I'm doubting my self if I can make it. I'm new with all of this, and I have to admit that I am scared of being judge by other people.I am afraid for the new chapter of my life. Hindi ko alam kung anong mali o kasalanan ang nagawa ko in my previous life at pinahihirapan ako ngayon.
Ilang araw pagkalabas ko sa ospital nanatili lang ako sa loob ng bahay. Nagpapasalamat naman ako sa aking pamilya dahil hindi nila pinararamdam na nag-iisa ako.
They are always there supporting me and giving me strenght. Though I know I'm being a burden to them, they never let me feel like one.
"Anak ... Dionne? Nakikinig ka ba?" Tawag ni Mama. Tumingin ako sa kanya nang muli niya akong tawagin.
"Sorry, 'Ma. May sinasabi ka ba?" Tanong ko. Hindi ko alam na nakatulala ako habang nagsasalita si Mama.
"Sabi ko, may check up ka bukas. Alas-diyes ..." Ulit ni Mama habang pinupulot ang ilang damit na nakakalat sa aking kwarto.
"Dionne Callie Flamencio, ayan lang ang lagayan mo ng maruming damit, tatlong hakbang lang, hindi mo pa mailagay ng maayos ang mga ito." Sermon ni Mama sa akin. Sa ilang buwan kong pagbubuntis pabigat ng pabigat ang aking nararamdaman.
Tinatamad akong kumilos. Kahit kagigising ko lang sa umaga parang gusto ko na ulit humiga.
Palibhasa malapit na ang aking kabuwanan kaya hindi na ako makakilos ng maayos.
"Anak, kailangan mong kumilos nang kumilos para mabilis kang manganak." Sermon ulit ni Mama. Iyon din ang payo sa akin ng doktor nung huli kong check up.
"Sige na, 'Ma. Ako na ang bahala dito." Sabi ko na inaagaw ang hawak nitong damit.
Itinulak ko na ito palabas at agad na isinarado ang pinto. Sinuyod ko ng tingin ang aking kwarto.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang kapatid kong lalaki.
"Kaya pala umagang-umaga nagsesermon si Mama. Tambakan ba itong kwarto mo?" Asar sa akin ni Kuya Danny.
Lumapit ito sa akin at may ibinigay sa aking box na maliit.
"Ito ang vitamins mo. Inumin mo daw ito tuwing gabi bilin ng Ate Lorielle mo." Bilin ni Kuya Danny. Siya ang aming panganay, sunod ako. Tatlo lang kaming magkakapatid at ako lang ang babae.
Siya pa lang ang may asawa sa amin. Si Ate Lorielle ang asawa niya at isang nars.
"Hindi ba pupunta si Ate Lors?" Tanong ko habang itinatabi ang gamot sa maliit na kahon.
"Baka daw bukas. Pang-umaga kasi siya ngayon. Pinakukumusta ka lang sa akin." Hinawakan nito ang aking tiyan at marahang hinimas. "Hi, baby boy! How are you?" Tuwang-tuwa nitong kinausap ang aking bilog na bilog na tiyan habang marahan itong dinadama.
"Malapit na po akong lumabas, Tito Ninong!" I said with so much joy.
"May naisip ka na bang pangalan? Kung wala pa, pwedeng Daniel. Gwapo kasi kapag nagsisimula sa 'D' ang pangalan ... parang ako." Biro nito.
"Ang kapal ... Hindi ko nga alam kung anong nakita sa'yo ni Ate at pinatulan ka .." Inirapan ko pa ito at marahang hinampas sa balikat.
Sabay kaming nagtawanan matapos ang aming biruan.
I can feel the excitement growing inside my chest. Any moment from now makikita ko na ang aking anak. Ang anak namin ni ... Samuel.
'Samuel .. kung andito ka lang sana ... Sigurado akong wala ring pagsidlan ang iyong saya.'
Umupo ako sa gilid ng kama ng makadama ako ng pangangalay. Sumunod sa akin si Kuya at tumalungko sa aking harapan.
"Oo nga pala, narinig ko ... umalis na si Joaquin papuntang Singapore, alam mo ba?" Tanong sa akin ni Kuya.
Sumulyap ito sa akin at muling itinuon ang paningin sa aking tiyan nang tumango ako.
"Dinalaw niya ako bago siya umalis .." Tugon ko.
"Ah, mabuti naman kung ganun .." Tumayo na ito at inayos ang pantalon na bahagyang tumaas. "Kumain ka na ba? May dala akong mamon, baka nagugutom ka ..?" Sumunod ako sa kanya nang lumabas ito.
Kinuha ko ang inabot nitong plastic at saka ito nilantakan. Pumunta ako sa sala at binuksan ang tv.
"Aalis na ako. May pupuntahan pa ako." Paalam nito. "Ma, aalis na ako!"
Lumabas si Mama buhat sa kusina. May hawak itong pitsel na may lamang juice.
"Sige. Mag-iingat ka ...-" Naputol ang iba pang sasabihin ni Mama nang marinig ang sinasabi ng reporter sa tv.
"Army Spokeperson Lieutenant Colonel Radmon Zabala released an statement about the communist rebels who surrendered during the operation in Quezon. According to him, five rebels had surrendered together with their firearms. Three of them are said minors ..."
The news continued but my attention is fixed on the photo of a woman flashed on the screen.
'Aling Felisa ..'

YOU ARE READING
Wake Me Up
RomanceDionne has finally freed her self from her nerve-racking training in BFP training camp. She decided to have a vacation on her home town. She has so much plan for her future. But a tragic accidents happened. New People's Army (NPA) attacked the bus...