Someone's POV"Kamusta ang lakad mo?"
Kakamot kamot ng ulo itong kalbong inutusan ko, kaya di pa man alam ko na isasagot nito.
"Negative boss, hindi sila magboyfriend ni Mingyu, sumulpot nalang kung saan yung boyfriend nung Wonwoo. At mukhang totoo naman dahil hinalikan sa harap ni-"
Napatakip siya ng tenga ng biglang tayo ako sa inuupuan ko. Dahil sa friction kumaskas sa sahig ito na nagdulot ng tunog na masakit sa tenga.
"Akala siguro ng Wonwoo na iyan makakaligtas siya sa akin. Ngayon naman alamin mo kung anong koneksyon niya kay Aile. Subaybayan mo siya at si Aile wag ka lang magpapahuli nakilala ka na ni Wonwoo." agad naman siyang sumunod, bago siya lumabas hinagis ko sa kanya ang iilang libo na nasalo naman niyang lahat sa iisang salo lang.
Napatingin ako sa salaming nasa harapan ko. Lalong sumingkit ang maliit ko nang mga mata dahil sa pagngiti na parang tanga.
Humanda ka Jeon Wonwoo.
Wonwoo PoV
Iniwan ko nalang basta si Minghao pagkatapos ko siyang masampal. Inikot ko naman ang paligid para mahanap si Mingyu at ang anak ko.
Alam kong nasaktan si Mingyu, but its all a misunderstanding kaya kailangan ko agad itong maipaliwanag sa kanya.
Ngunit saan ko sila hahanapin?
Nasagot naman ang tanong ko nang magring ang cellphone ko at dali daling sinagot ng makitang pangalan ni Mina ang nakalagay sa caller id.
"Mina baby, nasaan kayo ng papa mo?"
"Papunta po kami ni papu sa bahay ni 'nang 'nang Jun ihahatid niya daw ako doon," inosenteng sagot ni Mina. Narinig ko ang biglang pagtahimik niya sa kabilang linya. Kasabay niyon ay ang tinig ni Mingyu.
"Baby Mina iiwan ka muna ni papu kay Ninang mo ha, may biglaan lang kasing appointment si papa."
"Nag away po ba kayo ni papu kaya natin siya iniwan sa park?"
Tumahimik ang kabilang linya ng hindi sumagot si Mingyu. Ilang minuto pa tuluyan na akong naiyak sa isinagot niya.
"No baby, hindi kami nag away ni papu mo. Mahal na mahal ko yung papu mo kahit na....." tuluyan ng humina ang tinig niya. Parang tanga na akong tumatakbo habang nakatakip sa bibig ang kamay at hawak sa kabila ang cellphone.
Please Mingyu antayin mo ako, im going to explain everything. Its all misunderstanding.
Desperado na siyang pumapara ng taxi kaya lang kung hindi may sakay dire diretso lang ang takbo ng mga taxi.
"Shitt! Kailangan kong maabutan si Mingyu," naghihisterical na ako sa halo halong takot. Oo takot akong mawala siya.
Mahal ko siya, mahal na mahal.
"Bakit ba kailangang mangyari lahat ng ito? Huhuhuhuhu!"
Napaupo na ako sa kalsada habang umiiyak pa rin. Nang may umalalay sa akin patayo. Pagtingin ko si Minghao pala.
"Anong ginagawa mo dito? Hindi ka pa ba masaya sa ginawa mo kanina?"
Hindi siya umiimik. Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso.
"Asawa ka ng kaibigan ko Minghao kaya hindi ko maintindihan kung bakit mo nagawa iyon."
Sa halip na sumagot sa malamig na tinig ay nagsalita siya.
"Ihahatid na kita sa bahay. Im going to explain it to Mingyu."
Hindi ko alam pero ng marinig ko ang pangalan ni Mingyu, walang pag aatubili akong sumama sa kanya pasakay sa kanyang kotse.
Angel's Note 😇😇😇😇😇😇
Isisingit ko lang mga bebe ko. Thank you so much from the bottom of my heart. Nasa 2k na ang read ng My Daughters Dad and still counting.
Again thank you and saranghae. 💕💕💕💕💕💕💖💖💖💟💟💟💟💝💝💝💝
BINABASA MO ANG
My Daughter's Dad (Completed)
Fanfiction" Papu kelan babalik si Papa?" "Malapit na siyang umuwi baby, nag iipon lang siya para may pasalubong siya sa baby Mina namin." "Papu, nakita ko na si Papa. May kotse siya, at sabi niya sa akin babalikan niya raw ako doon sa convenience store." T...