Chapter 56

1K 33 2
                                    

Wonwoo POV

"Kamusta na ang prinsesa ko?" nakangiting lumingon sa akin ang anak ko na si Mina mula sa nilalaro nitong manika.

"Ayos naman po ako papu. Naaalala nyo na po ako?"

"Actually princess hindi malinaw pero alam kong very special ka sa akin." nakikinig lang ito sa sinasabi ko. Then I brush my hands to her hair. A memory flashed in my mind na tila ginagawa ko ito dati sa kanya.

"Ahmmmm Mina. Gusto lang magsorry sayo ni papu kasi hindi na kita naaasikaso. Sabi sa akin ng papa Mingyu mo simula nung ma comatose ako nandun ka kay ninang Jun mo."

"Its fine papu, big girl na kaya ako at masaya po ako na ligtas kayo ni baby Wongyu. Pramis papu I will be the best sister for Wongyu. I love you papu." I smiled as she kissed me on my cheeks.

"I love you too baby."

-----

"Saan na naman ba tayo pupunta Junhui? Kailangan ko pang pakainin si baby Wongyu."

Naiirita na ako dito kay Jun dahil hinatak na naman ako kung saan saan. Kung makaasta ito akala mo walang anak at dalaga- este binata pa siya. Iwanan ba naman ang anak niya sa asawang Minghao, dinamay pa ang mga anak ko, kaya naman ngayon kawawa si Minghao dahil nag aalaga siya ng tatlong bata.

"Di ba sabi mo dati gusto mong makapunta sa concert ni Mingyu. Well may concert siya ngayon."

Ha? Sinabi ko ba iyon? Wala akong maalala.

"Ayy tangek din ako wala ka nga palang maalala dahil may amnesia ka." natatawang sagot nito dahil sa ekspresyon ng mukha ko. "Anyway para ipaalala ko sayo nung malaman nating kumakanta pala si Mingyu minsan mo nang sinabi sa akin na gusto mo siyang mapanood."

Ilang sandali pa nakarating na kami sa isang concert hall. Hindi naman siya ganung kalaki ngunit punong puno iyon ng mga tao. Nakipagsiksikan kami sa agos ng mga tao para mahanap ang upuan namin. Nabigla naman ako ng sa unahang upuan pala ang pwesto namin.

"B-bakit dito tayo?"

Hinampas niya muna ako bago sumagot. "Para ano pa't naging boyfriend ka ng isang Kim Mingyu kung doon tayo sa likod uupo. Syempre alam ni Mingyu na pupunta tayo dito at binigyan niya ako ng ticket. Tsarannnnn!!!" ipinakita nito sa akin ang dalawang VVIP tickets. Wala na kong masabi dahil di ko naman alam ang bagay na ito.

Nagkwentuhan pa kaming dalawa dahil matagal pa raw bago magsimula ang concert. Ilang sandali pa nagsimula nang paganahin ang VCR ni Mingyu para naman hindi mainip yung mga manonood.

Now playing: Ikaw at Ako by TJ Monterde

🎶🎶Hawakan mo ang kamay ko ng napakahigpit.
Pakinggan mo ang tinig ko, oooooh di mo ba pansin?
Na ikaw at ako tayo'y pinagtagpo. Ikaw at ako di na muling magkakalayo.🎶🎶

Hindi ko mapigilang mapaiyak dahil kasabay ng kanta ay ang pagflash ng mukha ko sa screen. Habang may message na nagpaflash din sa bawat larawan.

To my  one and only Wonwoo

Naalala mo pa ba kung paano tayo nagkakilala?
Nung mga panahong sobrang nasasaktan ako.
Yung mga panahong durog na durog ako at gusto ko nang tapusin ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Dumating ka, you offer yourself para matulungan ako.
For me you're an angel that time. You save me and help me heal my wounded heart.

🎶🎶 Sa tuwing kasama kita. Wala nang kulang pa. Mahal na mahal kang talaga. Tayo ay iisa. Ikaw at ako oooohhh tayo'y pinagtagpo. Ikaw at ako ooohhhh di na muling magkakalayo🎶🎶

My Daughter's Dad (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon