Chapter 2

3.2K 135 0
                                    


"Manager Hong di pa ba maaayos yan malalate na ako sa photoshoot ko," iritableng sabi ni Mingyu sa backseat ng kotse.

30 minutes nang tumirik ang sinasakyan nila at di pa rin naaayos.

Sumilip muna si Manager Hong upang kausapin ang driver na nagkukumpuni bago sagutin si Mingyu.

"Kinakabit nalang yung gulong, kung gusto mo tumambay ka muna sa convenience store na iyon." sabay turo nito sa isang 24/7 convenience store. "Tutal naman wala nang masyadong tao"

Kaysa naman mairita sa pag aantay sa pag aayos ng gulong ng sasakyan ay sinunod na lamang ni Mingyu ang kanyang manager.

Nang maisuot niya ang mask lumakad na siya papasok sa isang 24 hours convenience store para bumili ng makakain.

Dahil wala namang masyadong tao at idagdag pa na hirap siyang kumain tinanggal na niya ang kanyang mask at maganang kumain ng instant ramen..

Hindi pa siya nagtatagal sa pagkain ng mapatingin siya sa kaliwang side. Doon ay nakita niya ang isang cute na batang babae na matamang nakatingin sa kanya habang nanlalaki ang mga mata.

"Yes baby, what can I do for you?" magiliw niyang sabi ng malunok niya ang kinakain na noodles.

Nanlalaki lang mga mata at hindi umiimik ang bata habang nakatingin pa rin sa kanya. Maya maya lang nabigla siya ng magsalita ito.

"Papa bakit ngayon ka lang bumalik?"
Nagtataka siyang nakatingin sa bata.

Hindi niya kilala ito kaya naguguluhan siya na tinawag siya nitong papa. Luminga linga na rin siya upang hanapin ang mga magulang nito nang matanaw niya sa labas ang pagkaway sa kanya ng manager.

"Baby wag kang aalis dyan ah. Antayin mong bumalik ang Mommy at Daddy mo." sabi niya saka tumayo at hinimas ang buhok nito.

Di pa siya tuluyang nakakalabas ng humabol ang bata at yumakap sa kanya. "Papa, iiwan mo na naman ako." maiyak iyak nitong sabi habang nakayakap sa binti niya.

"P-pero baby hindi ako ang papa mo"

"Kayo po ang papa ko."
determinadong paliwanag ng bata.

"Ako po si Jeon Mina at ang papu ko ay si Jeon Wonwoo."

Naguguluhan siya sa sinasabi ng bata. Wala siyang kilalang Wonwoo at alam niyang di niya anak ang batang nasa harapan.

Naririnig na niya ang malakas na pagtawag sa kanya ng manager kaya naman itinukod niya ang kaliwang tuhod upang magpantay sila ng bata na patuloy na umiiyak.

"Okay sige ako na si papa mo" lumiwanag naman ang mukha ng bata sa sinabi niya.

"Next time pupunta ulit ako dito pramis magbobonding tayo okay?" nag okay naman ang bata habang nakangiti. "need lang magwork ni papa kaya iiwan muna kita then after work magpaplay tayo okay ba yin baby Mina?"

"Yes Papa. Aantayin po kita dito ah"
Nakangiting ginulo ni Mingyu ang buhok ng bata saka nagsimula muling lumakad. Subalit muli siyang tinawag ng bata.

"Papa ano po palang name ninyo?"

Napalingon siya sa bata saka nakangiting sumagot. "Kim Mingyu"
"Babay Papa Mingyu aantayin po kita ah. Love you."

Di napigilang kumaway ni Mingyu sa bata. Di naman niya sineryoso ang sinabi dahil alam niyang may mga magulang naman ang bata.

My Daughter's Dad (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon