3rd POV
Dahil sa tagal ni Wonwoo, napagpasyahan ni Mina na maglakad lakad sa paligid ng set.
Tahimik lang siya ng may mahagip.ng tingin. Dali dali siyang tumakbo papalapit dito.
"Tita Aile,"
Napatingin naman ang tinawag at napangiti ito ng makilala ang bata.
"Baby Mina,"
Nang makalapit si Mina, agad agad siyang yumakap. Si Aile naman ay masuyong hinaplos ang buhok ng bata at pasimpleng hinalikan ang buhok nito.
"How's my baby Mina?"
"Im fine tita, pero sad ako kasi di na kami vinivisit ni papa Mingyu. Galit po yata siya sa akin," at nawala ang smile nito.
Naalala ni Aile ang isyu kamakailan tungkol kay Mingyu tungkol sa pagiging ama nito. She understands Mingyu, he just protect Mina and Wonwoo.
"Naku sino naman ang magagalit sa magandang baby na ito," saka niya inipit sa mga kamay niya ang magkabilang pisngi ni Mina. "Baka naman busy lang si papa mo, di ba ang sabi mo artista siya. Ang artista kasi laging busy yun. But im sure na kahit di kayo nagkikita ni papa mo miss na miss na niya yan si Mina,"
"Talaga po Tita Aile?"
Tumango naman si Aile bilang sagot. At dahil doon napangiti naman ang bata. Nag usap pa sila ng ilang minuto. Natutuwa siyang makausap ang anak nila ni Wonwoo.
"Punyeta talaga, bwisit yang Mingyu na iyan,"
Pareho silang napapitlag ni Mina ng marinig ang mura na galing sa kanilang CEO na ngayon ay papalapit sa kanila. Kinakabahan naman si Aile dahil alam niya kung ano ang ugali mayroon ang CEO nila.
Kapag galit ito kahit sino pinagbabalingan. Kahit na bata.
"Come on Aile lets go," napaaray naman ako ng hinatak niya ang braso ko.
"Ano ba nasasaktan ako?"
"Bad guy ka, sinasaktan mo si Tita Aile," pinagpapalo ni Mina ang binti ni CEO. Sa inis nito itinulak niya ng malakas si Mina dahilan upang tumalsik ito ng may kalayuan.
"MINA!!!!!"
Nagpupumiglas ako sa hawak ni CEO para makalapit ako kay Mina. Ngunit hindi niya ako binibitawan.
"Let's go Aile," marahas niya akong hinila palayo sa lugar na iyon. Ngunit bago kami makalayo nakita ko pa ang pagbuhat ni Mingyu kay Mina na kasalukuyang walang malay.
Mingyu POV
"Baby Mina wake up na andito na si papu,"
Umiiyak si Wonwoo na ginigising si Mina na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.
"Wonwoo, hayaan mo munang magpahinga si Mina,"
He looked at me sharply and in low deep voice he speaked.
"Pasensya na sa abala Mingyu shi. Pwede ka nang bumalik sa taping nakakaistorbo na kami sayo ng anak ko."
"Wonwoo,"
"Please..."
Mabigat man sa loob ko ay lumabas ako ng kwartong iyon. Binigyan ko pa ng huling sulyap si Wonwoo na ngayon ay hawak ng mahigpit ang kanang kamay ni Mina.
Angel's Note
Thank you sa mga nag aantay ng update nitong story na ito. Special mention kay JeonSloth17. Natouch naman ako kakaupdate ko palang nabasa at vinote mo na agad.
Love you sa mga nagbasa, nagbabasa at magbabasa ng fanfic na ito. Bonus na rin ung pagvote ninyo.
BINABASA MO ANG
My Daughter's Dad (Completed)
Fanfiction" Papu kelan babalik si Papa?" "Malapit na siyang umuwi baby, nag iipon lang siya para may pasalubong siya sa baby Mina namin." "Papu, nakita ko na si Papa. May kotse siya, at sabi niya sa akin babalikan niya raw ako doon sa convenience store." T...