CONFUSEDLY IN LOVE

65 33 9
                                        

I reached his hand and plead. "P-please, don't ... leave me. Natatakot akong .. mag-isa."

Lumingon siya sa akin. Dumako ang kanyang mga mata sa aking kamay na mahigpit na nakakapit sa kanyang braso.

Hindi ko mabasa kung anong tumatakbo sa kanyang isipan. He is blankly staring at me. Then he turned to me and slowly pulled my hand down.

"Hindi ako aalis. Magpahinga ka na." He looks weary and tired.

Nanatili siyang nakatayo sa gilid ng papag habang pinapanood akong umayos ng higa.

"Salamat." Kahit papaano napanatag ang aking kalooban. Magaan ang aking dibdib nang ipinikit ko ang aking mga mata.

Ilang sandali pa'y unti-unti na akong hinila ng antok.

'Am I dreaming?'

Samuel envelopes me into his arm while watching the peaceful lake surrounded by wild flowers and giant trees.

We are sitting under the shade of acacia tree and being serenade by the sweet chirp of birds.

Marahang dumampi ang kanyang labi sa aking sentido at sinamyo ang aking buhok na malayang nililipad ng hangin.

Ipinikit ko ang aking mga mata at ninamnam ang bawat sandali.

Muling dumampi ang kanyang labi sa aking pisngi.

"You are too precious to lose. But you've suffered enough, I'll make sure that won't happen again ..." I can feel his breath near me sending different sensation.

He is brushing my hair like an expert while planting soft kisses.

If this is a dream I'd rather sleep forever ...

But darkness conquered the scene. Hindi ko na makita si Samuel. Unti-unti siyang naglaho sa dilim habang malungkot na nakatitig sa akin.
'Samuel ... Samuel .. d-don't leave me.' Ipinikit ko ang aking mga mata hanggang sa may maramdaman akong pagyugyog sa aking balikat.

"Dionne!" Marahas akong napamulat nang marinig ko ang pamilyar na boses na tumatawag sa akin.

Inilinga ko ang aking mata sa paligid. Wala ako sa lawa. Walang bulaklak, walang puno. Panaginip lang ang lahat...

"Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Samuel na mukhang nag-aalala.

"I-Im fine ..." I'm still thinking about my dream and I can't just walk away with it. May kirot na dumampi sa aking puso na nagpapalabo sa aking katinuan.

Tumingin ako kay Samuel at pilit hinagilap ang kanyang mga mata. "Don't leave me ... p-please?" Nagsusumamo ang aking mga matang nakatingin sa kanya.

Hinawakan ko ang kanyang kamay habang matamang nakatitig kay Samuel. Halos ilang pulgada na lamang ang layo namin sa isa't isa.

Bakas ang pagkalito sa kanyang mukha. I cupped his face and slowly reach the distance between us.

He didn't say anything nor act when his lips touch mine. He is breathing heavily like he's putting so much control to not get swayed.

Mistula akong bata na sabik na sabik habang dinadama ang malambot niyang mga labi. May mga salitang naglalaro sa aking isipan at pumipigil sa aking karahasan ngunit dagli iyong naglaho nang maramdaman ko ang marahang pagtugon ni Samuel.

He parted my lips to enter his tongue and expertly played with mine. With his hand on my head, he deepened the kiss and playfully bit my lips, then my tongue.

Naglaho ang lahat ng pagaalinlangan ko sa bawat haplos na ibinibigay sa akin ni Samuel.

Sari-saring emosyon ang naguunahang  lumukob sa aking pagkatao, mga emosyong hindi ko alam kung saan nanggaling at kung kailan nagsimula.

All I know is that I think I can do anything for him, even if it's forbidden.

Wake Me UpWhere stories live. Discover now