Chapter 40

951 34 4
                                    


Aile POV

"Sasabihin ko nalang sa manager mo na may sakit ka para icancel niya ang schedules mo for this week, kaya wag kang magtatangkang umalis malilintikan ka sa akin."

Tahimik lang akong nakamasid sa kanya habang inaayos nito ang kurbata ng suot na suit. Nang mapansin kong nakatingin siya ng may malisya agad kong tinakpan ang hubad kong katawan ng kumot.

"See you next week babe, enjoy ka dito sa palasyo natin." nang hahalikan niya ako ipinaling ko ang mukha ko at dahil doon nakatikim na naman ako ng malutong na sampal.

"Kung inaakala mong maililigtas mo si Wonwoo nagkakamali ka. Papatayin ko siya dahil siya ang peste sa buhay ko."

Hindi ako umimik hanggang sa makaalis siya. Nang tingnan ko sa salamin ang mukha ko pulang pula ang pisngi kong sinampal ni CEO pero mas malala ang inabot ng katawan ko. Punong puno ng pasa at kiss mark, sinadya niya talagang gawin ito para hindi ko tangkaing tumakas pero walang makakapigil sa akin para iligtas si Wonwoo pati na rin ang anak namin.

Kahit masakit ang katawan ko pinilit kong gumayak para magbihis. Nang matapos ay kinuha ko na ang cellphone ko at tinawagan si Minghao.

"Hello Ms. aile?"

"Ako nga Minghao. Pwede ba tayong magkita?" alam kong mahirap itong hihilingin ko pero susubukan ko. "Pwede mo bang isama si Wonwoo? Kailangan niya itong malaman."

Napabuntonghininga si Minghao sa kabilang linya. Alam kong mahirap itong ipinapagawa ko sa kanya kaligtasan na ni Wonwoo ang nakataya dito."

"Susubukan ko po Ms. aile." ayun lang at ibinaba na nito ang kabilang linya.

Minghao POV

Hindi ko alam kung paano ko magagawa ang sinasabi ni Ms. Aile. Paano ko maisasama si Wonwoo? Paniguradong galit iyon dahil sa ginawa ko sa kanya. Hindi ko naman intensyong halikan siya ngunit paraan ko lamang iyon upang mailigtas ko silang mag ina ng mga oras na iyon.

Kung hindi ko ginawa iyon paniguradong patay na si Wonwoo at Mina sa mga oras na ito.

"Minghao ayos ka lang ba?" nakaramdam naman ako ng guilt ng marinig ang asawa kong si Junhui na punong puno ng pag aalala ang boses.

Sana hindi sinabi sa kanya ni Wonwoo ang ginawa kong paghalik. Ayokong saktan ang damdamin niya.

"Ayos lang ako Hui Hui," pilit kong ngiti saka niyakap siya. "Eh kayo ng baby natin kamusta naman?"

Napangiti muna siya bago sumagot. "Healthy naman kami pareho ni baby. Halos di na nga ako nagkikikilos dito."

Maya maya bigla siyang nagseryoso. Kinabahan ako sa ekspresyon ng mukha niya.

Hindi kaya....

"Minghao ah," hinawakan pa niya ang magkabila kong balikat. "Dont hesitate to tell me anything that's bothering you. Im always willing to listen, and besides im your partner."

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. As I look at his face kita ko ang labis na pag aalala. Kaya naman kahit kinakabahan pinili ko nang itanong.

"Jun......Kung malaman mo bang may ginawa akong mali hihiwalayan mo ako? Kung malaman mo bang niloko kita pero hindi ko naman sinasadya mapapatawad mo pa kaya ako?"

He pouted before answering. "Syempre naman magagalit ako but I will try to analyze the situation. Kung ginawa mo naman iyon para sa kabutihan ng iba. Sino naman ako para magalit sayo?"

Napalambing ng way ng pagkakasabi niya. At dahil doon tuluyan na akong napaiyak. Nagtataka naman siyang niyakap ako ng mahigpit.

"Minghao...."

"Jun," I sniffed before I narrate to him everything.

My Daughter's Dad (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon