Chapter 26

1.1K 55 4
                                    

Mingyu POV

It feels good.

Iam holding his hands now. The feeling of his warmth, calmed my heart and my whole system.

Shetttt!!! Napapaenglish ako. Si Wonwoo kasi eh pinapakilig ako. Sabihan ba naman akong 'he missed me' daw.

"Bakit pangiti ngiti ka dyan?"

Hindi ko siya magawang sagutin dahil hindi ko maawat ang pagngiti ko.

"Huy! Para kang sira dyan,"

"Pinapakilig mo na naman kasi ako baby ko eh,"

"Luh? Tinanong ko lang kung bakit ka ngumingiti kinilig ka agad. Ang weird mo talaga." tatawa tawa niyang sabi.

"Boses mo lang sapat na para kiligin ako," wala sa loob kong sabi sabay tingin sa kanya.

Luh??? Bakit siya namumula? Tapos siya naman ngayon ang pangiti ngiti.

"Anyare sayo baby ko? Aray!"

Ansakit nun ah. Aba! Hampasin ba naman ako. Napaaray ako dahil sa lakas ng hampas niya halos tumalsik na ako sa kinasasandalan ko.

"Bakit ka nanghahampas?" Hinimas himas ko yung nasaktan kong balikat.

"Letse ka Mingyu, kinikilig ako sa mga pinagsasabi mo," sabi niya at aray hinampas na naman ako.

Pero nang marealize ko ang sinabi niya, napangiti ako ng wala sa loob. Niyakap ko siya at sinandal ko sa  dibdib ko ang ulo ni Wonwoo.

"Wag ka nang magagalit ulit sa akin ah. At sorry din na hindi ko nagawang protektahan si Mina."

Bakit ba ako naiiyak? Kakaasar isipin ni Wonwoo masyado na akong weak.

"Hindi ako galit sayo," nakatingin lang ako habang masuyo niyang pinupunasan ang mga luhang hindi ko napansin na tumulo na pala sa mga mata ko. "Mas galit ako sa sarili ko dahil napapahamak kayong dalawa ng dahil sa kasinungalingang ginawa ko,"

"Bakit di natin totohanin?"

"Mingyu?"

"Wonwoo, I think I love you,"

"Think? Ibig sabihin di ka pa sigurado. Please dont give me assurance kung di ka pala sigurado."

Tumayo na siya at maglalakad na sana ng hawakan ko ang kamay niya.

"Please Wonwoo wait for me,"

He flashed his gentle smile that makes my heart again to beat faster.

"Im always willing to wait Mingyu."


My Daughter's Dad (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon