Rescued

50 23 2
                                        

Isinugod  ng medical responders si Samuel sa ospital. Dahil sa labis na pag-aalala ay nagpaalam ako sa aming lider at sumama ako sa paghahatid kay Samuel.

Natatakot ako na baka hindi ko na siya muling makita pa. Seeing him with that situation is totally killing me.

Paano kung nahuli kami ng dating .. baka hindi na namin siya naabutang buhay ..

Bakit siya nasa lugar na iyon? Anong ginagawa niya doon?

May mga pulis kaming naabutan sa site dahil may putok silang narinig mula dun. Pero nag-aapoy na gusali na lang ang kanilang naabutan. Nagliliyab na ang apoy sa ikalawang palapag nang dumating sila.

They just heard Samuel screaming for help then they immediately called for us. Good thing we just arrived on time ..

'God .. what if something happened to him? I'd go crazy for sure ..'

"He was caught on fire and got suffocated. He may be suffering from chemical asphyxia since he was there for more than a minute .."  The emergency responder reported Samuel's case to the chief doctor as we arrived at the hospital.

Mabilis silang kumilos matapos marinig ang nangyari. Dinala si Samuel sa emergency room dahil kritikal na ang kundisyon niya nang dumating kami sa ospital.

Sana naman walang mangyaring masama sa kanya. Ngayon lang ulit kami nagkita at napakarami ko pang gustong sabihin sa kanya, he needs to recover ... I need him. Our baby needs him.

Pabalik-balik ako sa harap ng emergency room. Hindi ako makanali dahil sa takot at pangamba. Hindi ko maalis sa aking isip ang takot na baka ..

'oh, God! Please, save him ..'

Hindi ko alam kung gaano katagal akong naghihintay sa labas hanggang sa lumabas ang mga doktor.

Nagmamadali akong lumapit sa kanila habang nanginginig ang mga kamay.

"Kayo po ba ang pamilya ng pasyente? Tumango ako sa doktor na nagtanong dahil pakiramdam ko hindi ko kayang magsalita dahil sa kaba. "He's stable now. Pero hindi pa natin alam kung kailan siya magigising. Dahil sa kemikal na maaari niyang nalanghap, nagkaroon ng shortage of oxygen sa baga niya nagpalala sa kanyang kundisyon." Mahabang paliwanag ng doktor.

"Pero ligtas na naman po siya 'di ba?" Tanong ko na hindi pa rin maalis ang pag-aalala.

" Huwag po kayong mag-alala, we are doing all the best we can. " Tumalikod na ang doktor pagkasabi niyon.

Ilang sandali pa ay may lumabas na nars mula sa emergency.

"Ma'am, ililipat na po namin sa kabilang kwarto ang pasyente para po sa mga susunod na observation." Kasunod niyon ay dinala nila sa kalapit na kwarto si Samuel.

They informed that I can go inside as long as I'm wearing mask and and medical protection for some precautionary measures.

Hindi ko maialis ang tingin kay Samuel. Naaawa ako habang pinagmamasdan ang napakaraming tubo na nakakabit sa kanya.

Napapaisip ako kung bakit humantong siya sa ganito. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na si Samuel ang nakikita ko. I never thought that we would gonna meet in such situation.

'Samuel ..'

Parang gusto kong pagsisihan na tinalikuran kita. Pakiusap gumising ka na ..

I just can't go on without you next to me. So, please .. wake up. Wake up now ..

It took me decades just to find these happiness .. with you. If you're just going to leave me now, then you shouldn't have came to me in the first place.

'Dionne, umiyak ka na naman. Gusto mo bang makita ka niyang umiiyak paggising niya?'

Ang totoo, ayoko nang umiyak. Pero parang may sarili silang isip at kusang tumutulo kahit anong pigil ko. At kung sakali mang makita niya akong umiiyak ngayon , at least, he would know how hurt I would be if he's gonna leave me ...

Nasa ganoon akong sitwasyon nang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki. Matangkad at malaki ang katawan nito. Napatitig ako sa mukha nito at pilit inalala kung saan ko ito posibleng nakita.

'Kung hindi ako nagkakamali siya yung nakita ko sa ospital ..'

Napatigil ito sa tangkang pagpasok nang makita ako.

"Ma'am Dionne?" Napakurap ako nang banggitin nito ang aking pangalan.

"Kilala mo ako?" Taka kong tanong sa kanya.

Lumapit ito sa akin bago pinagmasdan si Samuel na hindi pa rin nagkakamalay.

"Matagal ka nang pinahahanap sa akin ni Boss Sawyl." Tumingin ito sa akin at muling nagpatuloy. " Paano mo nalamang nandito si Boss?" Tanong nito.

"Ahh .. ako ang naghatid sa kanya dito kasama ng mga medical responder. Naabutan namin siyang walang malay sa warehouse na nirespondihan nmin." Paliwanag ko dito. Muli kong naalala ang una nitong sinabi. "Kung ganoon totoong ipinahahanap ako ni Samuel .. I mean .. your boss." Nakatingin pa rin ako dito habang naghihintay ng sagot.

"Ang totoo po niyan, matagal ka nang nakita ni Boss, gustuhin ka man niyang puntahan, inisip niya pa rin ang kapakanan mo  .. at ng anak niyo." Tumahip ang aking dibdib dahil sa binanggit nito.

Napaawang ang aking bibig dahil sa gulat.

'Kung ganoon ay alam na niyang .. may anak kami ..'

Wari'y nabasa nito ang nasa isip ko at saka ipinaliwanag ang lahat.

"Matagal na niyang alam ang tungkol sa anak niyo pero sinikap niyang hindi magpakita dahil sa magulong sitwasyon niya noon. Ayaw ni Boss na mapahamak kayo kaya hindi siya lumalapit sa inyo .." Napaupo ako sa malapit na upuan nang maramdaman ko ang panginginig ng aking mga tuhod.

Hindi ako makapaniwalang sa kabila ng pangungulila ko sa kanya'y andun lang pala siya at pinagmamasdan ako sa malayo habang iniisip ang aming kaligtasan ..

Lumapit sa akin ang lalaki at may inabot na maliit na kahon. Taka akong tumingin dito.

"Bilin niya sa akin na ibigay ko ito sa iyo oras na may mangyaring masama sa kanya .." Inabot ko ang kahon at saka ito binukasan.

Bumungad sa akin ang isang cellphone na nakabalot sa puting papel.

'Ito ang cellphone ko .. kung hindi ako nagkakamali naiwan ko ito sa bus. Paano ito napunta sa kanya?'

Wake Me UpWhere stories live. Discover now