"I have cancer ... ovarian cancer. My doctor told me that I only have at least 5 years to live ..." Nanatili silang tahimik at parang hindi makapaniwala sa aking sinabi.
Ibinaling ko ang aking tingin sa labas. Hindi ko na alam kung saan patungo ang daan na aming binabagtas.
Lubak-lubak ang kalsada at masukal ang tabing daan na napapayungan ng mga naglalakihang puno ng acacia at camachile.
"That's why I didn't mind sacrificing my self. I already consider myself as dead."
Tahimik pa rin. Lumingon sa akin ang lalaki sa unahan, tinitiyak kung seryoso ako sa aking sinasabi. Pinantayan ko ang kanyang titig hanggang siya na ang kusang nag-iwas ng tingin.Hindi ko alam kung magagawa ko silang paniwalain sa aking mga sinasabi. Ang alam ko lang kailangan kong gawin ito para isalba ang aking buhay. To buy some time ..
I don't know when and how am I gonna get out of here, so I need to be more clever. To spare my life .. To save my beautiful body .. wala pang nakakahawak dito, sayang naman!
"Andito na tayo. Bilisan niyo, doon kayo dumaan sa batis. Ako na ang bahalang bumaybay sa turil." Utos ng kanilang pinaka-lider.
Agad silang nagbabaan at kinuha ang mga gamit na parang mga armas ang laman.
"Ka Mauro, didispatsahin na ba natin 'to? Baka matunton tayo ng mga parak 'pag isinama pa natin!"
Kinabahan ako. Hindi pwede! Sablay yata ang aking plano ... Bakit kasi yun pa ang naisip ko!
Matagal bago nakasagot ang lalaki na parang pinaka-lider nila.
'Hell, no!'
Nagpapanic na ang aking isipan at walang maisip na panibagong kwento. Should I weave another lie? Paano kung sabihin kong anak ako ng presidente?
Pfft! Presidente ng ano?
Nagagawa ko pa talagang mag-biro sa ganitong sitwasyon .. My ghadd, Dionne!
Muli akong pinasadahan ng tingin ng kanilang pinaka-lider. Tumingin din ako dito at nagkunwang nagmamakaawa.
Bahagyang kumislot ang mistulang matigas nitong mukha. Mataas ito at medyo malaki ang katawan. Maitim at may kahabaan ang buhok. Halatang bilad sa araw dahil halos sunog na ang kulay nito.
"Huwag. Nagmamadali tayo ... Dalhin niyo muna sa kampo. Bilisan niyo!"
Tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang marinig ang sinabi nito.
Nahati ang grupo sa dalawa. Sinimulan na naming baybayin ang masukal na daan, paakyat iyon at medyo mabato.
Ilang oras na kaming naglalakad. Masakit na ang aking paa kaya sumandig muna ako sa batong naroon.
May kalayuan na ang tatlo naming kasabay kaya naiwan kami ng lalaki na siyang may hawak sa akin.
"Pwede ba tayong magpahinga kahit saglit? Masakit na ang aking paa, eh."
Sanay ako sa mahabang lakaran dahil parte iyon ng training namin. Pero kailangan kong magpanggap na mahina para sa aking plano ...
"Hindi pwede. Kailangan kong magmadali. Tara na!"
Hinila niya ako sa braso kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod. Katulad kanina seryoso pa rin ito at tahimik.
Akma akong hahakbang nang matisod ang aking kanang paa sa nakausling tuod. Nawalan ako ng balanse kaya't naging mabuway ang aking katawan at muntik ng matumba, ngunit agad akong nasalo ng lalaki sa aking likuran.
Dumapo ang kanyang matigas at tila bakal na kamay sa aking beywang habang ang aking kamay ay mahigpit na nakakapit sa kanyang braso. Matagal na naghinang ang aming mga mata bago ko siya mariing itinulak.
'Bakit parang kumportable ako sa kanyang mga hawak? Nababaliw na yata ako!'

YOU ARE READING
Wake Me Up
RomanceDionne has finally freed her self from her nerve-racking training in BFP training camp. She decided to have a vacation on her home town. She has so much plan for her future. But a tragic accidents happened. New People's Army (NPA) attacked the bus...