Matapos ang mahabang oras na paglalakad narating din namin ang sinasabi nilang kampo.
May ilang bata na sumalubong sa amin.
"Manong, sino po siya?"
Tanong ng isang bata na wari'y nasa edad walo. May hawak ito kahoy na parang espada ang itsura.
May ilan pang bata na lumapit at nag-usisa din.
"Manong, katipan niyo po?"
"Ang ganda po niya!"
Pinalibutan kami ng mga bata na. Nagkakagulo sila at sunod-sunod ang mga tanong.
"Hoy, mga bata! Umalis kayo diyan! Bumalik na kayo sa inyong ensayo, bilis!"
Pinalayas sila ng isang matandang babae. Halos maputi na ang kulay ng buhok nito. She's giving a strong aura that no one can't broke. Her voice is like an amazona which gives an unexplainable fear in my chest.
"Mauro, sino yan? Anong ginagawa niyan dito?" Narinig kong tanong ng isa pang babae na may katabaan.
Hindi ko na narinig ang kanyang naging sagot dahil hinila na ako ni Samuel sa isang kubo na naroon.
May ilang kubo na yari sa dahon ng niyog at buli ang bubong, ang dingding naman ay yari sa kawayan. Magubat ang lugar, at hindi mahahalata ng kahit sino na may nakatira doon.
Tagung-tago ang lugar dahil napalilibutan ito ng mga naglalakihang puno.
"Dito ka muna at huwag kang gagawa ng bagay na magpapadali ng buhay mo. Kaya ka nilang patayin anumang oras ..."
Lumabas na ito matapos bitawan ang mga salita na labis na nagpakaba sa akin.
'Dito na ba talaga ako mamamatay? But Joaquin is waiting for me ... and my family! Alam na kaya nila? Are there policemen looking for me?'
Umupo ako sa papag na yari sa kawayan. Hindi ko na kaya at parang nanlalambot na ako dahil sa pinaghalong takot at kaba.
Inilinga ko ang aking mata sa kabuuan ng kubo. Maliit lamang ito at may lababo na yari sa kawayan malapit sa pinto. May isang mesa at apat na upuan na yari sa kahoy.
'Makakalabas pa ba ako ng buhay dito?'
Naririnig ko pa rin ang ingay sa labas. Wari'y nagtataka sila sa aking pagdating. Para bang napakalaking pagkakamali ng aking pagdating dito.
'Bakit kaya sanggol ang gusto nilang kuhanin? Dinukot lang din kaya ang mga batang nakita ko kanina?'
May galit na nagsimulang nabuo sa aking dibdib.
Itinaas ko ang aking dalawang tuhod at niyakap ito. Nagsimulang mamuo ang aking mga luha.
'Anong klaseng tao sila ... bakit nila 'to ginagawa?'
Wala akong mahagilap na sagot sa sarili kong katanungan. Mahirap unawain kung bakit. They seemed used to this kind of life.
'Masaya kaya sila sa ganitong buhay?'
This is the question I have in mind before I dose off to sleep.
Dahil na rin siguro sa pagod kaya mabilis akong nakatulog.
Nanatiling nakapatong ang aking ulo sa dalawa kong tuhod habang nakasandig ang aking likod sa ulo ng papag.
After a couple of minutes I hear some voices, I heard them talking about me. But I didn't open my eyes.
"Ano ba talagang plano mo sa kanya, Igno?" Narinig kong tanong ng isang pamilyar na boses. "Papahirapan mo ba talaga siya? Papatayin?"
"Bakit? Ano pa bang gusto mong gawin ko? Hayaan na lang siya na sirain ang ating mga plano?"
Hindi ko alam kung saan patungo ang kanilang usapan subalit lubha akong kinabahan.
"Alam mong labag sa kasunduan natin ang kumitil ng buhay, lalo na kung babae!" Lumalakas ang boses nila at lalong umiinit ang kanilang pagtatalo. Hindi ko alam kung dapat na akong magmulat ng mata o makinig sa kanilang usapan ...
"Papatayin ko ang sinumang balakid sa ating plano, kahit sino pa siya! Malapit na tayong magwagi at hindi ko hahayaang mawasak iyon ng dahil sa walang kwentang 'yan!" Halata sa kanyang boses ang galit.
Nagmulat ako ng mata dahil sa takot. Nagisnan ko ang dalawa malapit sa pinto.
Magkaharap sila at kapwa habol ang paghinga dahil sa kanilang pagtatalo.
Sabay silang lumingon ng mamalayang gising na ako.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga kahit ang tanda ko ay nakaupo ako bago nakatulog.
Nasapo ko ang aking ulo ng maramdaman ko ang biglang pagpintig nito. Masakit at nahihilo pa ako dahil kanina.
Lumapit sa akin si Samuel, bakas sa mukha niya ang ...
'Nag-aalala ba siya sa akin? Totoo ba 'tong nakikita ko?'
"May pagkain sa labas, kumain ka muna?"
Pagkasabi nito ay lumabas na rin at nilagpasan si Mauro na nakatayo pa ri't madilim ang mukhang nakatingin sa akin.
"Kumain ka na dahil mamaya, papatayin na kita ..."
Tuloy-tuloy na itong lumabas pagkabitaw ng mga salita.
Kinilabutan ako sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung nagbibiro lang siya ngunit nanindig ang aking balahibo.Nanatili ako sa loob yakap ang mga tuhod tulad kanina.
Mabuti na lang hindi nila ako itinali na parang hostage.
What if I planned to escape? And if I get caught, that's what I can't afford.
Baka patayin nila ako.

YOU ARE READING
Wake Me Up
RomansaDionne has finally freed her self from her nerve-racking training in BFP training camp. She decided to have a vacation on her home town. She has so much plan for her future. But a tragic accidents happened. New People's Army (NPA) attacked the bus...