A dream or a nightmare?

52 20 2
                                        

I've been dreaming of someone who can quench my thirst for a perfect love .. then you came. We've met imperfectly. There were flaws. There were uncountable tears. There were million of doubts. But you simply put up a smile and sealed it with your sweet kisses that made our love so perfect.

"Sorsogon!"

Natatakot na ako. Baka isa lang itong panaginip. Natatakot akong baka dumating ang isang araw na wala ka na sa aking tabi. You're simply too good to be true .. Para kang isang prinsipe na sa isang fairytale lang nangyayari.

"May bababa?"

Sometimes we ought to understand how life works, but nothing in this life is actually certain.

Just how the flowers wilt no matter how beautiful it is .. even the sun has its way to set ... And to see the rainbow .. storm comes first ..

"Sorsogon na po tayo! Yung mga bababa po ng Sorsogon, andito na po tayo!"

Ayoko pang gumising .. Ayokong gumising na wala ka. I'd rather sleep forever just to make you stay .. just to feel your warmth .. your kiss .. your love.

Naririnig ko ang paulit-ulit na sigaw ng kundoktor ng bus. Nararamdaman ko ang pag-akyat at pagbaba ng mga tao, pero ayoko pang gumising.

I felt like I'm under the spell of someone I couldn't let go.

Hanggang sa tuluyan akong magmulat ng mata nang maramdaman ko ang marahang tapik mula sa aking balikat.

Inilinga ko ang aking mata sa paligid. Mayroong hinahanap ang aking mata. Pero wala akong makita kundi ang mga taong nagmamadali sa pagsakay at pagbaba sa mga pampasaherong sasakyan.

'Isa lang ba iyong panaginip? Napakahabang panaginip .. pero pakiramdam ko totoo lahat ng nangyari. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang takot .. ang lungkot .. at ang saya .. kasama siya.'

Parang totoo lahat ng naramdaman ko, para bang tinangay ako sa kabilang mundo at inanod mula sa kasalukuyan.

Muli kong ipinikit ang aking mata at pilit inalala ang kanyang mukha .. ang mukha ng lalaki sa aking panaginip.

'Samuel ..'

Hindi ko makakalimutan ang kanyang pangalan .. ang ngiti sa kanyang mukha .. at ang kanyang mga halik.

Dumapo ang aking mga daliri sa aking labi at marahang dinama iyon. Pakiramdam ko'y buhay pa rin ang init ng kanyang mga labi at ang banayad na haplos ng kanyang mga kamay sa aking katawan .. wari'y isa akong hibang na nananalanging sana'y hindi lang iyon isang panaginip.

"Miss? Hindi ka pa bababa? Aalis na ang bus." Untag ng kundoktor sa akin nang hindi pa rin ako gumalaw s aaking pwesto.

Marahas akong nagmulat ng aking mata at kinuha ang mga gamit. Nagmamadali akong bumaba ng bus at binalewala ang kung anumang nasa isip.

Ngayon lang ulit ako nakauwi sa aming bayan matapos ang training namin sa BFP pero kung anu-ano pa ng aking iniisip ..

'Ano ba kasing klaseng panaginip yun? Parang totoo ..'

Muli kong ipinilig ang aking ulo at saka nagpatuloy sa paglalakad. Susunduin ako ng aking ama dahil malayo ang aming bahay sa terminal. Medyo mabigat ang aking bag dahil sa mga pasalubong at iba kong damit.

Huminto ako sa isang bench na aking nadaanan para ayusin ang aking mga gamit dahil nahihirapan na akong dalhin ang mga iyon. Nanlalambot na rin ako dahil sa mahabang byahe kaya nagpasya akong umupo at magpahinga kahit sandali.

Sumasagi pa rin sa aking isip ang napanaginipan ko kanina pero agad ko ding itinataboy.

Dahil sa kapapanood ko ng mga action at detective movies kaya kung anu-ano na ang sumasagi sa isip ko ..

Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Napakaraming bago sa aking paningin. Marami ng establisyemento ang nakatayo sa paligid ng terminal. May ilan ding turista ang naglalakad at wari'y mga magbabakasyon din sa probinsya para samantalahin ang holiday season.

Abala ako sa pagmamasid sa paligid hanggang sa hindi ko namalayan ang isang lalaki na lumapit sa akin at agad itinakbo ang aking sling bag.

"Magnanakaw! Ale, kinuha yung bag mo!" Nagulat ako sa isang sigaw malapit sa akin at napatayo mula sa pagkakaupo.

Kitang-kita ko pa ang mabilis na pagtakbo ng lalaki bitbit ang aking bag. Nandoon lahat ng aking pera. Pero may mas mahalagang laman ang bag na iyon ..

'Yung singsing na bigay ni Joaquin ..'

Sukat doon ay mabilis akong tumakbo at hinabol ang magnanakaw. May ilang nakikiusyoso sa daan at sumisigaw na din para pigilan ang lalaki na patuloy pa rin sa pgtakbo.

Lumiko iyon sa gilid ng pader hanggang sa hindi ko na ito makita. Ngunit nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo.

'Magagalit sa akin si Joaquin kapag nawala ang singsing ..'

Hinihingal na ako dahil sa walang tigil kong pagtakbo. Malapit na ako sa pader na nilikuan ng lalaki ngunit bigla akong napatigil.

Lumabas mula roon ang isang lalaki at dala ang aking sling bag. Hinihingal pa ito habang naglalakad palapit sa akin.

Sa mga oras na iyon gusto kong pigilan ang kamay ng orasan .. kung sakali mang hindi ako nananaginip at totoo ang aking nakikita .. kahit ang pagkisap ng aking mata ay aking pipigilan para lamang hindi ko maisip na isa lang itong panaginip.

Totoo kayang magkatotoo ang isang panaginip?
Maaari bang mabuhay ang isang taong nakilala mo lang sa isang panaginip?

"Miss, sa'yo ba ang bag na ito?" Hindi ako maaaring magkamali.

'Imposible.'

Pero bakit nakikita ko sa kanya si .. Samuel?

Ang seryoso niyang mga mata na madalas na nagpapahina sa aking mga tuhod .. ang kanyang mga labi, hindi ako maaaring magkamali ...

"Miss?" Nakakunot na ang noo nito habang nakatunghay sa aking mukhang nababalot pa rin ng pantasya.

Hindi ko na namalayang nakabuka na ang aking bibig dahil sa labis na pagkagulat. Muntik pang tumulo ang aking laway kung hindi ko lang naagapan.

"Ah .. y-yes. This is mine .." Iniabot niya sa akin ang aking bag. Kinuha ko iyon at halos hindi ko mapaknit ang aking mga mata sa kanyang mukha habang inaabot ang bag mula dito.

'Sana akin ka na lang din ..' gusto ko pa sanang idagdag ngunit mabilis na itong tumalikod pagkabigay nito sa aking bag.

Teka .. ganun na lang ba yun?

"S-sandali .." Binilisan ko ang aking hakbang at matuling na hinabol ito.

Huminto ito nang marinig ang aking sigaw. Lumingon ito at bakas sa mukha ang bahagyang pagkairita.

'Ikaw nga si Samuel ..'

"Miss, tinawag mo lang ba ako para titigan ng ganyan?"
Biglang naumid ang aking dila nang halos ilang dangkal na lang ang layo namin sa isa't isa.

"Samuel ..?" Isang kataga lang ang lumabas sa aking bibig pero libo-libong sana ang tumatakbo sa aking isip.

Sana totoo ka na .. sana hindi ka na lang isang panaginip.

Wake Me UpWhere stories live. Discover now