Chapter 43

880 42 5
                                    


Mingyu POV

"Ako ang mama ni Mina, Mingyu."

Kahit mahina lang ang pagkakasabi niya parang bomba ang lakas ng dating niyon sa pandinig ko. Hindi ko alam ang mararamdaman kaya naman nakikinig lang ako, ganun din si Minghao at Joshua hyung na nakayakap pa rin kay Ms. Aile.

"We used to have a relationship before. Magkasama kami sa agency. Staff pa ako noon samantalang siya ay make up artist. We're bestfriends until we decided to take it to another level. Yung pagbubuntis ko hindi siya intentional, hindi ready si Wonwoo but we gladly accept it since its a blessing."

"Simula palang alam ko na ang gender preference ni Wonwoo pero tinanggap ko pa rin siya kasi nga mahal ko siya. At....." she suddenly stopped and look at me. "Hanggang ngayon mahal ko pa rin siya."

Di ko alam ang sasabihin sa mga narinig ko. Naging sila ni Wonwoo at hanggang ngayon mahal pa rin niya ito.

"Dont worry Mingyu I will not interfere. Alam ko namang ikaw ang mahal ni Wonwoo at masaya ako dahil pumayag kang maging Daddy ni Mina. Thank you for giving my daughter a complete and happy family. And...for accepting Wonwoo for who he is." she smiled at me and suddenly I feel at ease. Kinakapa ko sa puso ko ang galit pero wala naman sa halip naiintindihan ko ang pinagdadaanan niya.

"Pero nalaman ni CEO ang kaugnayan ko kay Wonwoo and he is very obsess kaya gusto niyang ipapatay si Wonwoo. Mas lumala iyon ng makita niyang si Wonwoo rin ang magiging dahilan para tumigil ka sa pag aartista. Siya din ang nanakit kay Mina. Kaya nga kinausap ko si Minghao at pinakiusapang bantayan niya at protektahan si Wonwoo."

"Im sorry for kissing Wonwoo in front of you Mingyu. I need to save him dahil kung hindi mo napansin may nakasuksok na patalim sa bulsa ng lalaking iyon at kung nagkamali ng sagot si Wonwoo paniguradong patay siya." pagsingit ni Minghao sa usapan. Nagitla naman ako sa nalaman. So all this time nagalit ako sa kaibigan ko na walang hinangad kundi iligtas ang mga taong mahalaga sa akin.

I feel guilty upon hearing all the revelations. Ang sakit lang na sinasabi kong mahal ko si Wonwoo at kaya ko siyang protektahan and yet here I am shocked from what I've discovered.

"Im....im...sorry Minghao," nahihiya kong sabi sa kanya. Natulo bigla ang luha ko ng magflashback lahat ng memories namin ni Minghao bilang magkaibigan. Kung paano niya ako prinotektahan sa mga nambubully sa akin noon. Yung hindi niya pag iwan kahit na siya naman ang inaaway ng mga kaklase namin. Yung parati niyang pagpapalakas ng loob ko sa panahong gusto ko nang sumuko.

"Its okay Mingyu. You're still my bestfriend and sorry for ruining it." he gently said and hug me. Tuluyan na akong napahagulgol habang panay ang hingi ko ng sorry sa kanya.

Finally I can say that I've totally moved on. Narealize ko na matagal ko na palang napatawad si Minghao. Matagal ko nang napagaling ang puso ko at lahat iyon ay dahil kay Wonwoo.

Ibang kaba ang nadama naming lahat ng mag ring ang phone ko at number ni Wonwoo ang rumehistro. Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Minghao at kabadong sinagot ang tawag.

"B-baby?"

"Mingyu.....Help me please."

My Daughter's Dad (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon