Tik....tok...tik...tok...
Nakaramdam ako ng hindi maintindihang hilo. Naririnig ko ang tunog ng orasan sa aking paligid.
Shug...shug...shug...
Mayroon nagtatahi????
Eto na ba ang sinasabi nilang langit?
Dahan-dahan kong inimulat ang aking mga mata. Sa aking pagmulat ako'y nagulat. Mayroong babaeng nagtatahi sa aking tabi. Tinignan ko ang aking mga kamay at dahan-dahang idinampi sa akin mukha.
Nahawakan ko ang aking sarili. Ramdam ko ang aking init.
Ako'y.... Buhay!
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"
Nagsisigaw ako. Napasigaw din yung babae na nasa tabi ko. Nagyon para kaming timang na nagsisigaw.
"Señorita, himinahon kayo,"sabi niya sabay hawak sa magkabila kong balikat.
Napatayo ako sa aking pagkagulat.
"The hecking hell! Tae na yan ano to? Prank?!" Biglaan kong sambit.
Naguluhan ang babae.
"Huwag mo akong hahawakan! Lumayo ka!" Pasigaw kong sabi na may halong pagkatakot sa aking boses.
"Señorita, ako po eto si Emilia," pagpapakilala nya "Ako po ang inyong doncella...bakit po ba kayo nagkakagayan," pagpapatuloy nya.
Wow ah! Pwede nang speech yun.
Huminahon ako at parang timang kong pinagmasdan ang buong paligid.
Makaluma... Ala Spanish time ang scent. Okay. Tae. Nasa makaluma panahon ako.
Naiiyak akong nag-smile sa kanya.
"Binibiro ako ng langit diba?" Wala sa sarili kong tanong.
"Ano po ang inyong pinagsasabi?" Nagtatakang tanong niya.
Umiling-iling ako.
"Buhay ako?" Tanong ko sabay turo sa sarili ko.
Tumango siya at doon ako nagdrama.
"Bakit?! Bakit pa ako nabuhay?! "Pagsisi ko.
Takang taka na ang babae este si Emilia.
Hanggang sa naka-isip ako ng idea.
Since na buhay naman na ako ULIT kaso sa maling panahon...BUSET...makakapag-adjust naman si ako. Since adik ako noong high school ako sa Aralin Panlipunan no wonder na kung bakit dito ako inilagay ni Lord.
Sorry po Lord.
"Emilia, alam ko magmumukha akong timang. Pero anong pangalan ko?" Tanong ko sa kanya.
Napakunot ang kanyang noo.
"Po? Ayan po ang hinding-hindi nyo pong makakalimutan," tanging sagot nya.
"Aish! Sugutin mo nalang ako. Hindi ba milagro ngayon kasi nalimutan ko pangalan ko?" Papilosopong sabi ko naman sa kanya.
Huminga nalang siya ng malalim na halatang wala na siyang magagawa.
"Kayo po si "Erenda Lorensa Fecila Porgues," sagot niya.
The heck?! Ang haba chang ah!
"Emilia..."
"Bakit po?"
"Hindi mo bagay ang Emilia kaya simula ngayon ang tawag ko na sa iyo ay Chang," sabi ko.
BINABASA MO ANG
Sa Pangalawang Pagkakataon
Historical FictionMinsan ka na bang nasaktan ng taong hindi mo inaasahang iyong mamahalin? Nabuo na ba ang mga katanungan na "Bakit" sa iyong isipan kung bakit hindi ikaw ang kaniyang pinili? Pinangakuan ka na rin ba niya pero sa huli nabali rin ang kaniyang salita. ...