2 years later
Wonwoo POV
Kabadong kabado ako habang inaayusan ni Junhui. Andami pa kasing arte, pumikit daw ako para may surprise. Kaya naman ngayon hindi ko alam kung ano ang itsura ko.
Pero mas kinakabahan ako sa mga oras na ito dahil mamaya lamang magiging Mr. Kim na ako......Officially.
After ng engagement namin sa harap ng mga fans niya 2 years ago na pinalabas lang niyang concert niya, naengage na ako sa kanya nun. Natanggap naman ako ng mga fans ni Mingyu pati na rin ang sexuality niya ngunit nabawasan ang popularity niya dahil may mga taong hindi na yata matatanggap ang mga kagaya namin sa lipunan. Nabawasan ang offers sa kanya, unti unting nagcancel ng contracts ang mga products na ineendorse niya at natanggal siya sa casting ng isang high rated drama. But Mingyu doesnt mind all of those. Mas convenient nga daw iyon dahil mas mahaba ang oras niya sa amin. Sa ngayon siya na ang hands on sa pag aalaga kay Wongyu at kay Mina.
Kung financial naman ang problema, nakaipon ng malaki si Mingyu and he is starting his photography business together with Minghao. Kami naman ni Junhui nagtayo ng salon at kami ang make up artist, naghire nalang kami ng staff para sila ang maghair cut, spa, manicure at pedicure.
Hindi man perfect ang pagsasama namin ni Mingyu im thankful na siya ang pinili ng puso kong mahalin. Because he is the one that makes my life happy and full of contentment.
Tumagal naman ng 2 years bago kami maikasal dahil inantay naming magbalik ang alaala ko. At last month lang ako nakafully recovered, nang sinabi ko iyon sa kanya tuwang tuwa ito at agad agad nagset ng date para sa kasal namin.
July 17... Ito ang date ng kasal namin. He chose this day dahil ito daw ang araw ng birthday ng pinakaespesyal na tao sa buhay niya which is me. Cheesy man pero di ko maiwasang kiligin ng sabihin niya iyon.
"Ayan beshy tapos na," Tila nagising ako sa mahabang pag iisip ng marinig ang excited na tili ni Junhui. Kaya naman dahan dahan akong nagbukas ng mga mata. Nasilaw pa ako dahil sa ilaw na nakapaikot sa salamin.
"Beshy sino ba itong babaeng nasa harapan ko paalisin mo nga at hindi ko makita yung itsura ko." irita kong sabi kay Jun. Ang nakakaasar pa tuwing igagalaw ko ang ulo ko ginagaya niya rin ako. Naku, kasal ko ngayon pero iinit pa ata ang ulo ko.
"Gaga, ikaw yan beshy. Ang ganda ng pagkakamake up ko sayo ano?"
Amaze akong napatingin sa mukha ko sa salamin. Babaeng babae ang itsura ko ngayon, na maski ako di nakilala ang sarili ko. Ang ganda rin nang pagkakamake up sa akin ni Junhui. At kaya pala kanina pa nangangati ang ulo ko dahil sa wig na iniligay sa na nakafrench bun ang pagkakatali na lalong nagbigay ng girl look sa akin.
"A-ako ba talaga ito?" manghang mangha kong sabi mas sa sarili. Imagine, pwede pala akong maging babae. Paano pa kaya kung totoong girl na ako? Marami sigurong mahuhumaling sa akin.
Its better to be this way, at least kahit ganito ako minahal naman ako ng isang Kim Mingyu.
"Ang ganda di ba? Oh siya tumayo ka na para makita mo ang wedding gown mo." sumunod naman ako sa sinabi niya at tumayo. Napanganga ako ng makita ang suot suot kong trahe de boda.
"B-beshy..... I-ito ung-"
"Oo beshy yan yung dream wedding gown mo. Naalala mo dati iyan yung inisketch mong gown. Ipinakita ko yan kay Mingyu at nagustuhan niya. Sinabi ko rin na pangarap mong makapagsuot ng wedding gown kapag ikakasal ka. At lahat ng details na gusto mo sa dream wedding mo iyon ang ginawa niya."
Naiiyak akong yumakap kay Jun ng marinig ang sinabi niya. I never thought na gagawin lahat iyon ni Mingyu.
"Wag ka nang umiyak besh, ikaw din masisira ang make up mo. At isa pa quiet ka lang na sinabi ko sayo yung theme ng wedding mo, magagalit sa akin yung bebe mo."
BINABASA MO ANG
My Daughter's Dad (Completed)
Fanfiction" Papu kelan babalik si Papa?" "Malapit na siyang umuwi baby, nag iipon lang siya para may pasalubong siya sa baby Mina namin." "Papu, nakita ko na si Papa. May kotse siya, at sabi niya sa akin babalikan niya raw ako doon sa convenience store." T...