Chapter 14

1.3K 77 29
                                    

Wonwoo POV

Di na ako mapakali dito sa kinalalagyan ko. Any minute makikita na ako ni Mingyu and I have a lot of explaining to do.

"Papu Wonwoo batiin mo naman si Papa Mingyu,"

No choice na ako dahil hinihila na ako ng anak ko. Kaya naman dahan dahan akong humarap kay Mingyu habang nakapaskil ang kabadong ngiti.

"Hi Sir Mingyu,"

"Ikaw ang papa ni Mina?" gulat na gulat na reaksyon nito. Nakaturo pa ito sa akin.

"Papu bakit sir ang tawag mo kay papa? Di ba dapat honey, baby, or love ang tawagan ninyo?"

Nahihiya ko namang tinakpan ang bibig ng anak ko. Balak pa yata ako nitong lubugin sa kahihiyan.

"OMG, may anak na pala si Kim Mingyu,"

"At si make up artist Wonwoo pala ang asawa niya."

"Kaya naman pala hindi siya nalilink sa mga girls dahil may asawa na siya at anak,"

Kinakabahan kong tinignan si Mingyu at ang mga staff na nakarinig ng usapan namin at ngayon ay hinuhusgahan si Mingyu.

Its all my fault. Nadadamay si Mingyu sa kagustuhan kong mabigyan si Mina ng kumpletong pamilya.

"I'm sorry Mr. Kim, sa labas nalang po tayo mag usap." Tumango naman siya at nagpaunang maglakad. Si Mina naman ay tila takang taka sa mga nangyayari.

"Papu bakit po naiilang ka kay Papa Mingyu? Mabait naman po siya pramis."

Kinarga ko na lamang ang anak ko saka siya hinalikan sa pisngi. Hindi ko magagawang magalit sa kanya. Dahil ako naman ang nagsimula ng kasinungalingang ito.

"Papa, pwede po ba kaming sumabay sa inyo ni papu? Wala kasi kaming car eh," tumango naman si Mingyu bilang sagot.

"Alam mo papa Mingyu, masaya si Mina ngayon kasi magkakasama na tayong tatlo. Natupad na rin po ng prayers ko kay Lord na makasama ka na namin. Love you papa,"

"Love you din baby ko," and with that Mina kissed Mingyu's cheeks. Dahil doon nawala ang pagkaseryoso ni Mingyu at nakipaglaro na sa bata.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Mukhang malapit na si Mina kay Mingyu at naiiyak akong isipin na ilalayo ko na naman ang anak ko sa kinikilala niyang ama.

For the sake of my daughter papakiusapan ko si Mingyu na magpamggap munang ama nito.

Mukha akong tanga na tumatango tango sa sarili. Ngunit napansin pala ako ni Mingyu na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.

"Can you explain it now."

Napaigtad ako sa kinauupuan ko ng marinig ang tinig ni Mingyu. Andito ako sa living room at inantay lamang siyang maiayos sa pagkakahiga si Mina sa kanyang kwarto.

"U-upo....k-ka...muna," Shett halatang kinakabahan na ako nito.

Umupo naman siya sa tabi ko na siyang nagpadagdag sa kaba ko.

"Paano nangyaring ako ang nakilalang tatay ni Mina? As far as I remember wala tayong relasyon at ngayon lang kita nakita. So why?"

Huminga ako ng malalim bago ipaliwanag sa kanya ang mga pangyayari. Simula sa pagkikita namin sa bus 5 years ago hanggang sa pagrequest niyang pangalanan kong Mina ang bata.

"Ikaw pala yun?" gulat na gulat siyang nakatingin sa akin. Ang kaninang seryosong mukha niya kanina ay punong puno na ng saya ngayon.

"Ako nga iyon. Sorry ah di ako nakahingi ng permiso sayo na kilalanin kang ama ni Mina." nakayukong sagot ko.

Hindi siya umimik kaya nagpatuloy pa akong magsalita. "Please Mingyu, wag mong sasabihin kay Mina ang totoo. Masasaktan kasi siya kapag nalaman niyang hindi talaga buo ang kanyang pamilya. Ayokong malungkot ang anak ko." naiiyak ko nang pakiusap sa kanya.

"Wala iyon Hyung," saka niya ako niyakap ng mahigpit. "Tama ang desisyon mong ako ang kilalaning tatay ni Mina,"

Shemsss, kikiligin na ba ako?

"At bakit naman?" nagtataka kong tanong sa kanya. Bumitaw na rin siya sa yakap.

"Sabi ko sayo di ba papakasalan kita kapag nagkita ulit tayo."

Boom! At dahil doon namula na ang buong mukha ko. Bakit hindi siya nahihiya sa mga pinagsasabi niya? Ako pa tuloy ang affected.

"Di ko pala nasabi noon sayo. Na love at first sight ako sayo."

Ngunit imbes na kiligin, nalungkot ako. Naalala ko kasi kung paano siya umiyak noon sa rooftop dahil kay Minghao.

"Di ba....May mahal...ka pa?"

Natahimik siya ng sinabi iyon. Ngunit maya maya lang ay muli siyang ngumiti saka tumayo.

Palabas na siya ng bahay ng muli siyang lumingon at sabihin ang mga salitang nagpatuliro sa akin.

"I have a reason to move on now. Dahil andito ka na, baby."

After saying those words he goes outside leaving me speechless.

My Daughter's Dad (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon