Wonwoo POV
After a week nakalabas na rin ako ng ospital at ngayon nga ay bedrest lang ako. Lumipat na rin kami ni Mina sa condo ni Mingyu.
Speaking of Mingyu simula nung araw na pumunta si CEO sa ospital naging over protective na siya sa akin. Kapag may kumatok, siya agad unang unang lalapit sa pinto, halos ayaw na kong iwanan. Kapag kailangan naman niyang umalis si Manager Hong o kaya naman si Aile ang pakikiusapan niyang magbantay sa akin.
Speaking of Aile, hindi ko inaasahang magkasama sila ni Mingyu. Nakaramdam ako ng takot dahil malalaman ni Mingyu na nagkaroon kami ng ugnayan ni Aile at siya ang ina ni Mina. Natakot ako sa isiping iiwanan na ako ni Mingyu. Nakapag usap na rin kami ni Aile at hindi na kami hostile tulad ng dati. Hindi ko lang makakalimutan yung isang bagay na sinabi niya.
Ngunit nawala lahat ng iyon ng sabihin ni Aile na nagkausap na sila ni Mingyu at alam na niya ang totoo. Hindi naman daw ito nagalit.
"Dont ever approach CEO. Kapag nakita mo siya lumayo ka kaagad or tumawag ka ng tulong."
I find it weird dahil parehong pareho sila ng sinabi ni Mingyu. Bakit ba ayaw nila akong palapitin kay CEO? May dapat ba akong malaman?
"Hi baby, im home." napangiti ako ng marinig ang boses ni Mingyu kasunod niyon ang maliliit na hakbang ng paa at ang mabilis na pagtakbo ni Mina.
"Kumain ka na ba?" I asked him after he gave me a peck on my lips.
"Tapos na baby, eto nga pala yung pinabibili mong strawberry." A wide smile formed on my lips as he handed me the basket full of strawberries. Umupo na ako sa sofa at sinimulang lantakan yung strawberries.
Unlike sa ibang nagbubuntis hindi ako bugnutin at palagi lang akong nakangiti. Hindi rin ako nagkicrave sa mga weird ng pagkain pero gustong gusto ko ng strawberry. Kaya naman tuwing uuwi si Mingyu laging strawberry ang pasalubong niya. Ibang iba noong ipinagbubuntis ni Aile si Mina, andami niyang pinabibili sa akin. Ganun talaga siguro kapag lalaki ang nagbubuntis.
"Papa nagtatampo na ako lagi nalang si Papu saka si baby ang naaalala mo,"
"Of course not baby. Never makakalimutan ni Papa ang first baby niya. Kaya nga may pasalubong ako sayo, TADA!!!"
Napawow ang anak ko ng ibigay sa kanya ni Mingyu ang isang manika. Niyakap naman nito ang ama saka paulit ulit na nagthank you at panaka nakang hinahalikan ang pisngi ng ama.
I felt guilty, dahil sa pagkakabaril sa akin at sa pagbubuntis ko hindi ko na naaasikaso ang anak ko. Di bale babawi ako sa mga susunod na araw.
"Bakit nakasimangot ang isa ko pang baby?" nabigla naman ako ng may umakbay sa akin at humalik sa noo ko. Nang tingnan ko si Mingyu pala.
"Naguilty lang kasi ako hindi ko na naaasikaso si Mina." yung kamay niyang nakaakbay ngayon ay nakayakap na sa akin.
"Big girl na si Mina maiintindihan nya na yun. Di ba baby?" tanong niya kay Mina na nakatingin pala sa amin.
"Dont worry papu big girl na ako kaya ko na sarili ko. Dapat alagaan mo na lang si baby brother ko."
"Baby how sure are you na baby boy ang nasa tummy ni papu mo?"
Napaisip pa ang bata bago sumagot. "I just feel it. And papa dont call me baby. Im going to be a big sister na." natawa nalang kami sa pagtatantrums ni Mina.
Napatigil ako sa pagtawa ng biglang bumaligtad ang sikmura ko. Dali dali akong tumakbo papuntang sink. Ramdam ko naman ang pag aalala ni Mingyu na sumunod sa akin. Hinimas himas niya ang likod ko. At nang matapos ako bubuhatin niya sana ako.ngunit nagpumiglas ako at bumalik sa lababo.
"What's wrong baby?"
"Yung pabango mo nakakasuka," sakto namang inamoy niya ang pabango niya.
"Hindi naman ah"
"Ah basta wag kang didikit sa akin kapag ganyan ang pabango mo." todo takip ako sa ilong ko saka siya iniwang mag isa sa may lababo.
BINABASA MO ANG
My Daughter's Dad (Completed)
Fanfiction" Papu kelan babalik si Papa?" "Malapit na siyang umuwi baby, nag iipon lang siya para may pasalubong siya sa baby Mina namin." "Papu, nakita ko na si Papa. May kotse siya, at sabi niya sa akin babalikan niya raw ako doon sa convenience store." T...