Voluptious Attempt

59 33 8
                                    

'Should I stop now?'

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata hanggang sa tuluyan na akong makatulog.

Naalipungatan ako nang may naramdaman akong humihimas sa aking pisngi.

Marahas akong nagmulat ng mata nang maramdaman ko ang paghinga nito malapit sa aking mukha. Mabilis akong bumangon dahilan ng pagkahulog ng kung sinuman sa aking ibabaw.

"Sino ka?! Anong ginagawa mo?!"

Dahil sa gulat at takot na umahon sa aking dibdib ay napasigaw ako ng malakas. Mabilis nitong tinakpan ang aking bibig at itinutok sa aking tagiliran ang isang matalas na bagay.

"Huwag kang maingay kundi, papatayin kita!" Banta niya sa akin.

Labis-labis ang kabog ng aking dibdib habang nakikipagbuno sa hindi ko kilalang lalaki. Dumapo ang isa pa niyang kamay sa aking baraso at inilagay sa aking ulunan.

Pilit akong kumakawala sa matigas niyang katawan na nakapaibabaw na sa akin. Iniiwas ko ang aking mukha nang akma niya akong hahalikan.

" Tulong ...-" Sumigaw ako ng malakas nang makawala anf aking mukha sa kamay nito.

"Ano ba?! Sabing 'wag kang maingay!" Asik nito kasabay ng malakas na pagdapo ng kanyang palad sa aking pisngi.

"Ahh .. T-tulong ...-"  Halos namanhid ang aking mukha dahil sa lakas ng pagsampal nito.

Hinaklit nito ang aking pang-itaas na damit at marahas na sinibasib ang aking leeg.

Maya-maya pa'y bumukas ang pintuan at halos matanggal ang pinto nito dahil sa lakas ng pagkakatulak.

Mabilis itong lumapit at hinaklit ang leeg ng lalaki na labis ang gulat sa mukha.

Hinigit ko ang kumot at itinakip sa aking katawan habang patuloy sa pagbalong ang mga luha dahil sa labis na awa sa sarili.

"Hayop ka, Simon! Put*ngina ka!" Galit at walang pagpapatawad na pinagsusuntok ni Samuel ang lalaki.

Akma nitong uundayan ng saksak si Samuel ngunit agad nakaiwas ang huli. Sumadsad sa dingding ang lalaki matapos itong sipain ni Samuel sa sikmura.

"Traydor ka!" Samuel aimed the knife but I immediately stop him.

"Samuel, huwag!" Kahit hinang-hina ay pinilit kong tumayo at nilapitan si Samuel.

May pumasok na mga kalalakihan at pilit itinayo ang tinawag nilang Simon.

"Samuel, anong nangyari dito?!" Tanong ni Ka Igno na noo'y nakatingin na sa akin at pilit inuunawa ang nangyari.

Gulat ang nakarehistro sa mukha nang makita ang aking itsura. Gulo ang buhok at nakatapis ng kumot.

Ramdam ko pa rin ang hapdi sa aking mukha na tila namamaga na.

"Simon, anong ginawa mo? Hindi mo ba talaga kayang i-respeto ang ating tuntunin?!" Galit na tanong ni Ka Igno.

Kinaladkad palabas ni Ka Igno ang duguang lalaki habang nakasunod ang ibang kalalakihan.

Pagkalabas ng mga ito ay inalalayan akong makaupo ni Samuel.

"Ayos ka lang?" Marahan nitong tanong. Parang ingat na ingat na ako'y muling masaktan.

Humilagpos ang kanina ko pang tinitimping mga luha. Nakatungo ang aking ulo habang hawak pa rin nang mahigpit ang kumot na nakatakip sa aking katawan.

"I'm sorry .. dapat hindi kita iniwan."

Wake Me UpWhere stories live. Discover now