Little angel

49 24 4
                                    

Samuel envelopes me into his arm while watching the peaceful lake surrounded by wild flowers and giant trees.
We are sitting under the shade of acacia tree and being serenade by the sweet chirp of birds.

Marahang dumampi ang kanyang labi sa aking sentido at sinamyo ang aking buhok na malayang nililipad ng hangin.

Ipinikit ko ang aking mga mata at ninamnam ang bawat sandali.

Muling dumampi ang kanyang labi sa aking pisngi.

"You are too precious to lose. But you've suffered enough, I'll make sure that won't happen again ..." I can feel his breath near sending different sensation within me.

He is brushing my hair like an expert while planting a soft kiss.

If this is a dream I'd rather sleep forever ...

'Samuel ... Samuel .. d-don't leave me.'

"Anak .. Dionne ..!" Nagmulat ako ng aking mata nang marinig ko ang boses ng aking ina. "Nananaginip ka. Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong ng aking ina.

I've dreamed that very same dream again ...

Inilinga ko ang aking mata at nakita ko ang aking pamilya na pawang nag-aalalang nakatingin sa akin.

Kuya Danny is squeezing my hand as if he's trying to comfort me. Kung nandito lang sana si Samuel ...

Bumukas ang pinto at pumasok si Ate Lorielle na karga ang isang sanggol.

"Your Baby Emmanuel is here! He's so cute!" Lumapit sa akin si Ate Lorielle at ipinatong ang baby sa ibabaw ng aking tiyan.

May init na humaplos sa aking dibdib nang bahagya itong gumalaw. Agad namuo ang aking luha dahil sa tuwa at hindi maipaliwanag na lungkot sa aking dibdib.

"Pogi naman ng aking apo. Mana sa Lolo!" Nagtawanan kaming lahat dahil sa tinuran ng aking ama.

Dahan-dahan ko itong inihiga sa aking gilid at saka matamang pinagmasdan.

'You really look like .. him.'

Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot .. ang mga mata niya, ang ilong .. I can see Samuel so much on him.

'Paano ko siya makakalimutan kung ganitong parang pinagbiyak sila ng kanyang ama?'

"Anak, kumain ka muna. May dalang sinigang ang tatay mo." Tinulungan ako ni Mama na makabangon.

"Ma, tutuloy na ako. May pasok pa ako sa trabaho. Babalik na lang ulit ako mamaya." Paalam ni Kuya Danny. "Magpalakas ka, kapatid. Your Ate will check on you." Marahan nitong dinampian ng halik ang aking ulo at bahagyang tinapik ang natutulog na sanggol sa aking tabi.

"Dylan, sumabay ka na sa kuya mo paglabas. Kami na ang bahala dito ng tatay mo." Tumango ito at sumunod nang lumabas kay Kuya Danny.

Nagpasya muna akong umidlip nang matapos akong kumain. Natutulog pa rin ang munting anghel sa aking tabi.

'Alam kong malaking pagsubok sa akin lahat 'to. Pero kakayanin ko para sa'yo, anak ..'

Wake Me UpWhere stories live. Discover now