A lie

108 50 54
                                    


"Sandali .. a-ako na lang ..." Tumulo ang aking mga luha.

Kumapit ako sa upuan bilang suporta. Pakiramdam ko hindi ko kayang tumayo dahil sa nararamdaman kong takot at kaba. "Ako .. na lang. Please ... l-leave the b-baby ... alone." I can't afford looking at them taking the baby away.

They stop then look at me, checking if I'm serious. I can hear the baby's mother crying louder as she heard me. I look at her only to see her pleading eyes.

I beg in the middle of my sobs. "Please ... don't ..." I didn't finish my word when the man with the baby look at me. He's scrutinizing my face until he gave back the baby to his mother.

"Samuel, dalhin mo yan. Tayo na!" The man beside me drag me down to the van waiting outside.

He's pulling me harshly. I can feel his rough hand brushing on my skin.

Before I could go inside the van once again, I look back at the bus teary eyed. It happened so fast that I couldn't think anymore what actually happened.

Pilit nila akong isinakay sa van. Nahihilo na ako dahil sa pinaghalong kaba, takot at nakakasukang amoy ng van.

"Miguelito, tapakan mo na ang silinyador, baka maabutan pa tayo ng mga parak!"

Kinakabahan na ako ngunit pinilit kong kalmahin ang aking sarili.

I somehow learned how to act when such thing happenned. I also learn some self defense, but seeing these goons, I'm dead.

Nahihilo na ako dahil sa amoy ng lalaki sa aking kanan, parang amoy sigarilyo na ewan!

"Mr., pwede ba tayong magpalit ng upuan? Nahihilo na kasi ako, eh." Pinipilit kong gawing normal ang aking pagsasalita. I might sound crazy, but I really don't know what to do.

Lumingon sa akin ang lalaking nasa tabi ng bintana. Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Hindi yata makapaniwala sa aking sinabi.

Nagtawanan sila na parang joke yung sinabi ko.

Seriously? Nakakatawa ba ang sinabi ko?

"Pare, sige na, magpalit na kayo. Baka hindi pa natin mapakinabangan yan mamaya, eh." Umirap lang ako at hindi pinansin ang nagsalita.

"Please ... ?" Muli akong tumingin sa lalaking  tinawag nilang Samuel. Kunot pa rin ang noo at tikom ang mga labi.

Maya-maya ay tumayo ito kaya mabilis akong lumipat sa tabi ng bintana. Wala pa rin itong imik nang umupo.
Kahit kinakabahan nagsimula na ako sa aking plano.

Inihilig ko ang aking ulo sa gilid ng van at ipinikit ang mga mata. Inisip kong mabuti ang aking gagawin.

'Paano ko ba gagawing normal ang aking boses? Kinakabahan na talaga ako ...'

Lumunok ako ng laway at binasa ang aking labi bago muling nagmulat ng mata at nagsalita.

"Akala ko dati hindi totoo yung mga kagaya niyo ... Sa tv ko lang 'to napapanood, eh. Pero ngayon, nararanasan ko na." Tumigil ako sa pagsasalita at huminga ng malalim.

Nanatili akong nakatingin sa labas habang pinipigilan ang kaba.

Walang nagsalita sa kanila at nanatiling tahimik sa loob ng van kaya muli akong nagpatuloy.

"Papatayin niyo rin ba ako? O gagahasain like in the movie?" Inosente kong tanong. Lumingon ako sa lalaking malapit sa akin.

Nanatiling seryoso ang kanyang mukha at ang tingin ay nakapako sa unahan. May ilang tumawa sa aking tanong.

Sinulyapan ko ang isang lalaki sa unahan nang magsalita ito.

"Binibini, alam mo namang lahat ng nagpapakabayani, namamatay. Kaya bilib ako sa tapang mo!"

Muling silang nagtawanan maliban sa aking katabi.

Seryoso lang ito at kunot pa rin ang noo.

Nagpatuloy ako sa pagsasalita habang nakatingin sa unahan.

"Ok lang ... malapit na din naman akong mamatay, eh."

Nagsimula na ako sa aking plano.

Nakita ko silang nagulat sa aking sinabi. Nasulyapan ko ang tinawag nilang Samuel na lumingon sa akin, pero hindi nagsalita.

"I have cancer ... ovarian cancer. My doctor told me that I only have least than 5 years to live ..."

Wake Me UpWhere stories live. Discover now