" ... I knew back then, from the moment I saw you sitting on that bus, you caught my heart. I'd got crazy seeing you sacrificing your self. I said to myself, I need to protect you no matter what. And that's when I got lost with you .." Walang humpay sa pag-agos ang aking mga luha habang isa-isa kong binubuksan ang recorded messages sa akin ni Samuel.
Ito lang ang tanging nagpapalakas sa akin habang hinihintay siyang magkamalay. Dahil sa mga sinabi niya bigla akong nabuhayan ng loob. Hindi ako nagsasawang ulit-uliting pakinggan ang mga iyon. Kahit yata araw-arawin ko pa ... hearing those words warmth my heart.
"It was hard for me to leave .. I knew that you were scared, that's why I came back. But you were not there anymore. Then I got scared .. Hindi ko alam kung saan kita hahanapin. Maybe we are meant to be that I've found you again but fate forbid us to see each other .. so I need to sacrifice .. for your safety .. and for our baby." Hanggang sa nakatulog na ako ito pa rin ang aking pinakikinggan. It seems a lullaby which rock me to sleep.
"Samuel .. gumising ka na pakiusap."
It's been three days and he's still not giving a sign waking up. Ilang araw na din akong pabalik-balik sa ospital para bantayan at alagaan siya.
Hindi ako mapakali sa bahay. Gusto kong parati siyang nakikita. Para bang hindi ako napapagod kahit ilang araw na akong walang maayos na pahinga.
"Ma'am Deniece, umuwi na po kayo. Kailangan niyo din pong magpahinga .." andito ako ngayon sa ospital. Naabutan ako ni Edmond na nakatalungko sa gilid ng kama ni Samuel.
"No .. I'm fine. Walang magbabantay sa kanya." I said with a low voice.
"Huwag po kayong mag-alala babantayan ko po si Boss. Tatawagan ko na lang po kayo kapag nagising si Boss Sawyl. " Tumawa siya ng bahagya sabay kamot sa ulo. "Baka po kasi pagalitan ako ni Boss kapag nalaman niyang pinababayaan ko kayo .."
Tumingin ako dito at bahagyang ngumiti. "Sige, uuwi muna ako. Pero babalik ulit ako mamaya. " Tumayo na ako at itinaas ang kumot hanggang sa dibdib ni Samuel bago tumalikod. Kinuha ko ang aking bag at saka nagbilin kay Edmond. "Ikaw na muna ang bahala kay Samuel. Huwag mo siyang iiwanan .." umalis na ako pagkasabi niyon.
Nakalimutan kong may anak nga pala ako. Mabuti na lang naiintindihan ako ng aking ina. Ito ang nag-aalaga sa aking anak sa mga oras na nagbabantay ako kay Samuel.
Nakiusap din ako sa aking trabaho na pansamantala akong hindi papasok para mabantayan si Samuel. Bagamat kulang kami sa tao, inintindi na lang nila ang sitwasyon ko.
"Nakauwi ka na pala. Kumusta si Samuel? Hindi pa rin ba nagigising? Tanong sa akin ng aking ina na mabilis lumapit nang makita akong pumasok sa bahay.
Umiling ako at saka nanghihinang umupo sa sofa. Sinundan ako ng aking ina at umupo din sa aking tapat.
"Si Emman po?" Tanong ko.
"Natutulog. Magpahinga ka na din at ilang araw ka ng walang pahinga. Baka ikaw naman ang magkasakit niyan .." Tumango ako at saka tumayo. Dumiretso ako sa kwarto. Nadatnan kong mahimbing na natutulog ang aking anak.
Lumapit ako dito at dahan-dahang hinaplos ang buhok.
'Anak, makikita mo na ang Daddy mo. Malapit na ..' bulong ko dito.
Masuyo kong dinampian ng halik ang ulo nito bago humiga.
Parang may init na humahaplos sa aking dibdib habang iniisip ko ang maaaring reaksyon ni Samuel kapag nakita nito si Emman.
I know he will be a good father to Emman .. Ito ang laman ng aking isip hanggang sa idinuyan ako ng antok.
Pasado alas tres nang ako'y magising sa iyak ni Emman. Agad akong bumangon at ipinaghele ito.
"Na-miss mo ba si Mommy? Don't worry, baby, everything will be ok, soon." Hinagkan ko ito sa noo at saka pinagmasdan ang wala pa ring muwang na bata.
Lumabas ako ng kwarto. Naabutan kong nagluluto ang aking ina sa kusina.
"Pupunta ka ba ulit sa ospital?" Tanong nito nang ako'y lumapit.
Kumuha ako ng tubig at umupo sa harap ng mesa.
"Opo. Wala kasing magbabantay kay Samuel." Tugon ko.
"Hindi pa rin ba siya pinupuntahan ng pamilya niya?" Usisa ng aking ina.
Umupo na din ito sa aking tapat habang nagbabalat ng saging na saba.
"Hindi pa po, eh. Hindi ko nga po alam kung bakit walang dumadalaw sa kanya kahit isang kapamilya. Si Edmond lang ang laging pumupunta dun." Nagtataka din ako dahil ilang araw ng nasa ospital si Samuel pero walang dumadalaw sa kanya.
Isang araw ay tinanong ko si Edmond pero hindi siya nagsalita at binabago ang usapan na wari'y umiiwas sa aking tanong. Hindi ko na lang siya pinipilit sumagot kahit lubha akong nag-aalala.
"Ma, tingnan niyo nasa balita si Presidente! Hinuli daw!" Sigaw ng aking kapatid.
Sabay kaming tumayo ng aking ina at pumunta sa harap ng tv.
Laman nga ito ng balita. Nakapaskil ang larawan nito sa screen ng tv habang nakaposas kasama ng mga pulis. Ayon sa headline dawit ang presidente sa bentahan ng droga sa Pilipinas.
"Naku totoo ba 'to?" Kung nagulat ang aking ina mas nagulat ako. Siya ang ama ni Samuel, paano ako hindi magugulat.
'Ito ba ang dahilan kung bakit hindi siya pumupunta sa ospital?'
"According to our source, President Harrison is one of the biggest drug lord hovering around the world .." the reporter added.
The informations are too much to take. Paano na si Samuel .. kapag nalaman niyang makukulong ang kanyang ama .. o alam na kaya ni Samuel?
'Kailangan kong pumunta sa ospital. Kakausapin ko si Edkon ...'
Matapos magpaalam ay nagmamadali na akong umalis. Pagdating ko sa ospital ay dumiretso na ako sa kwarto ni Samuel. Ngunit malayo pa lamang ay nakita ko na ang mga kalalakihang nakatayo sa harap ng kwarto niya.
Mukhang mga bodyguard ang mga ito dahil sa porma ng katawan nila. Nag-aalangan akong lumapit nang makita kong may baril ang ilan sa mga ito.
Bagamat kinakabahan lakas-loob akong lumapit. May humarang sa aking isang lalaki. Malaking lalaki ito at halos hanggang dibdib lamang ako.
"Ano pong kailangan niyo? Doktor at nars lamang ang pwedeng pumasok dito. Pasensiya na." Seryoso ang mukha nito at parang handang manakit kung ika'y manlalaban.
"Ah, kasi .." hindi ko maituloy ang aking sasabihin dahil sa kaba. "I'm .. I'm his .." Tumingin ito sa akin at parang naghihintay ng sagot.
Pero ano nga bang sasabihin ko? Am I his girlfriend? Or wife? Friend? Relatives?
Sino nga ba ako sa buhay ni Samuel?
"Let her in!"
YOU ARE READING
Wake Me Up
RomanceDionne has finally freed her self from her nerve-racking training in BFP training camp. She decided to have a vacation on her home town. She has so much plan for her future. But a tragic accidents happened. New People's Army (NPA) attacked the bus...