"Miss Flamencio!" Naglalakad ako papasok sa gate ng aming building. I heard Philip called my name. I stopped for a moment to face him.
"Hi, good morning!" I greeted him with a smile on my face. He smiled back as he paced my steps.
"Bakit pakiramdam ko matagal tayong hindi nagkita?" We both laughed on what he said.
"Siguro kasi hindi tayo magkasabay umuwi kahapon .." natatawa kong tugon dito.
"Siguro nga." We are both laughing as we approach the nearly opened door. But Captain De Madrid suddenly came out of the door. Nawala ang ngiting nakapagkit sa aking mga labi nang makita ko ang mukha nitong seryosong nakatingin sa amin ni Philip.
"Boss, magandang umaga! Kanina ka pa?" Puno ng siglang bati dito ni Philip. Bumati din ako sa kabila ng mabilis na pagsikdo ng aking dibdib.
"Good morning, Sir!" Mahina at halos maputol ang aking paghinga nang isatinig ko iyon. Hindi ko alam kung bakit para akong mamamatay sa kaba nang mapagmasdan ko ang blangko nitong mukha.
Marahan lang itong tumango sa amin ni Philip at pagkuwa'y nilagpasan na kami.
Nagkatinginan kami ni Philip na wari'y pareho ang aming iniisip ngunit nagkibit-balikat lang ako at saka umuna nang pumasok sa loob.
Dumiretso ako sa aking mesa at inilapag ang aking gamit. Binuhay ko ang laptop at tiningnan kung may dumating na email mula kay BC. Nang makitang wala pa itong ipinapadalang email ay tumayo na ako at hinayaang buhay ang laptop.
Tumuloy ako sa pantry para magtimpla ng kape. Hindi talaga ako makapagsimula ng trabaho ng walang kape. Nakakaadik yung amoy. Parang nawawala yung stress at pagod kapag nalalanghap ko ang mabangong aroma ng kape.
Naglagay ako ng kalahating kutsara ng purong kape saka dinagdagan ng dalawang kutsara ng coffee creamer. Ayoko ng matamis na kape kaya konti lang ang nilagay kong asukal.
Kumalat sa buong kwarto ang amoy ng kape nang lagyan ko iyon ng mainit na tubig. Parang napawi ang lahat ng kabang nararamdaman ko simula pa nang magising ako kanina umaga. Inilapit ko ang tasa sa aking ilong at masuyong nilanghap ang bango niyon. Nakapikit ang aking mga mata habang bahagyang nakangiti at ninanamnam ang halimuyak ng tinimplang kape. Nasa ganoon akong estado nang pumasok si Captain De Madrid.
Mabilis akong umayos ng tayo at anyong lalakad ngunit hindi ko naituloy dahil mabilis na nakalapit sa aking pwesto si Captain De Madrid. Nakatayo ako sa kaliwang bahagi ng water despencer habang ito nama'y lumapit sa kanang bahagi at kumuha ng malamig na tubig.
Hindi ako makalampas dahil nahaharangan ng malaking bulto ng katawan nito ang maliit na espasyo ng daan papunta sa coffee table. Maliit lang ang space sa loob ng pantry ngunit pakiramdam ko'y mas lumiit iyon sa pagpasok ni Captain De Madrid. Pigil ang aking paghinga habang hinihintay itong makakuha ng tubig.
Gusto ko man siyang alukin ng kape ay agad kong pinigilan ang aking sarili. I don't want him to think that I'm flirting with him .. again!
"Miss Flamencio, proceed to my table after that." Halos mapaiktad ako nang bigla itong magsalita. Iyon lang ang sinabi nito at nagmamadali nang umalis. Ang halimuyak ng kanyang pabango ang tanging naiwan sa akin.
Saka ko lang naalalang huminga nang mawala na ito sa aking paningin. Kanina pa ba ako hindi humihinga? Bakit ba lagi akong kinakabahan sa tuwing lumalapit siya? Pero mukhang balewala lang naman ako sa kanya. Ni hindi nga man lang niya ako magawang tingnan.
Hanggang kailan ba ako aasang ikaw nga ang reyalidad ng aking panaginip?
Hanggang saan kaya ako dadalhin ng pantasya ko sa'yo?
![](https://img.wattpad.com/cover/215488412-288-k517699.jpg)
YOU ARE READING
Wake Me Up
RomanceDionne has finally freed her self from her nerve-racking training in BFP training camp. She decided to have a vacation on her home town. She has so much plan for her future. But a tragic accidents happened. New People's Army (NPA) attacked the bus...