A Dream

62 33 9
                                    

"I'm sorry .. dapat hindi kita iniwan."

Parang may init na humaplos sa aking dibdib dahil sa sinabi niya. Naglahong parang bula ang takot na kanina pa nagpapahina sa aking mga tuhod.

I can feel my heartbeats slowly sinking as I laid my eyes on him. His eyes is sending so much feelings I hate to entertain.

What if I'm wrong? What if it's just a trap I cannot escape forever?

I would despise my self for being so naive if I fell on his trap and proposing regrets ...

I looked away and wiped the tears that keeps on falling down my face.

Hindi ko na alam kung para saan ang mga luhang patuloy na bumabalong sa aking pisngi. Ang alam ko lang natatakot ako dahil sa nangyari kanina pero ang malaman na unti-unti na akong nahuhulog sa taong nasa harap ko ngayon, parang hindi ko kayang tanggapin.

"Samuel, gusto kang kausapin ni Ka Igno."

Nabitin ang mga salitang lumilipad sa aking isipan sa pagpasok ni Miguelito.

Nasa likuran nito si Aling Felisa na may bitbit na damit. Lumampas ito kay Miguelito at dumiretso sa akin.

Tumingin ito kay Samuel na palabas nabago iniabot sa akin ang dalang damit.

"Ito magpalit ka muna..." Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. "Pasensiya ka na. Sana mapatawad mo pa kami."

Deretso itong nakatingin sa akin at punong-puno ng senseridad ang bawat katagang binitawan.

Umupo ito sa aking tabi.

I have to admit that I slowly losing the confidence to stay on my plan. I'm torn with my lie and the growing sympathy for them.

"Huwag niyo pong sabihin yan. Wala po kayong kasalanan." I said with so much secerity. "At first, I thought masama kayong tao. But I was wrong. Now I understand kung bakit kayo nagkakaganyan ..."

For the past days of my stay here, I never felt like a hostage or being abused until what happened earlier.
Nakaramdam ako ng takot, but seeing how they reacted from what happened, I want to believe that they are good people.

Hinawakan ni Aling Felisa ang aking kamay at marahang pinisil iyon. Tumingin siya sa akin at binigyan ako ng isang tipid na ngiti na lalong nakapagpagaan ng aking kalooban.

"Malapit nang matapos ang paghihirap mo." Makabuluhang sambit nit Aling Felisa. "Iiwan na muna kita. Magpalit ka na muna ng damit." Pagkatapos ay tumayo na ito at tuluyan ng lumabas.

Isinuot ko ang bestida na dala ni Aling Felisa. Sakto lang iyon sa akin at presko sa katawan.

Bumalik ako sa papag at muling niyakap ang mga tuhod habang nakabalot sa kumot.

Naririnig ko ang pag-uusap ng grupo sa labas. Hindi ko masyadong marinig  ang kanilang pinag-uusapan dahil nakasarado ang bintana.

Ilang sandali pa'y tumahimik na sa labas at muling bumukas ang pinto. Pumasok si Samuel at deretsong lumakad malapit sa papag.

"Magpahinga ka na. Maaga kang gigising bukas ..." Tumingin ako sa kanya na nakakunot ang noo na parang nagtatanong. " Nagdesisyon na si Ka Igno na pababain ka na ng bundok." Mahinang saad nito.

I'm looking into his eyes and I saw the glints of sadness for a second. Or is it just me?

"Kung ganun, pauuwiin niyo na ako?" Tanong ko na bahagyang nagulat. May lungkot na humipo sa aking dubdib ngunit agad ko ding itinaboy.

"Oo. Hindi ka na ligtas dito." Umupo ito sa dulo ng papag. At parang kay lalim ng iniisip.

"Sigurado bang pumayag si Ka Igno?" Nagtataka pa rin ako sa biglaang pagpayag ng kanilang lider. Tumango si Samuel bilang tugon.

'Bakit pa nila ako dinala dito kung palalayain din ako? Talaga bang sanggol lamang ang puntirya nila?'

"Bakit? Dahil ba wala akong kwenta?" Hindi ko pa rin lubos na maintindihan ang layunin nila. "Kapag pinakawalan niyo ako, mangangalap pa rin ba kayo ng mga bata?"

Marahas siyang tumingin sa akin.

" Hindi mo alam ang sinasabi mo ... Magpahinga ka na." Tumayo na ito at tumalikod.

"Akala ko ba hindi mo ako iiwan?" Kahit abut-abot ang aking kaba ay pinilit kong magsalita. Parang ayoko pang bitawan ang oras na kasama siya.

Call me crazy but I think ... I'm slowly being drag by his trap.

Wake Me UpWhere stories live. Discover now