"Magpahinga ka na." Inalalayan ako ni Aling Felisa na makahiga sa papag. Itinaas niya ang kumot hanggang sa akng dibdib at iniabot ang botelya."Ilapat mo ito sa iyong tiyan kapag nakaramdam ka ulit na sakit."
"Salamat po." I can feel the guilt growing inside my chest.
Hundi ko na alam kung tamang ipagpatuloy pa ang aking plano. Dahil sa mga pag-aalala na kanilang ipinakikita unti-unti akong nakokonsensiya.'Kung wala akong sakit, ganito din kaya ang magiging trato nila sa akin?'
"Kaya mo na bang mag-isa?" Tanong ni Aling Felisa.
Nakatayo siya sa gilid ng papag at pinagmamasdan ako.
Lumapit siya sa isang lamesita at inayos ang lampara. Dinagdagan niya iyon ng langis.
"Kaya ko na pong mag-isa. Magpahinga na din po kayo. Pasensiya na po sa abala ..." Mahina kong tugon. Hinigit ko ang kumot at ibinalot sa aking katawan nang umihip ang malamig na hangin sa bukas na bintana.
Napansin nito ang pagbalot ko sa kumot kaya tuluyan na niyang isinarado ang maliit na bintana.
"Kami ang dapat humingi ng pasensiya. Labis-labis ang ibinigay naming pahirap sa'yo ..." Tumunghay ito sa akin at dinama ang aking noo. "Sigurado bang ayos ka na?" Ulit nitong tanong.
Nabitin ang akma kong pagtugon ng bumukas ang pinto at Iniluwa si Samuel.
Nanatili lang itong nakatayo malapit sa pinto at hindi nagsalita.
"Samuel, ikaw na muna ang bahala sa kanya, aalis na ako." Paalam ni Aling Felisa.
Lumapit si Samuel habang nakapaloob ang mga kamay sa bulsa ng pantalon.
"Masakit pa rin ba?" Usisa nito na ang tinutukoy ay ang aking tiyan.
Seryoso itong nakatunghay sa akin. Walang kurap ang nga matang naghihintay sa aking tugon.
"Hindi na masyado. Effective naman yung ginawa ni Aling Felisa."
Hindi ko magawang ituon sa kanya ang aking paningin habang nagsasalita. Pakiramdam ko'y wala akong maitatago dito.
"Sige. Magpahinga ka na ..." Nag-aalangan itong tumalikod ngunit sa huli'y tuluyan na ding umalis. Muli itong lumingon nang nasa pintuan na at marahang tumango sa akin.
Tumango din ako biglang tugon.
Kampante kong ipinikit ang aking mga mata at pinagsalikop ang dalawang kamay sa dibdib.
He's mere pressence somehow calmed me. I can feel his sincerety in his actions.
'Should I stop now?'
YOU ARE READING
Wake Me Up
RomanceDionne has finally freed her self from her nerve-racking training in BFP training camp. She decided to have a vacation on her home town. She has so much plan for her future. But a tragic accidents happened. New People's Army (NPA) attacked the bus...