Pregnant

51 26 6
                                    


A month later ...

"Doc, kumusta po ang aking anak? Bakit po ba siya laging nahihilo at nagsusuka?" Tanong ng aking ina.

Andito kami sa provincial hospital. Pinilit ako ng aking ina na magpatingin na sa doktor dahil ilang araw na akong nagsusuka at nahihilo.

May kutob ako kung bakit pero ayokong isipin na tama ang hinala ko. Isipin ko pa lang ay para na akong mamamatay.

Nakaupo ako sa harap ng lamesa habang matama ng nakatingin sa babaeng doktor at naghihintay ng sagot. Pinagsalikop ko ang aking mga kamay upang maibsan ang panginginig.

"Congrats, Ms. Flamencio! Buntis ka!"  Masayang tugon ni Doc.

"B-buntis po ang anak ko? Sigurado po ba kayo?" Tanong ng aking ina na halatang gulat na gulat sa narinig

"Yes, she is two weeks pregnant, so you should take extra care of your body." Tugon ng doktor na noo'y sa akin nakatingin. "Iwasan mong ma-stress dahil masyadong mahina ang iyong katawan..." Marami pang sinabi ang doktor ngunit tuliro na àng isip ko at halos hindi ko na maunawaan ang iba niyang sinabi dahil sa labis na pagkagulat.

"Sige po, Doc. Maraming salamat po." Tumayo na ang aking ina matapis magpaalam.

Habang tanging tango lang ang aking nagawa dahil hindi ko pa rin magawang makapagsalita dahil sa gulat at pagkalito.

Anong gagawin ko? Buntis ako at si ... Samuel ... paano ko sasabihin sa pamilya ko na siya ang ama?

"Anak, tara na ... Bumili muna tayo na iyong gamot bago tato umuwi." Aya ng aking ina na pumutol sa aking mga iniisip.

Hindi ko magawang tumingin dito. Alam kong naghihintay lang siya na magsalita ako, ngunit hindi ko alam kung paano sisimulan.

Hinawakan ng aking ina ang aking kamay ng akma akong matutumba.

"Ayos ka lang ba? Nahihilo ka?" Inalalayan niya akong makaupo sa bench na aming nadaanan. " Ako na lang ang bibili ng iyong gamot. Intayin mo na lang ako dito, okay?" Umalis na ito at iniwan akong nakaupo.

Matatanggap ba nila kapag nalaman nilang si Samuel ang ama ng aking dinadala?

They've heard the news about my confession on the last interview. Maybe my mother already has a hunch, and she's only waiting for me to admit it.

'Samuel ... Asan ka na?'

"Samuel?" Totoo ba itong nakikita ko?

Tumayo ako sa aking pagkakaupo at agad nilapitan ang lalaking nakatayo malapit sa pinto ng ospital. Naka-sumbrero ito, may jacket na nakasampay sa balikat at naka-pantalong maong.

Nang papalapit na ako'y bigla itong tumalikod at nagmamadaling pumara ng jeep habang abalang nakatingin sa hawak niyang cellphone.

"Samuel ...!" Tawag ko.

Ngunit umalis na ang jeep at hindi ko na magawang habulin dahil nanghihina na ang aking tuhod. Nanginginig ang aking katawan at parang umiikot ang aking paligid dahil sa matinding hilo.

"Yung ale  hinimatay! Tulungan niyo!" Dinig kong sigaw ng mga tao.

"May hinimatay!"

Nakita ko pang nagkumpulan ang mga tao malapit sa akin bago ako tuluyang nawalan ng malay.

Wake Me UpWhere stories live. Discover now