"Samuel!" Habol ang aking hininga ay agad akong bumangon mula sa aking pagkakahiga. Pinunasan ko ang butil ng aking pawis na namuo dahil sa magkahalong takot at kaba.
Why am I being like this?
I dreamed of you again. I saw you smiling with a great pain in your eyes. It scared me thinking the sun would go down without you in my arms since it's been a while.
I've been dreaming of you. I even caught my self crying in the middle of the night with your face in my mind. Paikot-ikot. Hinahanap kita kung saan-saan. Pero wala ka. Hanggang sa matagpuan ko ang sarili ko sa gitna ng dilim. Mag-isa. At puno ng luha ang mga mata.
You were like a furious storm who suddenly hit my quiet world. I can't stop thinking of you. I got stuck with this imagination of mine.
How strange ... it was just a dream, not a reality .. or maybe my fantasy, but I felt like dancing with you while embracing me tightly as we hum from a beautiful melody.
And in the brightest day, I know I will continue to wait for the stars at night .. and dream again.
"Ate, ok ka lang?" Tanong ni Dylan.
Nagkakape ako sa kusina nang mapasukan ako ng aking bunsong kapatid. Umupo ito sa aking tapat at pinagmasdan ang aking mukha. Kumunot ang noo nito at pigil ang tawang nagsalita.
"Bakit ang laki ng eyebags mo?" Tiningnan ko ito ng masama ngunit hindi pa rin nagpapigil at muling nagsalita. "Hindi ko alam kung mukha yan na tinubuan ng eyebags o eyebags na tinubuan ng mukha .." sinundan pa nito ng malakas na tawa ang kanyang biro.
Inirapan ko lang ito at hindi na pinansin ang sinabi. Natatawa naman ang aking ina habang naghuhugas ng tasa.
"Dylan, tigilan mo nga yang ate mo. Naninibago lang yan kaya hindi makatulog ng maayos .." sabi ng aking ina.
"Ma, kagabi kasi .." Pinutol nito ang tangkang sasabihin at saka tumingin sa akin ng makahulugan. Itinaas ko ang aking kilay na wari'y nagtatanong.
Kahit bakas sa mukha ang pag-aalangan ay muli itong nagsalita.
"Kagabi kasi .. narinig ko si ate. Parang umiiyak." He paused then he looked at me anxiously. "Kakatukin sana kita .. baka nananaginip ka." He didn't left my eyes as if he's reading mine.
I equalled his stare but I looked away when I felt my hands shaking. Ibinaba ko ang aking tasa nang akma akong hihigop ng kape. Parang may kung anong nakabara sa aking lalamunan at nahihirapan akong lumunok.
"Tama na yan .. sumunod ka na sa Tatay mo. Kanina ka pa nun iniintay sa talyer." Lumapit ang aking ina at hinila ang aking kapatid palabas ng kusina.
Naiwan akong mag-isa at hindi pa rin magawang kumibo. Tinitigan ko lang ang tasa ng kape na para bang may maganda akong nakikita doon. Pero alam kong iisang mukha lamang ang nakaguhit sa aking isipan.
This past few days, he's always in my dreams. He's actually the reason of this fucking eyebags. Hindi ko alam kung bakit lagi siyang laman ng aking panaginip. But something has changed. The man in my dreams .. it's not as it was before. His face changed.
Ipinikit ko ang aking mata at pinagsalikop ang dalawang braso sa harap ng dibdib. Huminga ako ng malalim at pilit inalis ang kung anumang tumatakbo sa isip.
Ilang sandali akong nanatili sa ganoong posisyon bago nagpasyang pumasok sa kwarto.
May usapan kami ni Joaquin ngayong araw. Niyaya niya akong mamasyal sa bayan. Kailangan ko na ding bumili ng ibang gamit para sa aking pagsisimula sa trabaho.
Pagkatapos ng aming training sa Camp Angeles nagpadestino na ako sa aming probinsiya. Napakarami pang kulang na firefighter sa aming bayan kaya naging madali ang aking pagkadestino dito.
Inihanda ko muna ang aking damit bago pumasok sa banyo para lumigo. Tatlong terno ng damit ang aking inilabas para aking pagpipilian mamaya. Hindi kasi ako nakukuntento sa isang pares. Nakakailang sukat pa ako bago makuntento sa aking OOTD.
Well, I have a lot to consider to be contented in my outfit. First, the purpose or occassion. Second, it should best fit my mood of the day. Lastly, the person I am with. Those things are the reason why I'm always late in getting ready.
"Dione! Andito na si Joaquin!" Sigaw ng aking ina na sinabayan pa ng sunod-sunod
na katok.
"Opo! Sige po." Hindi pa ako nakakapili ng aking isusuot kaya natataranta na ako sa loob ng aking kwarto.
Na-elliminate ko na ang isang pares kaya dalawang pares na lang ang aking pinagpipilian. I'm torn between jeans and square pants. It is cold season so I prefer tight and close clothes.
Baka kasi kumain pa kami sa labas after naming mag-ikot sa bayan, I need to look girlish.
"Anak, hindi ka pa ba tapos?" Muling kumatok ang aking ina kaya lalo akong nataranta.
Pikit mata kong kinuha ang high waisted pants at cotton sweat shirt. I tucked the sweater inside my pants and paired it with sneakers. Pinasadahan ko muna ang aking sarili sa salamin bago kinuha ang sling bag.
Not bad.
I hate too much accessory so I prefer simple necklace and earrings paired with simple wrist watch.
I'm done .. Muli akong sumulyap sa salamin bago lumabas ng kwarto.
I really don't know why I need to do this. I'm not sure about the things I considered in my outfit today. I got so stuck from the thoughts of him ..
'Umaasa ba akong makikita ko siya? O makasalubong?'
Ipinilig ko ang aking ulo at pinalis ang iniisip. I should be thinking of Joaquin who patiently waited for me. Noon. At kahit hanggang ngayon. He'd been waiting for me.
I saw Joaquin sitting at the living room while having a chat with my mother. They both look at me as I go downstairs.
"Naiinip na si Joaquin sa paghihintay sa'yo. Bakit napakatagal mong gumayak?" Iyon agad ang sumalong sa akin nang makalapit ako sa mga ito.
Tumawa naman si Joaquin sa sinabi ng aking ina.
"Ok lang po Tita. Sanay na po ako kay Dionne." Joaquin looked at me with a playful smile on his lips.
Sinimangutan ko naman ito bilang tugon ngunit agad din akong ngumiti.
He's right. Ako ang laging nahuhuling gumayak kapag lumalabas kami kaya parati niya akong hinihintay. Minsan nakokonsensiya na ako pero wala akong magawa. Mabagal talaga akong gumayak.
Or maybe he's meant to wait for me .. forever. Should I let him though?
YOU ARE READING
Wake Me Up
Storie d'amoreDionne has finally freed her self from her nerve-racking training in BFP training camp. She decided to have a vacation on her home town. She has so much plan for her future. But a tragic accidents happened. New People's Army (NPA) attacked the bus...
