In dismay

40 13 3
                                    

Am I still looking at the same star? Now that your light is slowly fading my heart is seriously weeping.

Nakaharap ako sa aking kompyuter at blangkong nakatingin sa monitor niyon. Walang pumapasok na salita sa aking utak kundi ang naging usapan namin kanina ni Sam- .. Captain De Madrid.

"MISS FLAMENCIO .. maaari ko bang malaman kung anong trabaho mo dito?" Hindi pa rin nagbabago ang itsura nito na lalong nagpalakas ng kabog ng aking dibdib.

Hindi ako makapag-isip ng aking sasabihin at tila naubos ng lahat ang mga bokabularyo sa aking utak at nanatili lang akong nakatitig dito.

Bakit ba kasi kailangan pa niyang  itanong iyon? Hindi pa ba halata?

But .. why do I feel like he's pointing something .. and hell with him because I felt totally dumb with his question.

"Miss Flamencio?" Untag nito sa akin nang hindi pa rin ako sumagot.

"S-Sir .. fire officer? Staff .. aide. Bakit po ba niyo tinatanong, I ..-" He suddenly cut my word with his serious face.

"That's what I'm exactly telling you, Miss Flamencio! Mabuti naman at alam mo kung anong trabaho mo dito .." He stretched his lips but far from smiling. His eyes could tell more, and I can feel the tention growing between us.

I thought he's done with his mockery but another word came out of his mouth and  left my heart with complete anguish.

"I thought you are just here to flirt ..."

"I thought you are just here to flirt ..."

"I thought you are just here to flirt ..."

Ilang sandali na ang nakalipas matapos ang naging mainit na pag-uusap namin ngunit tulala pa rin ako at hindi magawang simulan ang trabaho. Paulit-ulit na sumasayaw sa aking diwa ang kanyang mga salita.

I cupped my face while letting out a loud sigh to keep my tears from falling. Hindi ko akalaing ganun ang tingin niya sa akin. Inaamin kong sobra akong nasaktan sa sinabi niya. Well, sino bang hindi masasaktan sa mga salitang iyon? 

Simula nang mag-umpisa akong magtrabaho dito hindi ko man lang naramdaman ang payo ni BC na gawing komportable ang pamamalagi ko dito. He's way far from Samuel that I know, baka nga nagkamali lang ako. Maybe he's not Samuel that I know.

Nakapatong ang aking mga siko sa mesa habang nakatungo at ginugulo ang buhok. Huminga ako ng malalim. Maya-maya'y may narinig akong mahinang tuktok sa aking mesa. Nang inangat ko ang aking mukha ay nakita kong nakatayo sa aking harapan si Philip. Nakasukbit na ang  bag nito sa likod at mukhang handa nang umuwi.

Sanay na ako dito na lagi akong sinusundo tuwing uwian. Sa ilang linggo kong pamamalagi dito, isa si Philip sa nakagaanan ko ng loob. Nang minsa'y nagkasabay kami sa pag-uwi, napag-alaman naming iisa lang ang route ng aming inuuwian, at simula nun lagi na kaming magkasabay sa pag-uwi.

"Hindi ka pa ba uuwi? Tapos na ang shift mo, ah .." nakangiti ito ngunit halata sa mukha ang pag-aalala.

Sumulyap ako sa orasang nasa ibabaw ng aking mesa. Tama nga ito, ala-sais na ng hapon at ilang minuto na ang nakalipas nang matapos ang aking shift.

"Hindi ko na napansin ang oras .. may ginagawa pa kasi ako, eh." Sumulyap ako dito at saka ngumiti ng matipid.

"May tatalo na yata sa pagka-masipag ni Boss Samuel!" Biro nito na pilit pinasigla ang tinig.

Ngumiti lang ako sa biro nito at hindi na nagsalita. Nanatili akong nakaupo at nangalumbaba sa harap ng aking laptop.

"Mag-o-overtime ka?" Tanong nito nang hindi ako kumibo.

Wake Me UpWhere stories live. Discover now