Chapter 9

1.6K 74 2
                                    

Mingyu’s POV

Ilang minuto na akong nag-aantay dito sa dressing room dahil sa wala pa ang photographer na kukuha ng picture ko para sa pagcover ko sa isang magazine.

Nang maayusan naman ako nung make up artist na si Wonwoo, dali-dali naman itong umalis. Kaya nag iisa tuloy ako dito. Si Manager Hong naman may pupuntahan daw na importante. Mag-isa lang tuloy ako dito. Ayoko namang lumabas dahil may isang tao dito sa Pledis na iniiwasan at kung pwede lang ay wag ko nang makita.

Kaya naman nanood nalang ako ng cooking tutorials sa cellphone. It makes me relaxed, yung tipong nakakagawa ka ng isang pagkain sa mga hilaw na ingredients it overwhelms me. Ilang miinuto pa ang lumipas ng marinig ko ang pagkatok sa pinto ng dressing room. Hindi na ako nag-abalang tumayo and just do a gesture na pumasok without looking.

Naramdaman ko ang pagpasok niya at paglapit sa akin but I still continue watching. Napansin kong hindi nagsasalita ang nasa harapan ko. Sa pag aakalang isa sa mga staff, nag angat na ako ng tingin, ngunit ang taong ayaw na ayaw kong Makita ang nasa harapan ko pala.

Shit bakit ngayon ka pa nagpakita?

“Anong ginagawa mo dito Minghao?” seryoso kong sabi sa kanya. But he just shrugged his legs at parang relax lang na umayos ng upo.

“Gusto lang kitang batiin sa naging success ng career mo beshy. Kamusta ka na pala?”

“Succesful but miserable,” walang gana kong sabi.

Ilang sandali pa ay katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Walang gustong magsalita. At wala akong balak magsalita dahil nasasaktan pa rin ako.

“I’ve got to go baka andyan na yung photographer,” naiiyak ko nang sabi saka tumayo. Ayokong makita niya na umiiyak pa rin ako dahil sa mga nangyari. Subalit agad niyang nahawakan ang braso ko.

And the next thing I realize, umiiyak na ako habang nakayakap kay Minghao. My childhood friend, bestfriend, first crush, first love and first heartbreak.  Hindi ako nagsasalita basta umiiyak lang ako. No words can describe my pain right now.

“Im sorry Mingyu for hurting you. For being stupid because I didn’t realize your feelings for me. Kung sana nalaman ko ng maaga sana hindi na kita nasaktan,” mahinang bulong ni Minghao sa tenga ko habang nakayakap pa rin siya sa akin.

“Its okay to cry, sooner makakamove on ka rin sa akin,”


Alam mo yung feeling na nasaktan ka tapos yung taong nanakit sa feelings mo ang siyang magcocomfort pa sayo?

Nakakagago yung ganung pakiramdam. Nasasaktan ka dahil sa kanya tapos may gana pa siyang sabihin na makakamove on ka rin, ano yun konswelo? Para ano bawas guilt?

Tapos yung ibang nasasaktan nagagawa pang magsabi ng ‘okay lang its not your fault its mine’. Para ano masabi na mabait sila na madaling magpatawad?

At dahil hindi ako martir, I harshly pushed him. Bumangga pa siya sa kanto ng mesa halatang nasaktan siya dahil napangiwi pero mas nasaktan at patuloy na nasasaktan ang puso ko ngayon.

“Wala kang karapatang sabihin na okay lang ang nangyari sa akin. Hindi mo alam kung gaano kalalim ang feelings ko noon sayo. Hindi mo rin alam kung gaano kalalim ang lamat na iniwan mo dito,” umiiyak kong sabi habang pinupukpok ang dibdib ko.

He is just staring at me, kita kong unti unti na ring nangingilid ang luha sa mga mata niya. Masyado na kaming magkakasakitan, kaya nga ayaw kong magkrus ang landas namin. Dahil kahit na nasaktan niya ang puso ko ayoko siyang saktan. Dahil katangahan man, mahal ko pa rin siya hanggang ngayon.


Halos malusaw ako ng marinig ko ang impit niyang pag iyak. Kitang kita sa mukha niya ang sakit sa mga sinabi ko. Kaya naman marahas kong pinunasan ang luha ko. At aalis na sana ako ng marinig ko ang garagal niyang tinig.

“Kung ….a-ayaw…. m-mo na…. a-akong i-ituring….. n-na kaibigan Mingyu, l-let’s be…… professional. Im going to be your p-photographer,” hinihingal na siya at halatang kinakapos na ng hininga habang sinasabi iyon. Bigla naman akong kinabahan, may asthma si Minghao at hindi siya pwedeng umiyak or maging emosyonal maaari siyang atakihin.

“Mr. Kim start na po ang phot-. Minghao anong nangyari sayo,” natatarantang lumapit ang isang lalaki kay Minghao.


Dali-dali naman akong tumakbo palabas ng building na iyon. Palayo sa lugar kung nasaan ang taong dumurog ng todo sa puso ko.  

My Daughter's Dad (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon