"Ano ba naman yung isang model ang tagal dumating." naiiritang sabi ni Wonwoo sa kaibigang si Jun at The8.Walang mag aalaga sa anak niya kaya naman inaasahan niya na darating sa takdang oras ang main model nila na si Kim Mingyu. Sinabihan lang niya ang anak na maglagi sa bahay dahil inakala niyang maaga siyang makakauwi.
Busy naman sa paglalambingan ang dalawa kaya lalong nairita si Wonwoo.
"Friend, kahit magalit ka pa ng magalit wala namang magbabago, late si Mr. Kim," mahinahong sabi nito saka yumakap sa kasintahang si Minghao na nakikinig lamang sa kanila.
Sasagot pa sana si Wonwoo na makita ang isang kumpulan di kalayuan.
Paglapit niya ay narinig niya ang isang boses na humihingi ng paumanhin sa nakapaligid na staff habang nakayuko.
Natulala si Wonwoo ng makita na gwapo ang lalaking nasa harapan.
Matangkad ito nasa 6foot ang taas, matangos ang ilong, nangungusap ang mga mata. Sa kabuuan mukha siyang artista. Pero iba pa doon ang nakapagpagulat sa kaniya.
Kamukha ito ng 'papa' ni Mina.
Hindi mapakali si Wonwoo habang inaayusan ang nasa harapan niyang si Kim Mingyu. Nakapikit ito kaya hindi nito pansin na para na siyang bulateng inasinan.
Paano nangyaring nandito ang 'papa' ng anak niyang si Mina. At paano kung makita ito ni Mina?
Paniguradong lalapit ito sa nakilala nitong 'papa'.
Hindi sinasadyang napako ang tingin niya sa nakapikit na lalaki.
Ang matangos nitong ilong, mapulang labi sadyang napakagwapo talaga ng lalaking nasa harapan niya. Hindi siya nagkamali na ito ang piliing ama ng kanyang anak.
Agad naman siyang napaiwas ng tingin ng bigla itong dumilat at tumingin sa kanya. Ngunit kahit ilang segundo lang nakita niya ang nangungusap nitong mata at tila nang aakit na tingin.
"May problema ba?" nagtatakang tanong nito sa kanya.
"W-wala, t-tapos na ki...kitang ayusan" nauutal utal naman niyang sagot sa lalaki.
Agad naman itong tumayo at nagpasalamat sa kanya kasabay ang isang ngiti na biglang nagpatibok sa kanyang puso.
BINABASA MO ANG
My Daughter's Dad (Completed)
Fanfic" Papu kelan babalik si Papa?" "Malapit na siyang umuwi baby, nag iipon lang siya para may pasalubong siya sa baby Mina namin." "Papu, nakita ko na si Papa. May kotse siya, at sabi niya sa akin babalikan niya raw ako doon sa convenience store." T...