Chapter 10

1.6K 74 2
                                    

Wonwoo POV

“Minghao anong nangyari sayo?” Napatakbo ako papasok sa dressing room. Nabangga ko pa si Mingyu na nakatulala lang sa pinto mukhang galing sa pag iyak.

Nang makalapit ako kay Minghao bigla namang tumakbo palabas si Mingyu. Nakakainis lang dahil nakita na niyang may problema si Minghao tiningnan niya lang.

“Minghao halika dadalhin kita sa clinic,” natataranta kong sabi sa kanya na halos mawalan na ng kulay.


“T-tawagin….hahh mo nalang…..hahh si Jun, siya…hahh…. nang bahala. Sundan……hahh mo si M-Mingyu,”


“Pero Minghao ikaw ang mas nangangailangan ng tulong ngayon,” taranta at naiiyak ko nang sabi at tangka siyang bubuhatin


“P-please Wonwoo…….hahhh hahhh. He’s….in…pain hahh,”


Naiiyak ko naman siyang binitawan at sinunod ang sinabi niya. Tinawag ko muna si Jun bago ko sundan si Mingyu.


Hinanap ko sa buong building si Mingyu pero wala siya. Lalabas na sana ako ng marinig ang usapan ng dalawang janitor kung saan nabanggit ang pangalan ni Mingyu kaya agad agad akong lumapit.


“Kuya, saan po ninyo nakita si Kim Mingyu, yung artista?”


“Naku iho, andun siya sa rooftop. Parang baliw nga na sumisigaw habang tumatakbo. Kaya takot na takot ako  kanina,”


Dali-dali akong tumakbo paakyat sa rooftop para hanapin si Mingyu. Natatakot ako sa naiisip ko. Base sa itsura niya kanina hindi malabong gawin niya ang tumalon sa rooftop.


Nang makaakyat ako sa rooftop halos panawan na ako ng ulirat. Kaya naman isinandal ko muna ang likod ko sa hawakan ng hagdan ng makarinig ako ng impit na pag-iyak. Alam kong galing kay Mingyu iyon dahil malalim.


Agad agad akong lumapit sa pinanggagalingan ng tunog. Andun siya sa likod ng tambak ng mga drum na container nakasandal, sabog sabog ang buhok at puro luha ang kanyang mga mata. Pati make up niya nagkalat na sa kanyang mukha at ang suot niyang polo gusot gusot at nawala na sa pagkakatuck in.


“M-Mingyu,”


“WHAT?” Nabigla ako ng bigla siyang sumigaw. “Nandito ka ba dahil inutusan ka ni Minghao? Andito ka ba para makita kung gaano ako nasasaktan? Sige sabihin mo kay Minghao na sobra…sobra na akong nasasaktan. Hindi okay sa akin ang lahat, hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako d-dahil ma-hal na mahal ko siya,”


Tuluyan na siyang humagulgol ngunit ayaw niyang ipakita sa akin kaya naman itinukod niya ang dalawa niyang kamay at iniyuko ang kanyang ulo. Kaya naman lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Nagpupumiglas siya, tinutulak ako pero hindi ako bumitaw sa halip lalo ko pang hinigpitan ang yakap at dahil doon mas lalo pa siyang umiyak. Hinimas himas ko ang likod niya para pakalmahin siya.


“Mingyu di ko alam ang pinagdadaanan mo ngayon. Pero alam kong masakit, mahirap, Iiyak mo lang lahat. Di ko sasabihing okay lang dahil alam kong hindi magiging okay ang isang bagay na nagbibigay sa atin ng sakit sa damdamin,” unti-unti siyang kumakalma, alam kong nakikinig siya kaya naman nagpatuloy lang ako at inilapit ko ang labi ko sa tenga niya.


“Matatag ka Mingyu sa kabila ng sakit nagagawa mo pang ngumiti para sa mga tagahanga mo. Nagagawa mo pang magbigay ng inspirasyon kahit na sa sarili mo mas kailangan mo iyon.”



“If you need someone to talk to. You can talk to me. Di kita huhusgahan makikinig ako para mabawasan ang sakit dahil kahit kelan hindi iyan mawawala,”



“B-bakit ba hindi ako nagawang mahalin ng taong mahal ko? Wala ba talaga akong kwenta?” humihikbing tanong ni Mingyu. Ramdam ko ang insekyuridad sa tanong niyang iyon kaya naman mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya, habang kinakantahan siya.


🎶🎶🎶 You can lean on me, out your head on my shoulder

I’ll become your resting place even if just for a moment

You made me forget all the tough things

So I’ll empty my happiness here anytime

Who made you cry again? Who was mean to you? 🎶🎶🎶🎶



“You are perfect in your own way, may mga pagkakataon lang kasi na yung taong gusto natin di tayo naaappreciate. But somewhere out there may taong nakikita ang perfection na hindi nakikita sa atin ng mga taong gusto nating makakita nun, lalo na yung mga mahal natin,”



Dahan dahan kong iniangat ang mukha niya saka ko inipit ang pisngi niya ng palad ko. Kahit na mugto mugto ang mata niya mula sa pag-iyak ang gwapo pa rin niya. Mali ang kyutt niya para siyang baby na ang sarap yakap yakapin.



Jeon Wonwoo umayos ka nga, its not the right time para lumandi.



“Tahan na Mingyugieee, andito lang si Wonwoo Hyung makikinig sayo,” then I gently kissed his forehead. Natahimik naman siya ngunit nagulat ako ng makitang nakapikit na ang mga mata niya.



Nakatulog na yata.


Hindi ko na siya ginising para makapagpahinga. Isinandal ko na lamang siya sa balikat ko. Aalisin ko na sana ang mga braso niyang nakayakap sa bewang ko nang mas higpitan pa niya ang kapit doon. Imbes na sa balikat napunta na sa dibdib ko ang pagkakasandal ng ulo niya. Hinayaan ko na lang saka magaang hinihimas himas ang kanyang buhok at muling ipinagpatuloy ang pagkanta.


Sana lang magawa kong bawasan ang sakit na nararamdaman mo dyan sa puso mo.


Angel’s Note

Kinilig ba kayo sa moment nila? Sabi ko nga hindi. Di pa ako ganun kagaling gumawa ng mga nakakakilig na scenes.

Again super thank you (ayan may super na ah) sa mga nagbabasa at sa mga nagvovote. Di nyo lang alam kung gaano ako naiinspire na gawan ng updates ito.  Love lots.

Song lyrics from SVT Expectation/ Lean on Me.

My Daughter's Dad (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon