Chapter 54

897 34 0
                                    

Mingyu POV

"Congratulations Mr. Kim lalaki po ang inyong anak." Napangiti ako sa sinabing iyon ng doktor. Sa likod niya ay naroon ang anak namin ni Wonwoo na karga karga ng isang nurse.

Hindi ko napigilang haplusin ang anak ko na pinaghalong mukha namin ni Wonwoo. Tahimik lang ito habang lumalabas labas ang dila at nakataas ang maliliit nitong mga daliri.

"Baby. Papa will do everything para makasama mo si papu Wonwoo mo." Ikinulong ko ang maliliit nitong kamay sa kamay ko at inihaplos ito sa pisngi ko. It somehow helps me relax lalo na nang makita kong ngumiti ang anak ko.

"Mr. Kim kailangan na namin siyang linisan." tumango nalang ako at dinala na nila ang bata. Naiwan naman ang doktor ni Wonwoo na seryoso pa rin ang itsura.

"Mr. Kim tatapatin na kita. As of now nasa state of coma pa rin si Mr. Jeon. At sa kondisyon niya ngayon it would be best kung pakawalan na natin siya. His vitals are dropping at di magtatagal magmimistula na siyang lantang gulay. Kahit na magising pa siya there will be complications.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at napahagulgol. Napaluhod na rin ako sa sobrang sakit ng narinig ko. Si Wonwoo. Ang taong tumulong sa aking makalimot sa sakit ng unang pag ibig. Ang taong handang maghintay. At ang kaisa isang taong nagpasaya at nagbigay sa akin ng pamilya. Ang kaisa isang pinakamamahal ko at patuloy na mamahalin....... Mawawala sa akin.

"Doc, im begging you, please save him. Mahal na mahal ko siya. Gagawin ko ang kahit ano basta buhayin nyo lang siya. Kahit pa lumuhod ako sa harapan ninyo. Just...just do everything." lalo pang lumakas ang hagulgol ko nang lumuhod din ang doktor at yakapin ako.

"D-doc, Mr. Jeon's vitals continously drops."

Tumigil ang mundo ko ng marinig ang sinabing iyon ng nurse na lumabas mula sa kwarto ni Wonwoo. Sa isang iglap nagtatakbuhan na papasok ang iba pang mga doktor. Lahat nagmamadali sa pagsasalba sa kanya.

"Mr. Kim bawal po kayo dito. Sa labas muna kayo."

"Please hayaan ninyong makita ko siya."

Pilit pa rin akong pinipigilan ng mga nurse na makalapit kay Wonwoo hanggang sa pigilan sila ng doktor na kausap ko kanina at hinayaan niya akong makalapit.

"Talk to him Mr. Kim, he's conscious. Maybe you can help him to gain his consciousness back."

I grabbed his left hand and kissed it while looking at his pale face.

"Wonwoo ko, please wake up. Sabi mo diba unahin kong iligtas ang baby natin and you will do everything para gumising. E-eto na yung tamang oras baby. Please.....please baby wag mo naman akong iwan, si Mina at ang anak natin inaantay ka namin."

Tahimik ang paligid at tanging ang tunog lang ng machine ang naririnig na patuloy na bumababa. Nang muli akong tumingin sa mukha ni Wonwoo mas napaiyak ako ng makita ang luhang naglandas sa gilid ng kanyang mga mata.

"Wonwoo ko please fight for me, for our child. Hinding hindi ako bibitaw, mag aantay ako gaya ng pag aantay mong mahalin kita ng tunay. At kahit anong mangyari, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko. Alam mo kung bakit? Sayo ako naging masaya, sayo ako natutong magmahal at sayo ko naramdaman ang pagmamahal na hinahanap ko. I love you Wonwoo always."

Kasabay niyon ang diretsong pagtunog ng flat line at ang paglapit ng doktor. Hindi ko binibitawan ang kamay niya kahit na pinapaalis na nila ako.

"JUST FUCK OFF HINDI PA SIYA PATAY....."

Kahit na hinihila na nila ako palayo hindi ako pumayag at mas hinigpitan ang hawak sa kamay niya. Sa kamay ng pinakamamahal ko. Ngunit hindi ako nagtagumpay, natanggal nila ang kamay ko at kinakaladkad na ako palabas.

"JEON WONWOO I ALWAYS LOVE YOU."

Nabigla ang lahat maging ang kumakaladkad sa akin ng tumunog muli ang ---- at bumalik ang vitals niya. Ilang sandali pa nakita naming lahat ang unti unting pagdilat ng mga mata niya at diretso itong tumingin sa direksyon ko. Nagtama ang paningin namin at mas napaiyak ako ng marahan itong ngumiti.

Dali dali akong tumakbo sa tabi niya at hinawakan pa ng mas mahigpit ang kamay niya. Hinayaan na lamang ako ng mga doktor habang ginagamot siya. Patuloy lang siyang nakatingin sa akin at marahan niyang pinisil ang kamay ko dahilan para mapaiyak ako sa iyak.

"Thank God your awake baby." he just smile again and slowly his eyes started to close dahilan para muli na naman akong mapaiyak.

My Daughter's Dad (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon