Chapter 25

1K 53 1
                                    

Wonwoo POV

"Papu, nasaan na po si Papa Mingyu?"

Naaawa kong hinimas ang buhok ng anak ko ng marinig ang sinabi niya. Isang araw din siyang walang malay at hindi ako nakatulog sa pag-aalala sa kanya.

"Busy si Papa Mingyu mo sa work niya kaya di siya nakakapunta,"

It was a big lie. Araw araw nagtatangkang lumapit si Mingyu sa kanya at kay Mina pero siya ang nagpapalayo.

He came to realize, simula nang makilala nila si Mingyu nagsimulang mapahamak si Mina. Nalaman niya kasing ang CEO pala ang gumawa nito kay Mina sa hindi malamang kadahilanan.

"Papu pwede ba nating dalawin si Papa namimiss ko na siya please po,"

"Mina,"

"Papa Mingyu,"

Tuwang tuwa namang lumapit si Mina kay Mingyu. As he look at Mingyu he suddenly missed him. Napansin niya ring tila hindi na ito masyadong nag aayos ng sarili. Halata na hindi ito nag aahit at gulo gulo ang ayos ng buhok nito, iba sa nakasanayang sytlish na porma ng buhok nito.

"W-wonwoo,"

Hindi niya maiwasang matawa ng marinig na magstutter si Mingyu at tila kinakabahan itong nakatingin sa kanya habang nakayakap pa rin kay Mina.

"B-bati...n-na b-ba t-tayo?"

Tuluyan na siyang napahalakhak bago lumapit dito at bahagyang guluhin ang buhok nito.

"Namiss na kita Mingyu,"

My Daughter's Dad (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon