Then all the feelings I have for Samuel is just a dream within a dream?
Hanggang ngayon hindi pa rin ako lubos na makapaniwala. Paanong nangyari ang lahat ng iyon? Bakit si Samuel?
How come that I dreamed of him despite of the fact that I didn't know him to start with? Was it just a coincidence? Or just a work of fate?
Hindi ko na alam ang iisipin ko! Sobrang gulo na talaga, hindi ko na maintindihan. Bakit ba ako humantong sa ganito, in the first place?
Katulad kanina, nakatitig lang ako sa aking laptop. Nasa kalagitnaan na ako ng aking ginagawang report ngunit hindi ko pa rin matapos-tapos. Maya't mayang sumasagi sa aking isip ang mga katanungang hindi ko rin naman mabigyan ng kasagutan. Naiinis pa ako sa cursor na kislap ng kislap, parang inaasar ako habang tulala at hindi madugtungan ang ginagawa.
May lumabas na notification sa baba ng monitor. It's from .. Samuel?!
'Ah, oo nga pala .. it's probably the actual incident report .. Umaasa ka bang may iba pang rason para mag-message siya sa'yo? That jerk!'
Binuksan ko ang email niya sa akin. And I was right, it is the updated fire incident report. But I was pretty astounded at the end of his message. I didn't expect this .. Totoo ba 'tong nakikita ko?
Paulit-ulit kung ipinikit ang aking mga mata hanggang sa kinurot ko na ang aking sarili, ngunit nandoon pa rin ang kanyang mensahe. At malinaw na nakasulat doon ang mga salitang hindi ko inaasahang manggagaling sa kanya ..
"P.s. Thank you for saving me, I'm sorry if it took me so long to say this.."
'Marunong din palang humingi ng sorry, I thought he's a total jerk.'
May kung anong init na humaplos sa aking dibdib. Parang nagdidiwang ang aking kalooban sa maikling mensaheng iyon. Hindi ko na alam kung ilang ulit ko iyong binasa habang nakaguhit ang matamis na ngiti sa mga labi.
Kung sakaling may makakakita sa akin ngayon, malamang iisipin nilang nababaliw na ako! Ikaw ba naman ang makakita ng taong bigla-bigla na lang ngumingiti ..
But I don't care, masaya ako, eh, bakit ba!
Hindi mapawi sa aking mukha ang mga ngiti habang gumagawa ng report. Kahit gusto ko nang humiga, pumikit at magsimula ng magandang panaginip, kailangan ko pang tapusin ang inuwi kong trabaho. Konting kembot na lang naman.
Alas-dose na ng gabi ngunit nananatiling gising ang aking diwa. Natapos ko nang lahat ang aking trabaho ay hindi pa rin matahimik ang aking isip. Maya't mayang naglalaro sa aking diwa ang mensahe ni Samuel. At sa bawat pagdaan ng mga salitang iyon ay ang pagguhit ng mga ngiting hindi ko mapigilan. Para akong teenager na nakatanggap ng love letter sa sobrang saya.
But what if it was just a plain sorry?
'Napakalayo na agad ng naisip mo pero hindi ka naman sigurado kung para saan ang mga iyon .. Baka naman guilty lang siya sa mga nasabi niya kanina at binigyan mo na agad ng ibang kahulugan .. '
Parang lumalabas tuloy na isa akong pokmaru nito!
'Dionne, wake up! Don't you remember? He's just a dream that you should forget. Nothing of him is real, it's just your fantasy ..'
Muling napawi ang ngiti sa aking mga labi. Naalala ko ang mga sinabi sa akin ni Ate Lorielle. She was very concerned after hearing everything. Well, I can't blame her. Kahit ako, nag-aalala din ako para sa aking sarili. Hindi ko alam kung saan hahantong ang lahat ng nararamdaman ko para sa kanya. Dapat ko na bang kalimutan ang lahat? Dapat ko na bang itigil 'to?
Nagsimula lang naman 'to sa aking panaginip. And nothing of this is true, right?
"Be careful .." that's what Ate Lorielle told me before we parted our ways. "You should learn how to control your dream. If not, that dream will control you until you can't find the way to go back. You'll be trapped by the pretentious reality of yours, just wake up if you can't ..."
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. At kahit napakaraming tumatakbo sa aking isip pinilit ko nang matulog at saka itinigil ang pag-iisip.
I'll just sing let it be tomorrow ..
MAAGA akong nagising kinaumagahan. Para akong papel na tinatangay ng hangin habang naghahanda sa pagpasok.
Different feelings keep on wandering inside my chest. Half of me is keeping myself away from him. But the other part of me is smiling so excitedly ..
Parang kahapon lang galit na galit ka sa kanya .. isang sorry lang bumigay ka na agad?
I have to admit that I am already drown by him. At kahit yata araw-araw niya akong sabihan ng masasakit na salita, kahit laitin niya ako, o murahin, alam kong hindi ko magagawang magalit sa kanya kahit kailan. I am too addicted to get mad at him.
He's the reality of my lucid dream, so how could I ever get mad at him?
YOU ARE READING
Wake Me Up
RomansaDionne has finally freed her self from her nerve-racking training in BFP training camp. She decided to have a vacation on her home town. She has so much plan for her future. But a tragic accidents happened. New People's Army (NPA) attacked the bus...
