Chapter 6

2K 83 0
                                    

3rd POV

"Nakita ni Mina si Mingyu kahapon anong gagawin ko beshy?"

Iiling iling nalang si Jun habang sinusundan ng tingin ang bestfriend na ngayon ay paikot ikot sa harapan niya.

"Ano namang problema doon, hindi naman siya kilala ni Mingyu?"

"Alam ko pero knowing my daughter madaldal iyon maraming masasabi kay Mingyu. Nakakahiya sa tao, dahil hindi talaga niya anak si Mina,"

"Bakit naman humantong sa puntong si Mingyu kasi ang kinilalang ama ni Mina?"


Wonwoo POV

Nang marinig ko ang tanong na iyon ni Jun. Wala na akong magawa kundi ikwento sa kanya ang buong katotohanan.

Flashback

"B-buntis ako Wonwoo,"

Sandali akong natulala ng marinig ang sinabi ng gf ko na si Aile, co staff ko sa Pledis Entertainment.

"I said im pregnant Wonwoo. Magiging tatay ka na," ulit niya dahil hindi ako umiimik.

Hindi ko alam ang irereact dahil unang una, alam ko ang sexuality ko. Yes I have a gf pero attracted ako sa lalaki. Naging gf ko lang naman si Aile dahil sa gusto kong idiretso ang buhay ko.

At ang nangyari sa amin ay hindi ko kagustuhan. Kaya hindi rin ako handa sa naging outcome.

"I didnt expect this Aile," mahina kong sabi habang nakayuko. Rinig ko ang mahina niyang paghikbi dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Alam ko naman Wonwoo na hindi mo talaga ako minahal. But please, wag mo namang ipagkait yung pagmamahal na iyon sa magiging baby natin,"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Dali dali akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit. Habang siya naman ay mas lumakas pa ang iyak.

At buo na ang desisyon ko. Pananagutan ko ang magiging anak namin ni Aile.

---

"Wonwoo, bili mo naman ako ng strawberry. Thanks,"

Lumapit ako kay Aile na ngayon ay nasa walong buwan ng pagbubuntis. Pinatigil ko na muna siya sa pagtatrabaho dahil nga sa maselan nitong pagbubuntis. At kahit na any minute manganganak na siya naglilihi pa rin ito sa strawberry.

"Ingat ka dito Aile ah," saka ko siya hinalikan sa kanyang ulunan. Hinalikan ko rin ang tiyan niya. "Magpalaki ka lang dyan my princess, magwowork lang si Daddy,"

Nakapagpaultra sound na kami. At baby girl ang magiging panganay ko. At dahil magkasama na kami ni Aile sa bahay mas naging close na kami, pero civil lang.

"Sige na alis na," nakangiting pagtataboy sa akin ni Aile palabas ng pinto ng bahay namin.

----

"Beshy Wonwoo,"

Napalingon ako kay Junhui, co worker ko na humahangos sa pagtakbo. Habol ang paghinga nito kaya naman inantay ko lang siya.

"Si Aile noona, nanganak na,"

"ANO!!!!!!!!"

Lakad takbo kami ni Jun papunta sa emergency room. Sakto naman paglabas ng doktor kung nasaan si Aile. Kinakabahan ako para sa mag ina ko.

"Sino po si Jeon Wonwoo sa inyong dalawa?" tanong nito sa amin. Dali dali akong nagtaas ng kamay at halos patakbong lumapit sa kanya.

"Pinapapasok kayo ng asawa ninyo sa loob. She needs to calm down dahil naghihisterikal siya,"

Tumango naman ako at sinimulang suutin ang lab gown pati na rin ang mask na inabot sa akin ng isang nurse.

Pagpasok ko nakita ko ang pagwawala ni Aile habang takot na takot ang mukha nito. Nang makalapit ako sa kanya bigla siyang yumakap sa akin.

"Wonwoo natatakot ako di ko alam ang gagawin baka masaktan yung baby natin," umiiyak niyang sabi habang pinapatahan ko naman siya.

"I know you can do it Aile, hindi masasaktan ang baby natin dahil alam kong di mo hahayaan iyon. And besides im here, sasamahan kita," pang aalo ko sa kanya habang hinahalik halikan ang kanyang noo.

Unti unti naman siyang kumalma. Ngunit maya maya lang napasigaw na naman siya sabay hawak sa kanyang tiyan. Agad namang kumilos ang mga doktor. Pinapairi siya ng doktor pero sigaw lang kanyang ginagawa. Nataranta na sila ng makitang tumataas ang presyon ni Aile.

"Misis wag po kayong kakabahan, pareho kayong manganganib ng baby," mahinahong saad ng doktor.

I hold her hand and whispered some soothing words. Mabuti naman at kumalma siya at sumunod sa sinabi ng doktor.

After few push, narinig na ang pag iyak ng anak namin. Nakangiti akong nakatingin sa bata habang nililinisan siya ng doktor. Si Aile naman ay nakatulog na kaya naman hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na tumakip sa mukha niya and then I kissed her forehead.

"Aile our baby was safely delivered,"

My Daughter's Dad (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon