Chapter 28

1K 52 6
                                    

Mingyu POV

"Bebe Soonyoung kumain ka ng kumain ang payat payat mo na kaya,"

Gigil na gigil naman si Mingyu sa pagnguya habang nakatingin kay Wonwoo na sobrang asikaso kay Soonyoung.

Dapat ako ang inaasikaso ng ganyan ni Wonwoo eh.

"May sinasabi ka ba Mingyu shi?" kinakabahang napatingin siya kay Soonyoung na siyang nagtanong.

"Ha?" Naku patay. Nasabi ko ba ng malakas?

"Parang may sinasabi ka yata," patuloy pa nito bago kainin ang inihain sa kanya ni Wonwoo.

"W-wala ang sarap lang nitong pagkain sa restaurant na ito,"

At ang sarap mong patayin. Bulong ng mahaderang parte ng utak niya.

"Okay sabi mo eh," tawa pa nito na lalong nagpakulo ng dugo niya.

---------

"Thank you bebe Wonwoo nag enjoy ako sa pagkikita natin. Next time ulit, ako naman ang manlilibre,"

"Okay lang yun bebe Soonyoung sobrang namiss kaya kita," maluha luha nitong sabi. Kaya naman walang sabi sabing niyakap siya ni Soonyoung na lalong nagpairita kay Mingyu.

"I love you bebe Soonyoung,"

"I love you din bebe Won-"

Walang sabi sabing hinila ko palayo si Wonwoo mula sa yakapan ng dalawa. Taka namang napatingin si Wonwoo sa akin na seryoso na ang pinta ng mukha.

"Let's go home Wonwoo KO. And Soonyoung shi thanks for the meal." saka ako nagbow.

"Ano bang problema mo Mingyu? Nagseselos ka ba?"

Parehong silang napatigil sa paglalakad ng sapilitang hilahin ni Wonwoo ang kamay na hawak hawak ni Mingyu.

At dahil di ko na kaya sa halo halong galit, selos at inis napasigaw na ako.

"TANGINA!  WONWOO NAGSESELOS AKO MAMAMATAY NA AKO SA SOBRANG SELOS, YUNG LALAKI NA YUN TINATAWAG MONG BEBE NIYAYAKAP MO SINASABIHAN MO NG I LOVE YOU,"

"Walang tayo Mingyu," mahinahong sagot ni Wonwoo. "Oo nililigawan mo ako, binigyan kita ng permiso pero wala kang karapatang makialam sa personal kong buhay,"

"Ganun nalang Wonwoo? Di ba sabi ko sayo antayin mo lang ako. Mahal na kita kaya sana naman wag mo nang ipamukha sa akin,"

"EH TANGINA MO PALA EH!" sigaw ni Wonwoo napansin ko nalang na lumuluha na siya pero pinipigilan lang niya. "PAANO AKO MAGHIHINTAY KUNG DI KO ALAM KUNG ANO ANG DAPAT KONG ANTAYIN SAYO. PAANO AKO MANINIWALANG MAHAL MO AKO KUNG NAKITA NG DALAWANG MATA KO KUNG PAANO MONG TAPUSIN ANG BUHAY MO DAHIL SA PAGMAMAHAL NA IYAN,"

Pagkatapos sabihin ni Wonwoo iyon napaluhod na siya habang humahagulgol.

"Mahal kita Mingyu, mahal na mahal. Kaya nga kahit na alam kong masasaktan ako susugal at susugal pa rin ako. Eh ikaw tuluyan mo na ba siyang nakalimutan?"

Di ko alam. Maski ako di ko alam ang sagot sa tanong niyang iyon. Nakalimutan ko na nga ba si Minghao?

"Im just a rebound right Mingyu? Panakip butas mo lang para makalimutan mo yung sakit na nararamdaman mo sa kanya. Ang tanga ko naman kahit alam kong pinantapal mo lang ako.....umasa ako, minahal kita. Kaya ngayon nasasaktam ako."

Sobrang nanghihina na ako kaya pagtanaw nalang ang nagawa ko ng lumakad na siya palayo habang patuloy na umiiyak.

My Daughter's Dad (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon