What is love?

58 32 11
                                        

"SAMUEL! Samuel! Natunton na tayo ng mga parak!" Isang lagabag sa pinto ang gumising sa aking natutulog na diwa.

Wala na si Samuel sa aking tabi nang magmulat ako ng aking mata. Tanging likod lang nito ang naabutan ko habang nagmamadaling lumabas.

Nagmamadali akong tumayo at nagbihis ng damit. Naririnig ko ang ingay at nagkakagulong mga tao sa labas.

Naabutan kong nag-uusap ang grupo sa pangunguna ni Ka Igno.

"Wala na tayong oras. Kailangan nating maghiwa-hiwalay. Mauro, ang mga bata, dumaan kayo sa turil. Lucio, sumama na kayo sa kanila." Labis-labis ang kaba sa aking dibdib habang pinagmamasdan silang nagkakagulo.

Hindi ko alam kung paano ako magre-react sa nangyayari. Nangangatog ang aking mga tuhod kasabay ng lungkot na sumasagi sa aking dibdib.

'Dumating na ang aking kinatatakutan ...'

"Gagawa kami ng paraan para iligaw ang mga pulis ... Samuel, ikaw na ang bahala kay Felisa at sa mga babae." Utos pa rin ni Ka Igno.

Tumango si Samuel at sumulyap sa akin nang makita akong nakatayo sa hamba ng pinto.

Halu-halong emosyon ang nakabalatay sa kanyang mukha. Ngunit hindi makapagsisinungaling ang mata ... I can see so much sadness in his eyes.

Lumingon din si Ka Igno sa akin.

" Ka Igno, paano 'yan? Anong gagawin natin?" Usisa ni Miguelito na ako ang tinutukoy.

"Ka Igno, bilisan niyo na! Papaakyat na sila!" Naputol ang pag-uusap ng grupo sa pagdating ng isang lalaki na may dalang baril.

Puno ito ng galos sa buong katawan.

"Lucio, Mauro, kumilos na kayo! Bilis!" Nagmamadali na silang tumayo kasama ng mga bata na bakas din ang takot sa mga mukha.

"Samuel,-" Naputol ang sasabihin ni Ka Igno nang isang putok ang pumailanlang sa katahimikan ng gabi.
Nagsigawan ang mga bata na noo'y nagsisimula nang tumakas.

Nanginig ang aking katawan at napaupo na lang habang nakatakip ang dalawang kamay sa tainga.

Naramdaman ko ang paglapit ni Samuel at agad akong niyakap at itinayo.

"Andiyan na sila bilisan niyo! Tumakas na kayo, Samuel!" Hindi ko malaman kung saan ko dadalhin ang aking katawan ng isang putok na naman ang gumuhit sa kawalan.

Napasigaw ako sa sobrang takot. Lalong humigpit ang kapit sa akin ni Samuel.

Nagsimula nang tumakas ang lahat ngunit naiwan si Ka Igno at tatlong lalaki kasama namin.

"Samuel ..." Untag ni Ka Igno. "Sumunod na kayo kina Mauro. Kami na ang bahala dito." Tumingin sa akin si Ka Igno. Ngunit wala akong mabasa sa kanyang ekspresyon. Blangko iyon na nakatingin sa akin.

Tumingin ako kay Samuel at bumitaw mula sa kanyang pagkakakapit.

"Samuel ... Iwan mo na a-ako. Hindi nila kayo titigilan kung isasama niyo pa ako. Lalo nila kayong pag-iinitan .." Kahit ayoko at labag sa aking kalooban kailangan kong gawin ito para sa ikabubuti ng lahat.

Lumingon ako kay Ka Igno at tumango ito na wari'y sumasang-ayon sa aking gusto.

"Hindi pwede ... Isasama kita!" Matigas na sabi ni Samuel. I saw the glint of sadness and confusion in his eyes. He held my hand tightly and force me to come with him. But I refused.

"No, S-Samuel ... Mas mapapahamak kayo kung isasama niyo pa ako. Just leave me ... I will be fine. Go ... now!" I turned my back and immediately went inside the house.

Sunod-sunod ang patak ng aking luha sa bawat hakbang ng aking mga paa. Mas masakit pa yata ito sa kaisipang may sakit akong kanser.

I closed the door and wearily sit onto my feet hugging both of my knees. I can feel my heart throbbing into so much pain while my sobs gone louder and louder.

Narinig ko pa ang madiing pagprotesta ni Samuel nang sapilitan itong isama ni Ka Igno.

"Samuel, wala na tayong oras! Umalis na tayo!" Unti-unting lumapit ang tunog ng mga putok na aking naririnig kaya't tuluyan nang lumisan ang grupo nina Ka Igno.

Alam kong pagsisihan ko ang aking naging desisyon, pero mas nanaisin kong masaktan kaysa ipahamak ang buhay nila.

So, it's true. Love is sacrifice ...

Wake Me UpWhere stories live. Discover now