Ghost of my dream

45 15 0
                                    

Should I not dreamed of you, maybe I'm not drowning with my own fantasies right now.

Here inside my room. With my lampshade on, I open my windowpane and stared blankly at the sky. Orion is always there. Good for him, he's still lucky. Unlike me .. crying with my own idiocracy.

There's no one to blame but my stupidity, right?

Now I understand why they often say that stupidity is the study of idiocracy ..

Hindi ko magawang sabihin o aminin man lang sa sarili ko ang aking nararamdaman. How am I gonna admit it if I know how absurd it is?

A girl in love with someone she just met in her dreams? Really?

'Agh! Anong gagawin ko? I turned down Joaquin's proposal because of that?'

Hindi ako makanali sa aking kinauupuan habang inaalala ang naging pag-uusap namin ni Joaquin kanina. Tumalungko ako sa bintana at ipinatong ang baba sa barandilya nito.

Ipinikit ko ang aking mata nang humaplos sa aking balat ang malamig na hangin ng Disyembre.

'I must be crazy for hurting him that way ..'

"I'm sorry .. I'm sorry if I am gonna break my promise. I just can't accept you right now .. I am too ..  broke to love you. I .. I don't deserve you!"  His car was filled with my loud cry.

Joaquin reach for my hand and kiss it softly. His eyes didn't leave my face as if he's tracing every part of it.

"What do you mean? If you're broke then I'll fix you! Just marry me, please? You'll marry me, right?" Parang pinipiga ang aking puso nang magsimulang tumulo ang kanyang mga luha. He didn't deserve this.

Umiling ako habang isa-isang pinupunasan ang kanyang mga luha na patuloy na bumabalong sa kanyang pisngi.

"Nothing can fix me .. I am too broke that even I, I don't know how am I gonna fix my self. You would call me crazy if you do .."

Ano pa nga bang magandang itawag sa akin kundi isang 'baliw' .. Tama .. isa akong baliw para magmahal ng isang taong nakilala ko lang sa isang panaginip.

Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng aking mga luha sa muling pagbalong ng mga alaalang nangyari kanina.

Ang tanga ko kasi! Bakit nagawa ko siyang talikuran nang ganun na lang? Ano ba 'tong nagawa ko?!

Isang mahinang katok ang pumutol sa aking kadramahan. Mabilis kong pinahid ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi at saka inayos ang sarili bago binuksan ang pinto.

"Ma, may kailangan po ba kayo?" Sa halip na sumagot ay nilagpasan lang ako nito at umupo sa gilid ng aking kama. "Malalim na ang gabi, bakit hindi pa rin kayo natutulog?" Sumunod ako dito at umupo din sa kanyang tabi.

"Hindi ako makatulog, eh. Ikaw, bakit gising ka pa?"  Tumingin ito sa akin at hinawakan ang aking kamay.

Umiling ako habang nanatiling nakatitig sa kanyang mukha.

"Nitong mga nakaraang araw, parang ang lalim ng iniisip mo, may problema ba?"

Marahan nitong pinisil ang aking kamay na para bang sinasabi niyang handa siyang makinig sa akin.

"I ruined everything .." Tumingin ako sa unahan at pinagmasdan ang sarili sa salaming nakaharap sa aking kama.

Muling namuo ang aking mga traydor na luha hanggang sa hindi ko na napigilan nang sunod-sunod itong bumalong sa aking pisngi.

"Ma, I .. I ruined everything! Hindi ko na alam ang gagawin ko .." humagulhol ako habang sapo ang aking mukhang tigib sa luha.

Sobrang bigat ng aking pakiramdam, parang sasabog ang aking dibdib dahil sa hindi maipaliwanag na damdamin.

'Why do I feel like I'm looking for something .. or someone? I felt .. empty.'

"Nag-propose na po sa akin si Joaquin kanina. I turned him down." Mahina kong sabi sa aking ina sa pagitan ng aking pagsinghot. Tahimik lang ito habang matamang nakikinig sa aking mga sinasabi.

Ilang sandali akong tumahimik at kinalma ang sarili. Huminga ako ng malalim at pinahid ang mga luha sa aking pisngi.

"Anak .. alam kong meron kang dahilan kung bakit mo iyon ginawa. Ang mahalaga naging totoo ka sa nararamdaman mo. At alam kong maiintindihan iyon ni Joaquin." Hinawakan ni Mama ang aking mukha at iniharap sa kanya.

Marahan niyang pinawi ang aking mga luhang wala pa ring tigil sa pagbalong.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo, kung ano man ang iyong dahilan, alam kong makakabuti yun sa'yo .." ngumiti sa akin si Mama pagkasabi niyon.

I feel so lucky to have her. Pero bakit ganun? Bakit mabigat pa rin ang aking kalooban? I'm not sure if what I did is right .. I don't know anymore.

"Ma .. paano kung-" I looked straight in her eyes. "Paano kung mali ako? Paano kung .. naging s-selfish ako?" And for the nth time I cried again.

Hinapit ako ni Mama at niyakap ng mahigpit habang hinahaplos ang aking buhok. She is slowly patting my back which calms my trembling body.

"No one can give exact explanation of what will happen next, that's why they said we should live through our heart's desire .." lalong lumakas ang aking hagulhol dahil  sa sinabi ni Mama.  "Sshhh! It's ok. It's ok .." Alo sa akin ni Mama.

"M-Ma .. ka..si.." hindi ko maituloy ang aking sinasabi dahil sa aking pag-iyak na hindi ko pa rin mapigilan. "Ang .. galing .. niyo kasi .. mag-English."  Sa kabila ng putol-putol kong pagsasalita humagalpak ng tawa si Mama dahil sa aking sinabi.

"Tahan na, ok? Pero love pa rin kita kahit iyakin ka!" Sabay kaming nagtawanan ni Mama pagkatapos nun.

Para kaming baliw na umiiyak at tumatawa sa kalaliman ng gabi. Mabuti na lang hindi ngigising sina Papa at Dylan dahil sa aming kadramahan.

Ilang sandali makaraang lumabas si Mama, magaan kong ipinikit ang aking mga mata.

I'm not sure of what will happen next, what's certain is I'll do everything to get you.

'Just wait a bit, Samuel. Even if I'm not that someone you want to be by your side, I can't drove away the ghost of my dreams but to embrace it ..'

Since you can't fade away like diamonds, I'll make you dream of me .. then we could dream of us .. together.

Wake Me UpWhere stories live. Discover now