryosong nakatingin sa kanila ni Tzuyu na halos magkayakap na.
Di na siya nakagalaw ng tingnan siya ng matalim ni Wonwoo at saka ito umalis dala dala si Mina.
Tang'na mo Joshua bakit di mo sinabi agad.
BINABASA MO ANG
My Daughter's Dad (Completed)
Fanfiction" Papu kelan babalik si Papa?" "Malapit na siyang umuwi baby, nag iipon lang siya para may pasalubong siya sa baby Mina namin." "Papu, nakita ko na si Papa. May kotse siya, at sabi niya sa akin babalikan niya raw ako doon sa convenience store." T...