Chapter 44

817 35 4
                                    

3rd POV

Nagmamadaling tumakbo si Mingyu papunta sa ospital kung saan naroon si Wonwoo. Hindi na siya nakapagsuot ng mask sa sobrang pagmamadali kaya naman nakilala siya ng ibang pasyente at staff na nasa hallway ngunit wala na siyang pakialam ang mahalaga ay mapuntahan niya agad si Wonwoo.

Sa likod naman niya nakasunod sina Minghao, Joshua at Aile na balot naman kaya hindi nakilala.

Punong puno ng takot ang puso ni Mingyu ng marinig ang paghingi ng tulong ni Wonwoo sa kabilang linya.

"Wonwoo," gulat na napatingin sa kanya ang mga taong nasa loob ng kwarto nito ngunit mas nagitla si Mingyu sa naabutan niyang kasama nito.

Tangka sanang papasok si Minghao ng makita niya si CEO sa loob ng kwarto kaya't mabilis siyang lumabas at hinigit si Aile papunta sa tagong bahagi ng hallway na iyon.

"CEO anong ginawa mo sa kanya?" galit na galit ang boses ni Mingyu habang yakap niya ng mahigpit si Wonwoo.

"Easy Mingyu," Natatawa namang nagtaas ng kamay si CEO. "Ano naman sa tingin mo ang gagawin ko sa napakaganda mong lover?"

Nag igting ang bagang ni Mingyu nang marinig iyon. "Dont you dare touch him.." seryoso namang tumingin sa kanya si CEO.

"Mingyu....." basag ni Wonwoo sa katahimikan at para mapakalma na rin si Mingyu. "Tinulungan ako ni CEO kaninang sumakit ang tiyan ko. At kung hindi dahil kay CEO malamang nanganib na kami ni baby." Mingyu became soft after hearing the reassuring voice of Wonwoo.

Kahit na may paghihinala sa isip, minabuti na lamang niyang magpasalamat at mag sorry sa inasal niya kanina.

"You're welcome Mingyu. Ikaw lang naman ang pinakamagaling kong talent. And this is the least I can do.for you."

"Maraming salamat po CEO," sabi naman ni Wonwoo at bahagyang yumukod.

"You're welcome honey," nakaramdam ng inis si Mingyu nang marinig ang itinawag ni CEO kay Wonwoo. He's still in trance.

"Isa pa Mingyu wag mong iiwang mag isa yang lover mo, ikaw din baka makuha ng iba yan. He's breathtaking. Bye Mingyu, bye Wonwoo honey." Wonwoo waved his hands but Mingyu felt strange sa mga binitawang salita ni CEO.

He sensed some kind of danger.

My Daughter's Dad (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon