Beginning again

45 18 0
                                        

I don't know when and how my heart started beating this fast upon looking at you .. inches apart.

I'm not sure if this is really the first time I saw you .. 'cause my heart beats like an old song. It brings back thousands of memories.

"I'm sorry?" His eyes is directly looking at me as if I spilled a very much surprising thing. He curled his eyebrows and didn't quit staring with my anxious face.

Uh-oh .. I think I got it all wrong.

"Wala. I just thought I'd met you somewhere." Pakiramdam ko namumula na ang mukha ko dahil sa kahihiyan.

Ilang sandaling naghinang ang aming mga mata. Nahihintay kung sino ang unang magsasalita. But Samuel cut the silence with his chuckle together with his scrutinising eyes.

"Don't worry. Marami nang nagsabi sa akin niyan, hindi ka nag-iisa." And with a wink he turned his back then left as my body  froze with my mouth widely open.

'Was he thinking that  I was flirting with him?! What a proud man!'

Hindi ko maigalaw ang aking mga paa sa aking kinatatayuan dahil sa sobrang inis.

Napakayabang!

Nanatili akong nakatayo hanggang sa nawala na ito sa aking paningin.

Nagpupuyos pa rin ang aking kalooban dahil sa nangyari nang biglang nagkagulo ang mga tao. May ilang tumatakbo palayo sa isang tindahan.

"May nag-aaway!" Narinig kong sigaw ng isang matandang babae.

Mabilis na nagkumpulan ang mga tao. Ang ilan ay tumatakbo papalayo habang may ilang lumapit para makiusyoso.

"Tumawag kayo ng pulis! Mga rebelde!"

Akma akong lalapit sa mga taong nagkukumpulan ngunit agad akong napatigil nang marinig ko ang sinabi ng isang lalaking mabilis na tumakbo papalayo.

'Rebelde?'

Sa halip na tumakbo papalayo ay sumali ako sa grupo ng mga taong nakikiusyoso. Gusto kong malaman kung totoo nga silang rebelde.

Sumiksik ako sa mga tao hanggang sa makarating ako sa bandang unahan. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa aking nakita.

Isang lalaki ang nakatayo at pinapagitnaan  ng limang lalaki. Mukhang mga tulisan na hindi gumagawa ng matino ang limang lalaking matapang na umaamba ng away sa nag-iisang lalaking nakatayo at tila handa ring makipag-basag ulo.

'Anong ginagawa ng mayabang na 'to dito? Nasisiraan na ba siya ng bait at balak pa niyang patulan ang limang pangit na 'to?'

Napakayabang talaga!

"Awatin niyo na!" Sigaw ng isang babae sa aking tabi.

Ngunit walang natinag kahit isa sa mga taong tila nagmimiron ng manok na nagsasabong.

"Kung hindi  ka nakialam hindi sana mabubulabog ang buhay mo!" Nagsalita ang isang lalaki na balbas sarado ang mukha habang dinuduro ang kawawang lalaking kanilang pinalilibutan.

"Alam mo ba kung ano ang ginagawa namin sa mga pakialamero? Sa mga 'piling' bayani? Dagdag na tanong ng isang pang lalaking mistulang higante ang katawan.

Unti-unti itong lumapit sa lalaking nasa gitna habang nakatago ang dalawang kamay sa bulsa ng sira-sirang pantalon.

Lumingon pa ito sa ibang kasamahan bago sumenyas ng isang marahas na guhit sa leeg.

Kinuwelyuhan niya ang lalaki nang makalapit dito. Dahil sa laki ng kanyang katawan ay walang hirap niyang naiangat ang lalaki.

Nangunyapit ang lalaki sa dalawang malalaking braso ng higanteng tila kontrabida sa pelikula.

Napapikit ako nang sumagi sa aking isip ang imahe ni Samuel. Naghatid ito ng hindi maipaliwag na damdamin sa aking dibdib.

Gusto kong pumagitna at pigilan ang limang pangit na lalaki pero hindi ko alam kung paano.

Hindi na ito isang panaginip. Anumang gawin kong desisyon ngayon ay siguradong direktang makakaapekto sa akin. Ngunit kung hahayaan ko lang na saktan nila ang kawawang lalaking ito na tila may malaking puwang na sa aking puso sa maikling panahon ng aming pagkikita, baka pagsisihan ko pa.

Alam kong hindi ko kayang hayaan na lang ang mga pangit na 'to sa kanilang kapangitan.

I must do something!

"Samuel!" Nahinto ang higanteng lalaki sa tangka nitong pagsuntok kay Samuel, or whoever he is, dahil sa aking sigaw. "How dare you! Napakarami na nating problema sa bahay tapos makikita pa kitang nakikipagbasag -ulo dito? Wala ka na bang maibibigay sa aking mabuti kundi sama ng loob?"

Tila nahinto sa pag-ikot ang mundo dahil sa mga katagang lumabas sa aking bibig. Wala na akong ibang maisip na paraan para pigilan sila kundi ang kasinungalingang ito. For sure I will win the best actress if I got this on tv.

Tulalang nakatingin sa akin ang lalaking sumira sa aking pantasya. Bakit ko nga ba tinutulungan ang mayabang na 'to?

"After cheating on me .. leaving our child starving .. and here starting a fight .. hindi ka pa ba nagsasawang saktan ako ng paulit-ulit? I'm tired, Samuel! I'm tired with you ... Pagod na pagod na akong  intindihin ka!" Tears started rolling on cue. Just like a broken wife on tv, I stepped towards him.  I reach for his collar as I  came near him, I slowly punch his chest while crying terribly.

Umingay ang paligid dahil sa mga bulungan ng mga tao. Maging ang limang pangit ay tigagal sa kanilang nasaksihan.

"Pulis! Walang kikilos!" Isang malakas na pito ng mga pulis ang nagpahinto sa aking mala-soap operang drama.

At bago pa makalapit ang mga pulis ay mabilis nang nagpulasan ang mga rebeldeng lalaki.

Nagkakagulo na ang mga tao pero nanatili lang kaming dalawa na nakatayo at parehong naninimbang ng mga titig.

My knees are slowly shaking, not because of fear, but because of the weight of his stare drawing unexplainable feelings inside me.

"You've save me .."

Wake Me UpWhere stories live. Discover now